GABRIELLA’S P.O.V. NANLALATA NA IDINILAT ko ang aking mga mata. Napagod kasi ako dahil hindi ako tinantanan ni James kagabi hanggang sa mag-umaga na. Dahan-dahan akong naupo sa kama dahil masakit ang parte na nasa gitnang hita ko. Hinahawakan ko ang kumot para takpan ang hubad kong katawan. Natulala ako habang iniisip ang mga nangyari, nahihiya talaga ako kay James. Hinatid ako ni James sa kwarto at pinatulog muna niya ako para siguro makaalis siya habang tulog ako. Hindi ko alam kung saan siya pupunta, pero para silang sasabak sa giyera. Nakita ko kasi ang paglabas ng mga tauhan ni James sa mga baril na nanggaling yata sa bodega sa likod. Dahil curious ako kung saan nila gagamitin iyon ay nagtulug-tulugan ako, at gusto ko rin malaman kung ano ba talaga ang totoong katauhan ni Jam

