Two years ago? Grabeng pagkagusto naman 'yan at ganyan talaga katagal. Pero kung two years ago, ibig sabihin ay nagkita kami no'ng kakasimula ko pa lang dito sa hotel.
“No'ng tinulungan mo akong magtago mula sa mga tauhan ng tatay ko.”
Kumunot ang noo ko. Wala akong matandaan. Hindi ko siya matandaan.
“Seryoso ka ba? Hindi kita naaalala.”
Nagkibit balikat siya. “Hindi naman ako nag e-expect na maaalala mo pa. Because I know that it isn't important to you. Siguro para sa 'yo ay isa lang 'yong bahagi ng buhay mo na hahayaan mo lang na lumipas. Hindi mo naman talaga matatandaan ang isang bagay na hindi mahalaga sa 'yo, Melissa.”
Hindi ko alam kung nagpapakonsensya ba siya o ano.
Pero tama naman siya. Noong mga panahong 'yon din kasi ay ang mga panahong wala ako sa sarili ko. No'ng mga panahong 'yon ko nalamang may sakit pala si nanay.
“Mabuti naman at hindi ka nag expect. Pasensya na ha? Hindi ko kasi talaga naaalala. Sa dami kasi ng nakatira at nag ch-check in sa hotel na 'to ay talagang hindi ko na matandaan.”
“I understand. Nasabi ko lang naman...” Kinagat niya ang labi niya.
Nagtaas ako ng isang kilay, naghihintay sa sunod niyang sasabihin.
“Nagtapat na rin,” sabay iwas niya ng tingin at kamot sa batok niya.
Mas lalo akong nagtaas ng kilay at nagpigil ng ngiti. Nahihiya ba siya?
“Totoo bang crush mo 'ko? O baka lang gusto mong makuha ang virginity ko?”
“Ha?”
“Oh! Kita mo na! I knew it! Iyon ang hidden agenda mo! Kunwari gusto mo ako pero ang totoo iba ang gusto mo sa akin!”
“I never said that!” agad niyang pagde-deny.
“Sus! Hindi mo 'ko maloloko, Mr. Russel! Ang mabuti pa ay matulog ka na lang d'yan. At huwag kang mag alala dahil hindi ako aalis sa pagiging personal maid mo. Kailangan ko ng pera,” sabi ko at lumabas na ng kwarto niya.
Dire-diretso akong naglakad papunta sa sofa at pabagsak agad akong naupo roon.
Mahaba ang naging pagbuga ko ng hangin. Hindi ko inaasahan ang mga sinabi niya kanina. Totoo kaya 'yon? Gusto nga kaya niya talaga ako?
“Ms. Loyola!”
Agad akong napatayo at napaharap sa likuran kung nasaan ang kwarto.
“Ano?!” bulyaw ko sa kanya. Dahil na rin sa gulat.
“Let's have a date.”
Agad na naglaglag ang panga ko. Date? Niyaya niya akong makipag date sa kanya?
“Pass,” sabi ko at naupong muli. Inayos ko ang pagkakasalansan ng mga unan.
“Let's have ten dates for me to prove to you na gusto nga kita at pursigido ako sa 'yo. Let's try if we could make things work.”
Napapikit ako at dahan-dahang napabuga ng hangin.
“Let's just try,” dagdag niya pa.
Napairap pa ako sa kawalan bago ako tuluyang tumayo at muli siyang hinarap.
“Alam mo, kulang ka lang sa tulog at nasobraan ka lang sa pakikipagchukchakan kaya ka ganyan. Itulog mo na lang po 'yan.”
Natahimik siya at matagal pa niya akong tinitigan.
“Tss...”
Kumunot ang noo ko. Anong ibig sabihin ng pa-tss-tss niya?
“Makukuha rin kita,” aniya at tinalikuran na ako. Pumasok siya sa kwarto at marahas pang isinarado ang pintuan.
Napailing na lamang ako. Hindi ako makapaniwalang may saltik ang isang 'yon.
