Ako :
Ah! Si Zoren? Iyong nakakainis na kaibigan niya na nakatira sa isa sa mga presidential suite? Hindi ko tinatrabaho 'yon. Ginagawa akong alipin no'n dito. Ang ayos-ayos na ng trabaho ko sa front desk, ginawa niya pa akong personal na tagalinis ng suite niya.
Lumina :
Baka nagustuhan ang trabaho mo kaya promoted ka agad. Hahaha
Napabuga ako ng hangin. Paanong promote? Kung tutuusin ay hindi naman promotion ito. Well, tumaas ang sahod pero naging katulong ako.
Ako :
Hindi ako natutuwa, Mina.
Bakit pa-text-text na lang 'tong babaeng 'to? Wala ba 'tong trabaho?
Lumina :
Hindi mo na raw inuuwian ang bahay natin?
Muli akong napabuntonghininga. Lahat yata chinichismis ni Mr. Buenaventura kay Lumina, e.
Ako :
Paano ako uuwi? E, 24/7 ang utos ng lalaking 'yon.
Kahit hindi naman. Wala nga akong trabaho masyado.
Lumina :
Baka may gusto na sa 'yo.
Natawa agad ako pagkatapos kong basahin ang reply ni Lumina. Inamin nga ni Zoren kagabi. Pero sure akong gino-goodtime niya lang ako. Imposibleng magkagusto 'yon sa akin.
E ano naman kung magkagusto siya sa akin? Normal lang 'yon. Sobrang ganda ko kaya. Hindi nga lang ako mayaman, pero maganda pa rin.
Ang tinutukoy kong imposibleng magkagusto sa akin si Zoren ay dahil babaero siya. Siguradong hindi puso ang tumitibok sa kanya kung 'di iba.
Ako :
Asa!
Ilang minuto akong naghintay ng reply mula kay Lumina pero wala ng dumating.
Pumikit akong muli pero siya namang pagbukas ng pintuan. Agad akong napabangon.
“Ah. . . Pasensya na nakatulog ako. P-pero tapos na ako sa mga dapat kong gawin.”
“It's okay. Maaga rin akong natapos sa office kaya maaga akong umuwi,” sabi niya at saka ako tinabihan sa sofa. Napatayo ako bigla.
“Gutom ka ba? Ipaghahanda— I mean ikukuha kita ng pagkain sa baba. Teka, sandali lang.”
Aalis na dapat ako at patalikod na nang hawakan niya ako sa palapulsuhan ko.
“Napag-isipan mo na ba 'yong tungkol sa inaalok ko sa 'yo?”
“Ha? Ang alin?”
“Ten dates, Mel.”
Dahan-dahan kong kinalas ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya kasabay ng pag iling ko.
“Pasensya na pero trabaho ang kailangan ko. Pera ang kailangan ko kaya ako nandito.”
“So you don't wanna date me?”
“Pasensya na talaga.” Pilit akong ngumiti. “Ikukuha lang kita ng pagkain.”
Hindi ko na hinintay pa ang magiging sagot niya at agad na akong umalis. Hindi rin naman ako nagtagal sa kitchen at agad din akong bumalik sa suite ni Zoren bitbit ang pagkain niya.
Pagkapasok ko ay wala siya sa sala at naririnig ko ang tunog ng shower kaya sigurado akong naliligo siya. Inilagay ko na lamang sa lamesa ang mga pagkain niya at saka doon ko siya hinintay.
Ilang sandali lang ay lumabas na siya at laking gulat ko nang nakitang nakatapis lang siya ng tuwalya sa ibabang parte ng kanyang katawan. Ang iilang butil ng tubig ay tumutulo pa mula sa kanyang buhok pababa sa kanyang pisngi. May iba pang tumutulo mula sa dibdib niya pababa sa kanyang abs.
“A-anong ginaga— Bakit ka nakahubad?” natataranta kong tanong matapos ang ilang minutong paninitig ko sa kanyang katawan.
