Four words
"Ba't di mo nilalock yung pinto? Isang pihit lang mapapasok kana. Anong silbi ng lock sa loob kung hindi mo gagamitin?" Magkasalubong ang dalawa niyang kilay habang nagmamaneho. Doon lang sa harapan ang tingin niya.
"Lalabas rin naman ako." sagot ko.
"Your reason is too shallow Snow. Paano kung nasa ganoon ring sitwasyon at nadatnan ka ng ibang lalake katulad nung nadatnan ko? Anong laban mo? You're a girl for pete's sake! Sa susunod maglock ka." Naiirita niyang sabi. Napangiti lang ako. Kahit pakiramdam ko ay galit siya natutuwa ako. Ewan ko ba. Masyado akong nadadala sa pinagsasabi mo.
"Okay. Maglalock ako. Gagamitin ko yung lock sa loob para mapakinabangan. Tapos hindi ako yuyuko sa harap ng pinto. Ano pa?" Hindi nabura ang ngiti sa labi ko. Mas lalong lumukot ang ekspresyon niya. Natawa tuloy ako.
"Eh kung iduct tape ko yang bibig mo tapos isilid kita sa sako at ilagay sa likod ng kotse ko? What do you think?" Naiirita niya akong tinapunan ng matalim na tingin.
"What? I am just obeying you. Ba't ka ganyan? So mean." Napanguso ako.
"Tss." Natawa lang ako sa pagsusuplado niya. God Sylver. I don't know why I like that kind of attitude of yours. Hindi ko mapigilang hindi tumawa.
Doon na kami sa likod ng Restaurant pumasok. Mas madali kasing nakakarating doon sa kitchen. Yung utak kong naging okyupado kanina ay nalagyan rin ng laman dahil sa sinabi niya sa akin.
"Sisisantehin kita ngayon." sabi niya.
Napasinghap ako "H-Ha? Bakit? Sinusunod ko naman yung sinasabi ng chef. Y-Yung basong nabasag ko pwede bang ibawas nalang sa sweldo ko. Don't do this please." Napahawak ako sa braso niya at kumikislap ang mga mata kong inaninag ang blangkong tingin niya sa akin. Hindi ako pwedeng mawalan ng trabaho. Paano ko tutustusan ang sarili ko araw araw?
"Sisisantehin kita para wala kanang utang na loob sa kapatid ko. Ako yung maghahire sayo. Ayokong may utang na loob ka sa kanya. Ayokong isipin mo na kailangan mo iyong masuklian. Ayoko ng ganon." Naibulsa niya ang mga kamay niya at napangusong nag-iiwas sakin ng tingin. Huminahon ang ekspresyon ng mukha ko at napangiti. Kinabahan ako doon. Akala ko talaga mawawalan na ako ng trabaho.
"Ganon ba? Okay. Mag-aapply ako sayo. Teka? May requirements ba?" Napahagikhik ako.
"Oo meron. Kailangan mong ibigay sa akin ang buong atensyon mo. I need your time. Sapat na yan para pumasa ka sa trabahong ito." Napanguso siya. Natatawa ko siyang tiningnan. Seryoso ba siya o nagbibiro?
"Sayo ako magtatrabaho hindi sa Restaurant? You sound possessive Sylver. Ganyan kana pala ngayon?" Napangiti ako sa kanya. Nandito pa kami sa kitchen at nakatayo sa harap ng pinto. Hindi pa kasi siya kumikilos kaya wala rin akong rason para umalis dito. Hindi ko alam kung saan na naman ako nakaassign.
"Possessive? Is that how you name my actions? This is just too shallow for me Snow. You don't know how possessive I am." Mas lalong naging seryoso ang ekspresyon ng mukha niya. Yung mga mata niya ay parang gusto ring magsalita pero hindi mailabas ang mga letrang ikinukubli niya doon.
"Paano ba?" Halos pabulong ko iyong sinabi. I'm too curious.
