GABRIELLA’S P.O.V. LUMIPAS ANG MGA araw ay naging mas masaya ang pagsasama namin ni James, naging mas sweet at malambing din siya. Pumapasok siya sa opisina niya, pero minsan ay nagpupunta siya sa head quarters niya. Nalaman ko na kaya pala siya tinatawag na Lord ay dahil sa kanya pala ipinamana ng lolo niya ang titulo bilang Mafia Boss. No’ng una ay bigla akong nailang, kasi no’ng sinearch ko kung ano iyon . . . mga tao raw sila na gumagawa ng mga illegal na bagay at pumapatay ng mga inosenteng tao, marami rin daw itong kalaban o kagalit sa lipunan nila. Nang itinanong ko kay James kung ano ba ’yong ginagawa niya bilang mafia, ang sabi naman niya ay hindi sila sakop sa mga illegal na gawain. ’Yong mga tauhan niya, siya mismo ang nag-training sa mga ito at maging mga agent. Tinutugis

