GABRIELLA’S P.O.V. “HOY! BABAENG MALANDI! Bumangon ka na raw at marami ka pang gagawin!” yugyog ni Marie sa akin kaya nanlalata ako sa pagbangon dahil pakiramdam ko ay magkakasakit ako. “P-pwede bang pass na lang muna ako ngayon? Masama kasi ang pakiramdam ko . . .” mahina kong sabi at balak na sanang bumalik sa higaan nang hatakin niya ang braso ko. Napangiwi ako sa sakit dahil bumabaon ang kuko niya. “Napakatamad mo, isusumbong kita kay Señiora!” pagbabanta nito at umalis na ng kwarto. Humiga ulit ako at nagpatuloy sa pagtulog, hindi ko talaga kaya, parang umiikot ang paningin ko kapag tumatayo ako. MICHELLE’S P.O.V. HUMIHIGOP AKO NG tsaa habang may binabasa na business magazine. “Señiora si Gabriella po, ayaw raw po niya ng pinapagawa n’yo sa kanya. Matutulog na lang daw po siya

