NARRATOR’S P.O.V. KATAHIMIKAN AT TAKOT ang bumabalot sa buong mansyon. Naroon ang Dark Tres na napapangisi at napapailing sa nakikitang takot ng mga tao dito. Nakaupo naman sa sofa si Michelle na hindi mapalagay. Kinakabahan siya at naiisip kung ayos na ba ang kalagayan ni Gabriella at ng mga apo niya. At nababahala rin siya sa galit ng anak niya. “Rose at Marie, harapin n’yo ang kasalanan n’yo sa anak ko. Sinabi ko sa inyo na itigil na, ’di ba?” mariin niyang sabi sa mga ito. “Señiora, tulungan n’yo po kami. Baka mapatay po kami ng Señiorito . . .” Nagmamakaawang humihingi ng tulong ang dalawa. “Hindi n’yo ako sinunod, pare-pareho natin salubungin ang galit ng anak ko,” napapailing na sabi ni Michelle at napapikit. Napadilat din siya agad nang makarinig ng yabag papunta sa gawi nil

