KABANATA 5 - FEELINGS

2156 Words
GABRIELLA’S P.O.V. TAHIMIK LANG AKONG umiiyak sa sulok ng kanyang sasakyan. Ayokong makatabi siya dahil kaba at takot ang nararamdaman ko para sa kanya. Hindi ko rin maintindihan kung bakit niya sinasabi na pagmamay-ari niya raw ko. Hindi ko naman siya kilala at ngayon nga lang din kami nagkita. Tapos bigla na lang niya ako pupwersahin na dalhin man kung saan niya ba ako dadalhin. Napatingin ako sa pinto ng sasakyan nito at nakita kong hindi pala iyon naka-lock. Pasimple akong tumingin sa kanya na nasa bandang kanan ko, nakatingin lang siya sa harapan. Lumunok ako at kinakabahan man ay dahan-dahan kong binuksan ang pinto at pinakiramdaman ko siya. Pero napakunot-noo ako nang tumunog ang pinto bigla at na-lock nang kusa. Napalunok muli ako at dahan-dahan na tumingin ulit sa kanya. Nakita kong hawak niya ang isang remote na sa tingin ko ay iyon ang ginamit niya para ma-lock ang pinto. “Try again sweetheart at hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sa ’yo,” malamig ang tinig na banta niya at tumingin sa akin na nagdidilim ang mukha sa galit. Tumahimik na lang ako at walang nagawa kundi ang umiyak sa isang sulok sa kawalan ng magagawa. ‘Gusto ko nang umuwi. Bakit ba ayaw niya ko pakawalan?’ piping ani ng isip ko. At dahil siguro sa sobrang pagod ko sa pag-iyak ay hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako. NAALIMPUNGATAN AKO AT biglang napaupo dahil naalala ko ang pagkuha sa akin ng lalaki na ’yon. Pagmulat ko ng mata ay bumungad sa akin ang isang black and white na theme na kulay ng room. Hindi pamilyar sa akin ang kwartong ito! Nilibot ko pa ng tingin ang kinaroroonan ko. Mula sa kama na tingin ko ay napakalaki at napakalambot—hindi hamak na mas malaki sa kama ko na sobrang nipis na sa tagal ko nang ginagamit simula pagkabata ko. Tumayo ako at nilibot pa ang mga paningin ko hanggang sa napako ang aking tingin sa mga litrato ni Mr. Esteban na naka-business suit habang nakaupo sa swilver chair na tingin sa ko ay sa isang opisina kinunan. Kaso hindi man lang siya nakangiti sa litrato. Para siyang greek model. Mas gwapo pa siya sa nakikita ko sa magazine ng kapitbahay namin. Nilibot ko pa ang buong paligid nang mapagdesisyonan ko nang lumabas para makauwi na sa amin. Binuksan ko ang pinto at sumilip kung may tao ba sa labas. Luminga-linga ako at nang makitang walang tao ay tuluyan ko nang binuksan ang pintuan. Dahan-dahan at maingat na lumakad ako palabas para hindi makalikha ng kahit ano mang ingay. Hinanap ko ang hagdanan nito pababa dahil napakaraming pasikot-sikot ang bahay. Sa bawat paglakad ko ay namamangha ako sa mga nakikita ko. Ngayon lang kasi ako nakakita ng ganitong kagandang bahay at ganitong kalaki. Naglakad-lakad pa ko pakanan at sa wakas ay nakita ko na ang hagdanan. Hindi na ko nagpaligoy-ligoy pa at nagmamadali na sa pagbaba. At nang marating ko ang pintuan ay hinihingal pa ako dahil hindi ko inaasahan na napakahaba ng lawak ng sala, mas hamak na malaki pa sa bahay namin. Nang makabawi ng paghinga ay binuksan ko na ang pintuan, pagbukas ko ay siyang kinapako ko sa kinatatayuan ko dahil bumungad sa akin si Mr. Esteban at nakapalibot sa kanya ang napakarami niyang bodyguard. “Saan ka pupunta, ha?” galit na sabi niya na nagpakaba sa akin. Ang seryoso ng mukha niya na mababakasan ng galit. At ewan ko lang kung namalikmata ba ako o ano, pero parang nakita ko ang sakit at lungkot sa mata niya, pero bigla ring nawala agad iyon at bumalik ang galit niyang ekspresyon. “U-uuwi na po ako sa a-amin . . .” nauutal na sabi ko habang nakayuko. Hindi ko kasi makayanan ang tingin niya. Pinisil ko ang daliri ko dahil sa kaba. “Hindi ba’t sinabi ko na sa ’yo na simula ngayon, sa akin ka na titira, ha?! Dito ka lang, naiintindihan mo! Dito ka lang, simula ngayon,” mariin na sabi niya at sinenyasan niya ang tao sa likod ko na mga maid pala rito. Hinawakan nila ako sa