Never been scared
Laman ng utak ko ang sinabi ni Sylver. Hindi ko alam kung anong meron doon sa sinabi niya pero may kung ano sa loob ko ang naghuhuramintado. Ewan ko kung ano. Dala na siguro ito ng kulang kong tulog.
Dalawang oras lang ang naging tulog ko lalo na't may pasok pa ako. Uminom ako ng kape para labanan ang antok mamaya sa klase. Kahit anong pagmamadali kong pumasok ay late na naman ako. Nakililala na ako ng mga prof dahil sa pagiging late ko.
"May eyebugs ka." puna ni Sylver sa mga mata ko nang makaupo ako sa tabi niya. Klasmeyt ko silang dalawa ng kapatid niya dito. Yung kapatid niya naman nilingon ako kanina pero nginitian lang ako at hindi na ulit ako pinansin.
"Hayaan mo na." Nginitian ko siya pero bumusangot lang ang mukha niya.
Napansin kong hindi na siya natutulog pa. Pero ako itong hindi maipasok sa utak ko ang pinagsasabi ng prof lalo na't nagtatalo ang mga mata kong pumikit at ibagsak ang ulo ko sa desk.
"You can sleep if you want to, Snow." narinig kong sabi niya. Pasimple akong humikab at umiling.
"Hindi pwede. May klase eh." Nginitian ko ulit siya at ibinalik sa prof ang buo kong atensyon.
Kahit papano ay naipasok ko naman sa utak ko ang pinagsasabi ng prof. Napansin ko na hindi niya talaga iniub-ob ang mukha niya sa desk pero kapwa kaming inaantok dalawa. Halatang halata iyon sa namumungay naming mga mata.
Laking tuwa ko nang matapos ang isang subject lalo na't vacant ko agad. Kahit 30 minutes lang iyon ay sulit narin para umidlip.
"Mauna na ako. Ungas, susunduin ko pa si Rena." sabi ni Jame Brancen sa kapatid niya. Nagmamadali itong lumabas at kinawalayan kaming dalawa. Kinawayan ko rin ito at ngumiti ng malapad kaso natigilan ako nang ibinaba ni Sylver ang kamay ko at magkasalubong ang kilay habang mariing nakatingin sa akin. Para bang may nagawa akong labag sa loob niya at hindi niya nagustuhan.
"Ano?" Kunot noo kong tanong.
"Sa akin siya nagpapaalam hindi sayo, ako ang kinakawayan niya hindi ikaw. You don't need to response Snow." Mariin niyang sabi.
"Ay ganon ba? Pasensya na. Malaki ang utang na loob ko sa kapatid mo. Siya ang naghire sa akin kaya may trabaho ako ngayon." Napanguso ako lalo na't hawak niya parin ang pulso ng kamay ko.
Kumalas siya sa pagkakahawak sakin at magkasalubong parin ang kilay. Hindi ko matukoy ang ekspresyon niya kung ano ang ikinakagalit niya. Basta ang malinaw sa akin ay dahil iyon sa pagkaway ko kay Jame Brancen.
"Oo nga naman. Tss." Nag-iwas siya ng tingin sa akin. Lumabas rin kami ng room. Hindi ko nalang pinansin ang pagsusuplado niya. Normal kasi iyon sa kanya.
"May alam ka bang pwedeng matulugan dito? May 30 minutes kasi akong vacant. Gusto ko nalang sanang umidlip kahit sa konteng oras man lang." Napahikab ulit ako. Napatitig siya sakin pero iniwas niya rin. Galit parin ba siya?
"Doon sa tinutulugan ko. Pwede ka doon." Ibinulsa niya ang dalawa niyang kamay. Nakaigting ang panga niya at ang talim ng mga mata niya kahit hindi naman ito nakatitig sa akin.
"Bawal ako doon diba? Scholar ako."
"This is our school, Snow. Delafuente owned this school. That's our property. You can sleep anywhere you want, but make sure... you're with me. Just that." Nakatuon ang atensyon niya sa ibang direksyon. Hindi parin nagbabago ang ekspresyon ng mukha niya. Sa kanila ang school na ito? Tapos 'yong Restaurant ay sa kanila rin? Hindi ko alam na ganito pala sila kayaman.
