GABRIELLA’S P.O.V.
SCHOOL
NAKAUPO AKO RITO sa may likuran dahil wala naman akong kaibigan na matatabihan sa unahan.
’Yong mga babae nga sa unahan ko, mga kinikilig pa habang panay ang lagay ng makeup ng mga ito na halata na mga nagpapaganda.
“Grabe, girl! Kahit sa magazine ko pa lang nakikita si Papa James, ang gwapo-gwapo talaga niya. Makalaglag panty pa ang katawan,” kinikilig na sabi no’ng babae sa harap ko.
“Oo nga, balita ko pa bilyonaryo raw ’yon. At kanina no’ng dumating ’yon, ang ganda-ganda pa ng kotse niya at ang daming bodyguard na kasama,” sabi ng katabi niya.
“Nakakatakot lang, dahil walang kaemosyon-emosyon ang mukha niya no’ng bumaba siya sa kotse. Pero kahit na, mas nakakadagdag iyon ng dating,” kinikilig na sabi no’ng kaklase niya.
Mabuti pa sila ay may kaibigan na pwedeng mapagkwentuhan ng mga nangyayari sa buhay nila, e ako? Ito! Wala pa ring kaibigan.
“Hoy! Ellang panget!” tawag ni Carl. Kasunod niya ang tropa niya habang palapit sa akin. Umakbay pa sa akin ito pagka-upo.
“Hindi naman ako panget. Sabi nila Nanay maganda raw ako. Hmp!” pairap kong sabi kanya sabay alis ng kamay niya sa balikat ko.
“Syempre, nanay mo ’yon. Malamang pupuriin ka no’n dahil anak ka niya,” sabi niya na natatawa pa.
Hindi ko na lang siya pinansin dahil nand’yan na rin ang principal na umakyat na ng stage.
“Good morning, student!” bati ni Mr. Gonzales sa amin.
“Nasabi na siguro ng mga adviser n’yo, kung ba—” Naputol ang sasabihin ni Principal Gonzales nang may pumasok sa gym na isang seryoso ang mukha ngunit gwapo at matangkad na lalaki. Nakasunod ang mga bodyguard nito dito habang naglalakad patungo sa stage. Hindi pa ito agad na humarap sa amin at kahit nakatalikod ay naghuhumiyaw ang nakakatakot na presensya niya. Pag-upo niya sa assign seat para sa kanya ay tumingin siya sa pwesto . . . ko ba? O sa amin? Tapos ay parang nagdilim din ang mukha niya at parang ang sama ng pagkakatitig niya sa kamay ni Carl na nasa balikat ko pala. May sinenyas siya sa isa sa bodyguard niya habang nakatitig pa rin dito. Hindi naman din ako sure kung dito nga ba . . .
Hindi ko maintindihan kung bakit kumalabog ang dibdib ko sa kaba, bigla akong natakot sa lalaki na iyon.
“Hey, Ella! Okay ka lang?” tanong ni Carl.
“Oo. O-okay lang ako,” nauutal na sabi ko. Ewan ko pero kinakabahan talaga ako.
Tumingin ulit ako sa unahan pero nagulat na lang ako na nakalapit na pala dito ang bodyguard na nakita kong inutusan ni Mr. Esteban.
“Miss, tawag kayo ni Lord sa stage,” sabi nito na nakayukod pa sa akin.
“P-po? Bakit daw po?” kinakabahang tanong ko sabay tingin kay Carl na nakakunot ang noo na nakatingin din pala sa bodyguard na nasa harap namin.
“Oo nga! Bakit siya pinapatawag?” tanong din ni Carl at hinawakan ako sa kamay.
Napatingin naman ako sa kamay namin tapos ay tumingin ulit sa bodyguard, pero wala na pala siya sa harap kundi ’yong si Mr. Esteban na! Hindi ko namalayan na nakalapit na pala siya.
Hinawakan niya ako nang mahigpit sa braso at kinaladkad patungo sa labas kung saan nakaparada ang mga mamahaling sasakyan nito na may nakahilerang bodyguard.
“Hoy! Saan mo dadalhin si Ella, ha? Ano ba! Bitiwan n’yo ako! Ella!” rinig kong sabi ni Carl.
Balak ko na sanang alisin ang kamay ni Mr. Esteban at puntahan si Carl nang maramdaman ko na humawak siya sa baywang ko at hinapit ako palapit sa kanya.
“Sige, subukan mo lang sweetheart na lumingon. Kanina pa ko nagtitimpi dahil sa paghawak ng lalaking iyon sa ’yo,” mariin at galit na sabi niya, ngunit hindi mo makikitaan ng kahit ano mang emosyon ang mukha niya.
“P-pero, sino po ba k-kayo? Wala naman po akong ginagawang masama,” kinakabahan na sabi ko, kahit na ubod ang pangangatog ng mga kamay ay pilit ko pa rin na inaalis ang kamay niya sa baywang ko.
Pinagtitinginan na kami ng mga tao sa loob ng gym at nakita ko ang sama ng tingin nila Tricia at ibang babae sa akin.
“Damn it! Shut Up! Ayaw ko sa lahat ay hinahawakan ang pag-aari ko, dahil masyado akong galit sa humahawak ng akin. Isasama na rin kita sa bahay ko, doon ka na titira para wala nang makahawak sa iyong iba,” marahas na sabi niya sabay pitik ng daliri sa isang kamay niya hudyat pala na pagbuksan kami ng pinto ng isa pang bodyguard.
“P-po? Ayaw ko po sumama sa inyo. Bitiwan n’yo po ako! Bitiwan n’yo po ako! Tulong! Tulong!” pagpupumiglas ko habang umiiyak at hinahampas siya sa dibdib dahil sa biglang pagpasok niya sa akin sa loob ng kotse niya.
“SHUT THE f**k UP!” nanggagalaiti niyang sigaw kasabay ng pag-andar ng sasakyan niya.
“Ang sama n’yo! Gusto ko nang umuwi!”
Ayoko sa kanya, ang sama niya! Ang sama-sama niya!
“Tsk! Hindi na kita ibabalik sa inyo dahil doon ka na sa bahay ko titira,” sabi niya at inilapit ang mukha sa aking tainga upang bumulong. “Hindi mo gugustuhin na suwayin ako. Dahil oras na tumakas ka, papatayin ko ang pamilya mo. Maliwanag?!” banta niya, sabay dila niya sa tainga ko at hinapit pa ko sa baywang palapit sa kanya.
Umiling ako at napaiyak na lang dahil natatakot ako sa kanya.
“’Nay! ’Tay! Kuya! Tulungan n’yo po ako. Natatakot ako sa kanya!” piping hiling ko habang umiiyak.