GABRIELLA’S P.O.V. NAGISING AKO DAHIL sa kalampag ng pinto. Kahit na inaantok pa ay bumangon ako at tinungo ito. Pagbukas ko ay bumungad sa akin si Rose na hindi maipinta ang mukha. “Ano ba ’yan, ang tagal mong buksan. Sabi ng señora, kumilos ka na raw at marami ka pa raw na gagawin,” maarte nitong sabi at nakairap pa. Aalis na dapat ito nang muli itong humarap. “Oo nga pala, sabi ng señora, ’wag ka raw magtangka na magsumbong sa señorito, dahil lalo ka raw niyang hindi matatanggap.” Pagkasabi niya no’n ay umalis na siya. Nanlalata na isinara ko ang pinto at tinungo ang kama para gisingin si James. Ngunit napahinto ako nang walang James akong nakita sa kama. Lumapit ako sa table nang may makitang sulat. Good Morning Sweetheart, Maaga nga pala akong umalis, para sa gagawin naming oper