"Vacant mo rin?" tanong ko. Nagsisimula na kaming maglakad papunta doon sa tambayan daw nilang magpipinsan.
"Hindi. Pero ililipat ko ang vacant ko katulad sayo para katulad yung vacant time natin."
Kumunot ang noo ko. Ibig sabihin ay may klase pa siya ngayon. Hindi niya pa naaasikaso ang pag papare-sched niya tapos magdedesisyon na siyang vacant niya ang oras na ito.
"You need to fix your sched first, Sylver. Pwede namang mag-isa ako eh. Matutulog lang ako."
"Hindi ka ba nakikinig sa akin kanina? You can sleep anywhere you want, but make sure... you're with me. Wag mong problemahin ang sched ko, I can handle that. Gusto kitang makasama ngayon. Tapos."
"Fine. You like direct statements. Walang paligoy ligoy." Natawa ako.
"Kahit direkta 'yon... may pinagtatakpan parin ito. Mga salitang mananatiling nakakubli. Gusto kong sabihin pero parang huli na. Sa buong buhay ko, ngayon lang ako nag-alangang sabihin ang gusto kong sabihin. Siguro pag nagkalakas na ako ng loob, sasabihin ko sayo. Wag muna ngayon. Nag-iipon pa ako ng lakas."
May kung ano sa loob ko ang biglang nagkagulo. Hindi ko lubos matukoy kung ano iyon. Sandali akong natulala sa kanya, sa gilid ng seryoso niyang ekspresyon. Hindi ko maipaliwanag kung saan ako kinakabahan at kung ano ang rason kung ba't ko nararamdaman ang bagay na ito. Masyado siyang direktang magsalita na nagpapatikom ng bibig ko.
Naging tahimik na ako hanggang dumating kami doon sa tambayan nila. Ang sabi niya sa akin wala daw ang mga pinsan niya dito lalo na't yung iba ay 2nd year college na at hectic rin ang mga schedule. Hindi na nagkakatugma sa kanilang pito para magtipon tipon ng sabay.
"Matulog kana." sabi niya sa akin nang makaupo ako sa silya. May inilahad siya sa aking neckpillow. Halatang madalas nga siyang matulog dito.
"Ikaw? Diba inaantok ka rin?" tanong ko sa kanya habang niyayakap ko sa leeg ko yung neckpillow na kulay light blue.
"Wag na. Papanoorin nalang kita." Ipwinesto niya ang silya sa tabi ko. Marahan akong natawa. Seryoso ba siya?
"25 minutes nalang ang natitira mong oras para matulog. Kung sana ay ipinikit mo na yang mga mata mo ay hindi nasayang yung isang minuto na kinain ng tawa mo. Matulog kana." Mariin niya akong tiningnan kaya naisandal ko agad ang sarili ko sa silya. Nakangiti kong ipinikit ang mga mata ko hanggang dinalaw nga ako ng antok.
Nagising ako dahil sa bell ng school. Napalingon ako sa tabi ko lalo na't nakasandal na ako sa balikat nito habang siya na ang may suot nung neckpillow. Napatingin ako sa mukha niyang nakatulog na. Pasimple akong natawa. Sinasabi niyang hindi siya matutulog pero matutulog naman pala. Komportable rin palang gawing unan yang balikat niya.
"Sylver." Tinapik ko siya. Ilang beses ko 'yong ginawa kaso ang hirap niyang gisingin. Magsisimula na 'yong klase alangan naman iwanan ko siya. Inalog ko siya hanggang ibinuka niya ang mga mata niya. Magkasalubong ang kilay niya at nabahiran ng pagkairita ang mukha. Parang handa na siyang sumiklab sa galit. Pero nang makita niya ako ay unti unti rin iyong huminahon.
"Tapos na 'yong break. Kailangan ko nang pumunta sa next subject ko kaya ikaw pumunta kana rin." Sabay kaming tumayo. Inayos ko ang uniporme ko lalo na't nagusot ito ng konte.
"Magkaklase tayo kaya sabay na tayo." Kumunot ang noo ko lalo na't sa pagkakaalala ko hindi kami magkaklase sa oras na 'to.