"Why are you interested? Do you want me to treat you like that?"
"Wala naman akong sinabing hindi." We're close." Nakagat ko ang pang-ibaba kong labi.
"Close. Tss. This is not the close I want to have Snow..." Inilapit niya ang sarili niya sakin kaya napaatras ako. Kaso itong pinto nalang ang tanging nasa likuran ko. Napasandal ako doon nang wala sa oras. Napalunok ako ng laway nang isang pulgada nalang ang pagitan sa aming dalawa. Wrong move then I'll surely end up on his lips, bumps with mine.
"I want you close enough, close enough that we'll both gasp for an air. Close enough, skin to skin. Literally close. Kaso... may karapatan ba ako?" Halos pabulong nalang iyon. Nabahiran ng kung ano ang tono ng pananalita niya. Tumindig ang balahibo sa batok ko nang dumampi ang hininga niya sa gilid ng tenga ko at pagod na bumagsak ang tingin sa mata niyang nag-iiwas na ng tingin sa akin. Anong ibig niyang sabihin? Anong gusto niya bukod sa pagiging close naming dalawa? May karapatan? Anong karapatan ang tinutukoy niya? Oh shut up Snow. You know what his trying to point out. Ikaw itong nagpapabobo para lang iwasan ang bagay na iyon. Bawal. You're off limits. Ibinenta kana ng magulang mo kaya itatak mo iyan sa utak mo. Umalis ka ng bahay hindi para lumandi kundi para maging malaya. Unfortunately, you're not free to love.
Hinila niya na ang pulso ng kamay ko habang ako ay tikom na ang bibig. Di ko alam kung ano ang isasagot sa salitang iyon. May ediya ako pero mali. Maling mali. Hindi 'yon pwede.
"Ganito, ang tangi mo lang gagawin ay ireview yung kinikita ng Restaurant araw araw. Tapos ilagay mo sa isang file at gawing folder. Yun lang. Ang kailangan mo lang gawin ay umupo. Tumunganga sa harap ng laptop at tumipa." Inilagay niya sa harap ko ang isang laptop. Iminuwestra niya ang isang upuan kaya umupo ako doon. Napapasok ko naman sa utak ko yung pinagsasabi niya pero may mas nangingibabaw sa utak ko at paulit ulit na nilulusong ang kaibuturan ko para matigilan. Physically present yet mentally absent. That's my state right now.
"Hoy nyebe? Nakikinig ka ba? Hinahamon mo ba talaga ako para sisantihin ka? Akala mo ba kokonsentihin ko 'to? Mawawalan ka ng trabaho dahil diyan sa pinaggagawa mo. Tss." Nayayamot siyang umupo sa harap ko. Isang bilog na mesa ang namamagitan sa amin at yung laptop na nakapatong doon. Ngumiti lang ako sa kanya. Hindi ko babaguhin ang pakikitungo ko sa kanya. Yun nalang ang pangtakip ko.
"Ang sungit. Lapit ka dito. Pakurot ng pisngi mo. You're so cute when you're mad." Tumawa ako na ikinabusangot lalo ng mukha niya. I've never seen him smile. Ba't niya iyon ipinagdadamot?
"Ba't di yang mukha mo ang ilapit mo sa mukha ko para malaman mo kung anong gagawin ko dahil diyan sa pagpapacute mo. Tss."
"Di ako nagpapacute no. Ikaw ang nagpapacute." Tumawa ako.
"Ewan ko sayo." Naiiling niyang sabi. Sumandal siya sa upuan niya at nakasentro ang tingin sa akin. Nandito lang kami sa loob ng kitchen pero may openspace kasi at matatanaw mo dito ang pinaggagawa ng ibang chef. Hindi naman kami disturbo.
