GABRIELLA’S P.O.V. ANO BA ANG mas masakit, ’yong masugatan ka o ’yong iwasan ka ng lalaking mahal mo? Dalawang araw na kasi akong hindi pinapansin ni James. Tingin ko kaya iniiwasan niya ako ay dahil sa nangyari sa pagitan namin ni Stella. Simula rin kasi ng mangyari iyon, hindi siya tumabi sa akin sa higaan at doon siya sa kabilang kwarto natutulog. Tapos maaga pa silang umaalis para umpisahan ang trabaho raw nila at gabi na rin siya nakakauwi kung kailan ay tulog na ako. Halos hindi ko na siya nakikita sa buong araw. Sana naman kung kasalanan ko man ang nangyari, sabihin niya. Hindi ’yong iiwasan niya ako nang iiwasan, kasi masakit naman para sa akin iyon. Tapos isabay mo pa ’yong pagtrato sa akin ng mama ni James, lalong lumala. Nalaman yata nito ang nangyari kay Stella at sa p