"Hindi ko alam 'yon." Kunot noo kong sabi sa kanya. Naglakad kami palabas.
"Kaya nga sinasabi ko sayo para alam mo." Napanguso siya kaya marahan akong natawa. Tapos siya itong napapabusangot lalo.
Tinitigan ko sandali ang mukha niya. Hindi ko alam kahit na hindi ko naman binalak na titigan siya ay kusa na iyong ginagawa ng mga mata ko. His looks screams heaven.
"Ang puti mo." sabi ko sa kanya lalo na't mas kapansin pansin ang kutis niyang nangingibabaw. Tapos yung pitch black niyang tingin na mas lalong nakakadagdag ng kasupladuhan niya. It's just too fascinating to look at him without even blinking.
"Oo alam ko. Pogi ako." Humagalpak ako ng tawa. Hindi ko alam kung sinadya niyang pogi ang marinig niya sa halip na puti o nagbibingihan lang siya.
"Stop laughing Snow. Mas lalo mo akong binibigyan ng rason para hindi pumasok." Nayayamot niyang sabi. Kunot noo akong tumigil sa kakatawa. Hindi ko talaga minsan maintindihan ang pinupunto ng mga salita niya. Ewan ko ba kung saan niya iyon hinuhugot at ba't niya iyon nasasabi.
"Why?" tanong ko.
"Mas gusto kong pakinggan ang tawa mo kaysa makinig sa prof ko." Napakaseryoso ng pagkakasabi niya nun. Natikom ang bibig ko at hindi na nagsalita pa pero taliwas iyon sa kalooblooban ko lalo na't may nag-iingay sa loob sa kabila ng pagtahimik ko. Parang may kung anong nagkakagulo. Ewan ko kung bakit pero dahil iyon sa pinagsasabi niya.
Pumasok rin kaming dalawa at tulad na ineexpect ko ay late nga kami. Nailing lang yung prof nang makita itong si Sylver. Wala kaming narinig na pangaral.
"I'm sorry we're late Maam." Yumuko ako ng marahan. Ako nalang ang humingi ng despensa lalo na't wala atang balak ang kasama ko na ibuka ang bibig niya.
"Okay, go back to your seats. Next time, come early." Mahinahon nitong sabi. Ngumiti ako ng tipid at naglakad patungo sa upuan naming dalawa.
"May nagbago sayo. Hindi kana natutulog sa desk mo." bulong ko sa kanya.
"Pansin ko nga rin." sagot niya.
Yun lang ang naging usapan namin at kapwa itinuon ang buong atensyon sa prof. Napapansin kong natutukso siyang isandal ang ulo niya sa desk niya pero pag napapalingon ako sa kanya ay hindi niya iyon itinutuloy at bumumusangot ang mukha. Natatawa tuloy ako ng palihim. Kahit wala akong sinasabi parang yung tingin ko sa kanya ang nagsasabi sa kanyang wag iyon ituloy.
May ibang subject na hindi ko siya kaklase. Niligpit ko ang mga gamit ko lalo na't tapos na lahat ng subject ko sa araw na ito. Paglabas ko ng classroom ay bumungad agad ang imahe niyang nakahalukipkip at nakasandal sa pader. Nang makita niya ako ay umayos siya sa pagkakatayo. Nilapitan ko siya.
"Saan ka naglalunch? Doon ka nalang sa Restaurant. Sumabay ka sa amin ng mga pinsan ko." sabi niya.
Umiling ako. "Uuwi ako. Gusto kong bumawi sa pagtulog. 'Tsaka may trabaho pa ako mamaya eh."
"Hindi ka kakain?" Lumukot ang ekspresyon ng mukha niya.
"Sa bahay nalang. Pag-uwi ko." Nagsimula kaming maglakad.
"Okay. Ihahatid kita doon." Tumango lang ako. Hindi na ako makikipagtalo lalo na't bubungangaan niya lang ako pag tumanggi ako.
Tahimik lang ako sa byahe dala narin ng antok. Nakasandal na ang ulo ko sa bintana hanggang dinalaw na nga ako ng antok.