"Ba't hindi ka mahilig ngumiti? Ang rami mong rason para ngumiti." Wala sa sarili kong sabi lalo na't nasa screen na ng laptop ang atensyon ko. Bumandera sakin ang mga sales nila ngayong buwan. Ang laki pala talaga ng kinikita. At ang rami nilang branch sa iba't ibang bansa!
"I don't have enough reason to smile." sagot niya.
"Malaya ka. Sapat nang rason iyon. You can do everything you want." Tinatapunan ko siya ng tingin paminsan minsan pero ibinabalik ko rin doon sa screen. Gumawa ako ng isang folder para doon ilagay ang mga nareview ko. Parang summarizations ng sale ng branch nila dito sa Pilipinas.
"Di rin. Yung babaeng gusto ko, di ko makuha ng buo." Sandali akong natigilan sa pagtipa at pasimple siyang tiningnan lalo na't nakahalukipkip na siya at hindi inaalis ang tingin sa akin.
"M-May gusto ka? Di ko alam 'yon." Parang pinulupot ang tiyan ko dahil sa pinagsasabi ko. Am I hurt?
"You should know. Kaya rin hirap akong dumiskarte dahil diyan sa pagiging absent minded mo. Ituloy mo na nga lang yan. Tss." Tumayo siya at naiiling na tumalikod. Kunot noo kong sinundan ang likod niyang lumabas.
I should know? Kailangan ko pa bang malaman 'yon? Ba't pakiramdam ko kahit na malaya ako ay nakakulong parin ako. Nakakulong ako sa hindi ko malamang kadahilanan. Wala akong ediya kung saang parte ako nakakulong.
Sandaling napako ang atensyon ko doon kahit na nakalabas na siya. Napabuntong ako ng hininga at ipinagpatuloy nalang ang ginagawa ko. Pinilig ko ang ulo ko para alisin doon ang pinag-iisip ko. Di ako pwedeng magpaapekto sa mga pinagsasabi ng puting 'yon. Di ko rin kasi maintindihan eh. Tapos nagwa-walk out pa.
Ilang minuto rin siyang nawala. Halos isang oras ata. Nasa gitna ako ng pag-inda ng leeg kong namamanhid kaya hinimas ko ito at tumingala habang nakapikit nang makarinig ako ng isang hagalpak na parang nahulog. Mabilis kong naimulat ang mga mata ko at narinig ang pagmumura ni Sylver. Napatayo ako lalo na't nakita ko ang nabasag na baso sa harap niya. Pati yung shake ay kumalat doon.
May lumapit doong janitor at nilinis iyon. Napatingin ako sa nakaigting na panga ni Sylver at naghihilot ng sintido niya habang nakapameywang. He looks very fustrated. May problema ba siya?
Nagmadali akong lumapit sa kanya at sinuri siyang mabuti. Wala naman akong nakitang sugat o ano.
"Okay ka lang?" tanong ko.
"Stop making those moves. Ang rami mong pinapasok sa utak ko." Nahilamos niya ang mukha niya habang ako itong kumunot ang noo dahil sa pinagsasabi niya.
"Alin doon?" Naguguluhan kong sabi.
"Wala. Nasayang tuloy yung shake na ginawa ko sayo. Ilang oras ko yang pinaghirapan tapos ikaw rin pala ang dahilan para matapon. Will you please behave?" Mariin niya akong tiningnan.
"Anong ginawa ko? Di ko gets." usal ko.
"Ganito. Bumalik ka doon sa pwesto mo. Magtipa ka. Yun lang. Kung masakit yang leeg mo hilutin mo hindi yang titingala ka pa at pipikit. Pinaghirapan ko pero sa isang iglap ganoon lang kadali nasayang... pambihira." Hindi maipinta ang mukha niya at tinalikuran ako. Naiwan akong lutang sa kinatatayuan ko. Doon lang ako bumalik sa sarili ko nang pasimple akong siniko noong janitor. Nasa 30's na ata ang edad ng lalakeng ito.