Nakakaloka! Napakataksil ng aking mga mata. Tinraydor ako at talaga namang nagawa nitong pagnasaan ang katawan ni Zoren.
“Ganito talaga ako dito. Dapat ay masanay ka na. Lalo pa at mas mapapadalas ang pagiging tambay ko dito.”
Lumapit siya sa akin at kumuha siya ng isang slice ng pizza saka niya 'yon kinagatan habang nakatitig sa akin. Napalunok ako. Bakit ganoon? Bakit parang biglang uminit?
Nag iwas ako ng tingin at agad na napapaypay sa aking sarili.
“Naiinitan ka ba?” tanong niya at mas lalo pang lumapit sa akin. Ang buo niyang atensyon ay naroroon na naman sa akin.
Nailibot ko ang paningin ko sa paligid at agad akong naghanap ng pwedeng ipalusot para makalayo ako sa tabi niya. My god! Kailangan ko ng space! Parang biglang sumikip ang suite na 'to.
“Malakas naman ang aircon. Do you want me to—”
“Juice!” malakas na sabi ko at naitaas pa ang aking hintuturo. “Tama! Ikukuha kita ng juice.”
Pumunta agad ako sa ref at kumuha ng juice. Nagsalin ako sa baso pero dahil tila wala ako sa tamang katinuan ay inisang lagok ko ang lamang naisalin ko imbis na ibigay ko 'yon kay Zoren.
“You looked tense. Anong problema, Melissa?”
“Ikaw!” bulyaw ko kasabay ng pagbagsak ko ng baso sa counter top.
Agad na nanlaki ang kanyang mga mata. “Why? What is wrong with me? Wala naman akong ginagawa.”
“Wala ka bang damit? Bakit mo kailangang humarap sa akin ng nakahubad?”
“I am not naked, Mel. Nakatapis ako ng tuwalya.”
Napapikit ako dahil sa inis. Anak ng titing! Ang sarap niyang murahin. Kung hindi ko lang siya amo ay malamang namura ko na siya kanina pa. Nagtatanga-tangahan ba siya o ano?
Napamulat ulit ako ng mga mata nang narinig ko ang mahina niyang tawa.
“Anong nakakatawa?” iritadong tanong ko.
“Alam mo. . . Ikaw lang ang kilala kong maid na mas matapang pa kaysa sa amo.”
“Hindi mo kasi ako siniseryoso, e. Feeling ko hindi naman ako maid dito. Wala nga akong trabaho masyado. E, kahit brief mo nga ayaw mong palabhan sa akin. Zoren, gusto kong kumita ng pera at thankful ako sa 'yo kasi mas lumaki 'yong sahod ko. Pero kung paano mo akong tratuhin ngayon ay na-realized kong hindi ko deserve ang magiging sahod ko.”
“Hindi naman kasi talaga kita kinuhang maid para gawin kong maid, Melissa. I already told you that I liked you at iyon ang rason kung bakit ka nandito. I wanna be with you. Gusto kitang ligawan. That is why I am asking you na bigyan ako ng chance na i-date ka. Just ten dates, Mel.”
“Ayaw ko nga. Hindi ko 'yan priority. Hindi kita gusto,” diretsahan kong sabi.
Natigilan siya at hindi agad na nakasagot sa akin. Nakagat ko ang labi ko at napaiwas ako ng tingin sa kanya. Napasobra yata ako doon. Kung totoo mang gusto niya ako ay siguradong nasaktan ko siya.
“S-sorry. . .”
“Do you really want me to treat you like a real maid? Iyon ba talaga ang gusto mo?”
Napalunok ako. Tumingin ako sa kanya at dahan-dahang tumango. Iyon nga ang gusto ko. Iyong walang special treatment. Walang ibang relasyon maliban sa pagiging amo at katulong.
Ilang minuto pa siyang nakipagtitigan sa akin bago siya tuluyang tumango.
“Fine, then.”