Napasinghap ako at agad na napatakip sa bibig ko. Hindi kaya ay may balak siyang masama sa akin? Masamang ideya yata ang matulog dito. E, kung umuwi na lang kaya ako sa bahay?
Narinig kong bumukas ang pintuan ng kwarto kaya agad akong napalingon doon.
“Aalis ako. Matulog ka na sa kwarto. Huwag kang mag alala hindi ako pumapasok ng walang pahintulot.”
“S-saan ka?” tanong ko. Gabi na kasi at may lakad pa siya? Pero pakialam ko ba? Maid niya lang ako. Ang maid ay hindi dapat nagtatanong ng gano'n sa boss.
“S-sorry...” Napayuko ako. “Pasensya na. Hindi pala dapat ako nagtatanong.”
“Makikipagkita ako sa mga kaibigan ko.”
“A-ahh...” Tumango-tango ako.
“Mm... Gusto mong sumama?”
“Ha? Naku! Hindi ako mahilig sa gan'yan.”
“I see. Alis na ako. Matulog ka na,” sabi niya at saka ako nilampasan.
Natulog na rin ako at isinantabi ang mga walang kwentang usapan namin ni Zoren sa araw na 'yon. Kinabukasan ay nakatanggap ako ng mensahe mula kay Lumina.
Lumina :
Ano itong nasagap kong balita na may iba ka na raw'ng tinatrabaho d'yan sa hotel? Nahuhuli na ako sa balita. Baka gusto mo akong balitaan, Melissa?
Saan naman kaya niya nasagap ang chismis na 'to? Mukhang close na close na sila ni Mr. Buenaventura ah? Hmm...
Agad akong nagtipa ng reply.
Ako :
Wala akong tinatrabahong iba, Mina. Hindi ako katulad mo no!
Ang akala ko ay maaga lang ang mensahe ni Lumina. Pero pagtingin ko sa oras ay masyado na palang late. Nasobraan na naman ako sa tulog. Kung ganito ba naman kalambot na kama ay siguradong mapapasarap talaga ang tulog ko.
Agad na akong bumangon at lumabas ng kwarto. Tahimik ang living at dining. Walang kahit na kaunting kaluskos para maisip kong may kasama pa ako sa suite na ito.
“Hindi ba siya umuwi kagabi?”
Siguradong malalim na naman ang tulog ko kagabi dahil wala akong alam sa mga pangyayari.
Tinungo ko ang ref at uminom ako ng tubig doon. No'n ko lang din napansin ang sticky note na nakadikit sa pintuan ng refrigerator. Kinuha ko 'yon at agad na binasa.
Good morning. Don't skip your breakfast. Ngayong araw na ito ay opisyal akong manliligaw at paulit-ulit kang kukulitin tungkol sa pabor kong ten dates. Let's have a date, Melissa Loyola.
Napabuga ako ng hangin at nilukot ang sticky note saka ko itinapon sa trash can na malapit. Asa pa siyang makikipag date ako sa kanya. Never!
As usual ay wala akong masyadong ginawa sa suite. Kaunting linis at paglalabas lang ang ginawa ko. Bumaba ako ng alas dose para sa lunch ko. Siyempre dahil tauhan pa rin naman ako ng hotel ay pwede pa rin akong sumabay at makikain kasama ang mga staff sa kitchen.
Pagkatapos ng tanghalian ay bumalik ako sa suite at umidlip. Hindi ko alam kung bakit antukin ako nitong mga nakaraang araw.
Medyo napahaba ang tulog ko at nagising lang ako ng mga bandang alas kwatro dahil sa mensahe ni Lumina.
Lumina :
Talagang hindi ka katulad ko. Mas mabilis mga galamay mo kaysa sa akin, e. At sino 'tong tinutukoy ni Dwayne na kaibigan niya raw?
Sabi ko na nga ba at si Mr. Buenaventura ang nagpapadala ng maling balita, e. Mukhang may something na talaga ang dalawang 'to.
Humanda ka sa akin, Lumina!