Nagising nalang ako na nakahiga na ako sa kama ko at may kumot na nakayakap sa katawan ko. Bumangon ako. Nakauniporme pa pala ako. Bumalikwas ako ng kama lalo na't naramdaman ko ang pagkalam ng sikmura ko. Kumunot ang noo ko nang makita ang isang paperbag na may tatak na McDo doon. Kunot noo akong lumapit doon at napansin ang isang papel. Kinuha ko ito at binasa.
You fell asleep. Text me when you're awake Snow. And also, don't you dare come to work with an empty stomach.
Unti unting nagsink-in sa utak ko ang nangyari kanina. I fell asleep on his car! Ibig sabihin ay binuhat niya ako at ipinanhik dito sa loob? Sa hindi ko malamang kadahilanan ay nang-init ang pisngi ko. Hindi mabura sa labi ko ang ngiting napakatamis.
Kinuha ko agad ang phone ko at itinipa ang numerong nakaindicate dito sa letter niya. Isinave no narin ito. Nagtipa ako ng mensahe.
Thanks. This is Snow :)
Hinalungkat ko ang paperbag at inilabas doon ang mga pinamili niyang pagkain. Sa sobrang rami nun ay nabubusog na ata ako habang tinititigan iyong lahat. Kompleto eh. Pakiramdam ko gusto niya akong patabain. Masyado na ba akong payat sa paningin niya?
Kakasubo ko lang nung spaghetti nang magvibrate ang phone ko. Dali dali ko itong tiningnan kasabay ng pagkurba ng labi ko nang mabasa ko ang pangalan niya sa screen.
Puti:
You got enough of sleep. Good for you.
Ako:
How did you know?
Puti:
Kanina ko pa hinihintay ang text mo. 6 hours.
Sumusubo ako habang nagrereply ng mensahe sa kanya.
Ako:
You didn't sleep?
Sylver:
Hindi ako makatulog kakahintay sa reply mo. I think its your fault. Pay for it.
Ako:
Ha? Wala akong pera. Nagtatrabaho nga ako para magkapera.
Sylver:
Nililiteral mo ba ako? Tss.
Ako:
Sabi mo kasi...
Sylver:
Wag na nga lang. What are you doing right now?
Ako:
Kumakain.
Sylver:
While texting? You should concentrate on eating Snow. Tatawag ako.
Nang mabasa ko ang reply niya ay hindi na ako nag-abala pang magreply. Kakasubo ko palang ng pagkain nang tumawag siya. May kung anong nagrarally sa loob ko dahil sa tawag na iyon. Hindi naman masakit ang tiyan ko. It's a tingling sentation. I can't hardly explain what's inside my tummy right now. Ngayon ko lang ito naramdaman. Yung puno ako ng pananabik. Sinagot ko ang tawag niya.
"I'm gonna fetch you right now. Palabas na ako ng bahay." Narinig ko ang pagstart ng kotse sa kabilang linya.
"Ha? No. Ba't ka pa nag-abala. Marunong akong magcommute! Nakakatuwa nga kasi 10 pesos lang makakarating na ako doon." Manghang mangha ang mukha ko na nakatingin sa screen ng phone ko lalo na't iniloudspeak ko ito.
"Sa akin libre. Wala kang magagastos. Mas nakakatuwa 'yon lalo na't ako pa ang driver mo. Don't you like that?" Nanunuya ang boses na iyon. Hindi ko alam kung sinasadya niya bang ganoon ang tunog ng boses niya pero nakakaakit iyong pakinggan. Yung tipong handa mong pakinggan buong araw.
"Snow? Still there? Nabulunan kana ba diyan?" May pag-aalala ang boses na iyon.
"Ay oo. Sorry natulala lang sandali." Ngumiti ako kahit hindi niya naman iyon makikita. Hindi tuloy ako nakakaconcentrate sa pagkain. Sumubo ako.
"Sige na. Ibababa ko na. Tapusin mo nalang ang pagkain mo lalo na't nagmamaneho ako. I can't concentrate..." Tumango tango ako. Para akong timang sa pinaggagawa ko eh hindi niya naman iyon makikita.
