GABRIELLA’S P.O.V. PAPARA NA DAPAT ako ng taxi nang may pumigil sa akin at hinarap ako sa kanya. Nakita ko ang nag-aalalang mukha at hinihingal na si James. Tinanggal ko ang pagkakahawak niya at tumalikod sa kanya para umalis, pero pinigilan niya muli ako. “Sweetheart, bakit ka naman umalis? Halika na, ipatingin na natin si baby,” malambing nitong sabi sa akin at inaakay ako paalis sa kinatatayuan namin. Hindi ako nagpatanggay at tumingin lang ako sa kanya nang masama. “Pumasok kang mag-isa mo, parang gustong-gusto mo naman doon, e. Gustong-gusto mo rin ’yang paghawak sa ’yo ng EX mo.” Idiniin ko talaga ang ex niya para malaman niya na nabubwisit ako sa hindi niya pagsabi na may iba pala siyang minahal. Humarap naman sa akin ito at tila nalilito. “Ano bang sinasabi mo, Sweetheart? Hi