"Mukhang inlove si Sir Sylver sayo ah. Nanliligaw ba ineng? Balita ko parati daw 'yong nakadikit sayo dito. At mukhang tama nga ang mga napag-uusapan ng ibang Empleyado dito. Nasapol mo ata." Isang ngiting aso ang pumaibabaw sa labi niya.
"Po? Inlove?" Di makapaniwala kong bigkas.
"Oo ineng. Imposibleng hindi mo 'yon nararamdaman. Wag kang ganyan. Bagay pa naman kayo. Halatang malaki ang epekto mo sa kanya. Ngayon ko lang nakita ang batang iyon na tumambay dito nang ganitong oras. At ang nakakagulat pa ay gising pa siya sa oras na ito. May kakaiba talaga." Ngumiti siya sa akin habang minamop na yung sahig. Napakurap ako. Inlove? Si Puti inlove? Sa akin? P-Pero may gusto siyang ibang babae. God Snow. Tama na yan. You're torturing yourself. You can't fall inlove.
May kung anong gumuho sakin nang mapagtanto kong bawal akong mainlove. Pwede akong magmahal pero bawal akong maghangad ng malaki. Di na iyon maaari.
Tumutok nalang ako sa sa pinaggagawa ko. Kahit anong bura ko doon sa sinabi ng janitor sa akin ay hindi ko ito matanggal sa utak ko. Isang ballpen ata ang isinulat doon at di ko kayang burahin kahit anong gawa ko. Kailangan ko atang punitin ang parte ng utak kong iyon para lang matanggal ito at mawala. That's very wrong.
"Drink this. Malalabanan mo yung pagod. May kung anong ingredients yan para mawala yung pagod sa katawan mo. Nakakawala rin yan ng antok." Inilapag niya sa harap ko ang isang shake. Nilingon ko iyon sandali pero ibinalik ko rin sa screen ang buo kong atensyon.
"Thanks. Ibawas mo nalang sa sweldo ko Sylver." seryoso kong sabi.
"That's free." sagot niya.
"Meron rin ba sa ibang empleyado? Ganito ba parati dito? Ba't parang ako lang?" Nalilito kong iginala ang tingin ko sa paligid. Busy yung ibang chef pero tinatapunan kami ng tingin minsan.
"Ako ang gumawa niyan para sayo. Ba't ko sila gagawan? Pakialam ko sa kanila?"
"Ba't mo ako ginagawan?" Nagkasalubong ang kilay ko.
"Why not? Gusto ko eh. You have no choice but to drink that Snow. Nagtataray ka ba?" Magkasalubong narin ang kilay niya. Umiling ako at napabuntong ng hininga. Ba't ba ako nakikipagtalo? He's my boss afterall. 'Tsaka naging magkaibigan kayo simula pagkabata Snow kaya ganyan siya magmalasakit sayo. Probably.
"Sorry. Thanks again." Ibinalik ko nalang sa harap ng screen ang atensyon ko. Nakakunot ang noo ko lalo na't nasa harap ko na ulit siya at pinagmamasdan ang bawat galaw ko. Di tuloy ako makaconcentrate. Pasimple ko nalang ininom yung shake na gawa niya saka iyon inilahad sa kanya.
"Gusto mo rin?" Nginitian ko siya. Mahinahon niya iyong kinuha at sumimsim doon.
"It taste... good." Nagtaas ang dalawa niyang kilay habang tinititigan yung shake saka inilapag ulit sa harapan ko.
"You can have that if you want. Share tayo." Ngumiti ako.
"Okay. Pero doon lang ako iinom pag nauna ka."
Marahan akong natawa. Too gentleman huh."Ladies first?"
"No. Indirect kiss." Napatitig siya sa labi ko at nakagat ang sarili niyang pang-ibabang labi. Nanuyo ang laalmunan ko dahil sa ginawa niyang iyon. Para akong naubusan ng tubig sa loob ko at uhaw na uhaw ako.