"Okay." Pinatay ko ang tawag. Napangiti muna ako saka nagsimula ulit kumain. Kung ano man itong nagkakagulo sa tiyan ko ay isa lang ang malinaw sa akin. Dahil ito kay Sylver. Sa tuwing kausap ko siya doon ko lang nararamdaman ang pakiramdam na ito. Yung tipong kinikiliti ako ng mga lamangloob ko sa tiyan ko. Hindi ko alam na pwede pala 'yon. Malinis naman akong babae kaya imposibleng bolate ang mga iyon.
Pagkatapos kong kumain ay nagbihis rin ako. Kakasuot ko lang ng flatshoes ko nang may kumatok.
"Di yan nakalock. Pasok!" sigaw ko. Nakaupo parin ako sa kama at pumapangalumbaba. Nang bumukas ang pinto ay narinig ko siyang nagmura. Nag-angat ako ng tingin sa kanya na nakakunot ang noo.
"Ano?" tanong ko. Yuyuko na ulit sana ako para ayusin yung laces ng flatshoes ko nang mabilis siyang nakarating sa harapan ko at pinigilan akong yumuko.
"Ba't mo sakin ibinabandera yang dibdib mo? Sinabi ko lang palakihin mo pero hindi ko sinabing ipagmalaki mo." Naiirita niyang sabi. Ilang sigundo ko pang iprinoseso iyon sa utak ko hanggang doon ko lang nakuha na nakaloose tshirt ako kaya pag yuyuko ako ay masisilipan talaga ako. God!
Namumula ang pisngi kong nag-iwas ng tingin sa kanya.
"Di ko alam. S-Sorry." daing ko.
"Ako na nga. Itong babaeng ito napakaabsent minded. Tss." Nayayamot siyang lumuhod sa harapan ko at itinuon ang atensyon sa pag-aayos ng lace ko. Napatitig lang ako sa seryoso niyang ekspresyon. Pakiramdam ko kakapusin ako ng hininga nang mapatitig ako sa labi niyang kinakagat niya paminsan minsan. Nakakauhaw ang pinaggagawa niya. Lalo na 'yon t***k ng puso kong ang bilis narin. Nasobrahan ata ako sa kape.
"Okay na..." Nag-angat siya ng tingin sakin at sinalubong ang tingin ko sa kanya. Napasinghap ako dahil sa pagtatagpo ng mga mata namin. Ba't ganito? Mas lalo atang bumilis ang pintig ng puso ko. Lalo lang iyong naghuramintado at tingin ko ay nagwawala na ang mga lamangloob sa tiyan ko nang bumaba ang tingin niya sa labi ko. Posible ba ang lahat ng ito?
"Say something Snow... Hindi yung tahimik ka at tititig sakin. I've never been this scared..." Napabuntong siya ng hininga at hiniwalay ang titig sa akin. Pati ako ay napahugot ng mahabang hininga para lang makahinga ako ng maluwag. What's happening?
"A-Anong sasabihin ko?" Nauutal kong sabi Lalo na't nadidistract ako dahil ang lapit niya sa akin.
"That you want me to kiss you. Just... just say it." Napatitig siya sa labi ko. Nabahiran ng gulat ng ekspresyon ng mukha ko. Ramdam na ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko. Sasabog na ata ang mukha ko dahil sa init ano mang oras. Ba't ang dali sa kanyang sabihin ang mga bagay bagay? Too straightforward.
"I think we're not sharing the same thought. Sa susunod, wag mo akong titigan nang ganyan kung ayaw mong halikan kita. You're pushing me to do so." Nagkasalubong ang kilay niya na para bang hirap na hirap siya ngayon.
"Let's go." Tumayo siya kaya tumayo narin ako. Kinuha ko ang maliit kong purse saka sumunod sa kanya. Isinara ko ang pinto. Gusto ko mang malaman kung ano ang ikinakatakot niya ay hindi na ako nag-usisa pa lalo na't hirap akong hagilapin ang mga salita sa loob ko na nagkaramble ramble na ata. Sinalanta ng isang bagyo sanhi para magulo ito sa loob. Magnitude 6. Ang pangalan ng bagyo ay Sylver. Masyadong malala. Napinsala niya ang buo kong sistema kaya may depekto na ata.