Napaawang ang bibig ko pero agad ko ring naitikom. Humugot pa ako ng hininga para lang punan ang kumakapos na hangin sa kalooblooban ko. This is too much. Paano niya nasasabi ang lahat ng ito? Hindi man lang nagdadalawang isip habang ako itong nakakaramdam ng kakaiba sa loob ko dahil sa pinagsasabi niya. Those words were like bullets. It shot me real bad. Gusto ko mang ilagan pero hinahabol ata ako nito kahit saan ako magtago at kusang ibaon ito sa loob ko.
"Ang rami niyo palang kinikita. Every month tumataas ang sale niyo. Your parents are very hardworking to achieve this business." Ngumiti akong ibinaling ulit sa screen ang atensyon.
"Change topic. Tss." Humalukipkip siya doon kaya naitikom ko nalang ang bibig ko. His expression stiffened as he gawk at me. The way his face wrinkled. Nakakatulala. Ni halos hindi ko rin kayang ituon ang buo kong atensyon sa screen at pasimpe siyang ninanakawan ng tingin kahit na nahuhuli niya naman ako. Hindi niya kasi inaalis ang tingin niya sa akin. Nakakatindig balahibo ang tingin na iyon. May kung ano sa loob ko ang gumagapang at sinasakop ang buo kong sistema. Pinapanginig nito ang kabuuan ko.
Tinapos ko nalang yun nang hindi na nagsasalita. Yung ginawa niya naman tumitig sakin o magbabad diyan sa phone niya. Pero pag napapatingin ako sa kanya ay sinasalubong agad iyon ng mga mata niya kaya napapangiti ako sa kanya. Siya naman itong bubusangot lalo ang mukha.
"Uuwi na ako. Goodnight." Hahakbang na sana ako at mauuna nang lumabas nang hinigit niya ako bigla sanhi para hindi ako tuluyang nakaalis sa harapan niya.
"You seemed off. Anong nangyayari sayo?" May bahid na lungkot ang boses na 'yon.
"Ha? I'm just tired. Masakit leeg ko kaya gusto ko nang umuwi na at matulog. Yun lang Sylver." Kinumbinsi ko ang sarili ko na 'yon ang gusto ko at hindi yung katotohanang iniiwasan ko siya. Hindi rin ako sigurado kung ba't ako umiiwas. Sinikap ko siyang ngitian kahit na nakakawala ng lakas ang titig niyang masyadong seryoso.
"Di mo gusto ang ginagawa ko. Di ko mapigilan. I'm sorry." Naging malungkot ang ekspresyon ng mukha niya. Sa isang iglap ay parang sinuntok ang dibdib ko dahil sa kirot na naramdaman ko doon. May kung ano sa loob ko ang naaapektuhan. Ngayon ko lang naaninag ang lungkot ng mukha niya. Sanay kasi akong seryoso ito.
"I need a ride with you Sylver." Ngumiti ako sa kanya. Sandali siyang tumitig sa mukha ko 'tsaka siya napabuntong ng hininga. Gusto ko siyang iwasan pero ayaw ata ng sistema ko. Ayokong makitang malungkot ang mukhang 'yon. Gusto ko siyang pagbigyan sa lahat ng gusto niyang gawin sa akin. Kahit mali, kahit hindi pwede, gustong gusto ko at hindi ko mapigilang hindian ang gusto ko.
"Buti naman at nagbago ang isip mo. Hihintayin ko yung araw na yang salitang yan ay magiging apat sa halip na pito. I'll do anything just to have that four words. I'll be damned for sure if that happens." Pinagbuksan niya ako ng pinto sa front seat. Pumasok ako doon ng mahinahon. Laman naman ng utak ko yung apat na salitang gusto niyang manatili sa halip na yung pitong binigkas ko. I need a ride with you Sylver. Now, which three words should I erase and which words should remain?