magkabilang braso. “Dalhin n’yo na ang señorita n’yo sa kwarto ko. Paliguan n’yo at bihisan bago n’yo dalhin sa hapag-kainan. Pupunta lang ako sa office ko,” maawtoridad niyang utos. “Masusunod po, Lord,” sabay-sabay na sabi ng apat na maid na nasa tabi ko at saka yumuko. Dumiretso na papasok si Mr. Esteban at lumiko na sila sa isang pasilyo na tingin ko ay patungong office na sinasabi niya. Pilit akong nagmamakaawa sa mga kasambahay na pakawalan ako, pero hindi sila kumikibo at dinala lang ako papunta sa pinanggalingan kong kwarto kanina. “Please po, Ate. Tulungan n’yo po ako, gusto ko na po umuwi.” humihikbing pakiusap ko sa kanila pero hindi nila ako pinansin. Napatingin ako sa pinto nang bumukas ito. Pumasok doon ang isang matandang babae na may hawak na tungkod at salubong ang kilay na tumingin sa amin. “Bilisan n’yong bihisan ang señorita n’yo dahil ayaw ng Lord nang pinaghihintay siya,” masungit at nakakunot ang noo na utos nito. “Opo, mayordoma,” sabay-sabay na sabi ng apat. “Uuwi na po ako. Gusto ko na pong umuwi sa amin, please po . . .” nagmamakaawa kong pakiusap dito. “Hindi maari ang sinasabi mo, Señorita. Dahil hangga’t walang pinag-uutos si Mr. Esteban na paalisin ka ay hindi ka maaring makaalis dito. Sundin mo na lang siya, dahil baka hindi mo magustuhan ang magawa niya sa ’yo at sa pamilya mo,” walang emosyong sabi nito. Napayuko at bumagsak ang balikat ko dahil sa kawalan ng pag-asang makaalis dito. “Madali! Bihisan n’yo na siya,” utos nito at tumalikod na. Tahimik lang ako habang pinapaliguan at nililinisan ng apat na katulong. Pagkatapos nila akong ayusan ng mukha ay napasinghap sila at nagkatinginan. Nakatingin lang ako sa kanila dahil naguguluhan ako sa uri ng tinginan nila. “Bakit po?” nagtatakang tanong ko. “Wala po, Señorita. Napakaganda n’yo po lalo nang naayusan kayo,” sabi ng isa. “Ah, gano’n po ba. Salamat po,” nakangusong sabi ko. Nagsisinungaling naman yata sila, hindi naman talaga ako maganda. “Tara na po, Señorita. Baka po naiinip na ang Lord,” aya nila. Tumango na lang ako at sumunod na sa kanila pababa papuntang dining area. Pagpasok pa lang namin ay bumungad na sa akin ang napakahabang lamesa at napakaraming pagkain. Natatakam ako sa mga nakahaing pagkain. Grabe! Hindi ko pa natitikman ang mga ito. “Ahem!” tikim ng isang tinig. Bigla akong namula nang malaman ko na nandoon na pala si Mr. Esteban at nakaupo na sa pinakagitna ng lamesa. Namumula ang mukha at nahihiyang umiwas ako ng tingin at yinuko ang ulo ko. ‘Gosh! Nagmukha yata akong patay gutom?’ napakagat-labi ako dahil sa naisip ko. “Sweetheart, come here,” utos niya. Nanginginig ang tuhod ko na lumapit doon, dahil baka magalit pa siya sa hindi ko pagsunod. Uupo na sana ako sa katabing upuan na malapit sa kanya nang bigla niyang hinawakan ang kamay ko at hinatak ako paupo sa kandungan niya. Nagulat ako at napahawak ako sa braso niya na nakapulupot na ngayon sa baywang ko. “Dito ka,” sabi niya at itinaas niya ang kanang kamay para senyasan ang katulong na maglagay ng tubig. Tatayo na sana ako dahil naiilang ako sa pagkakaupo ko nang hinigpitan niya ang pagkakahawak sa baywang ko. “Dito ka lang sinabi. Subuan mo ko, sweetheart . . .” malambing na sabi niya. Kinilabutan ako sa pagkakasabi niya, isabay mo pa ang pagdampi ng labi niya sa tainga ko. Napakislot pa ako nang may maramdaman ako na may tila may tumutusok na isang matigas na bagay sa pang-upo ko. Kaya ringinalaw ko ang pang-upo ko para malaman kung ano ba ’yon? “Ohhh! Fuckshit! Sweetheart, ’wag kang malikot. May nagagalit at baka tuklawin ka niya . . .” umuungol at parang hirap na hirap na sabi niya. Ano bang pinagsasabi nito? “U-uupo na lang po ako sa isang upuan,” nahihiyang sabi ko. Hindi kasi ako sanay na nakakandong, lalo pa’t sa ibang tao. “No, just stay here. Subuan mo ko,” malambing na sabi niya at inaamoy pa ang buhok ko. Naiilang ako sa ginagawa niya kaya nilalayo ko ang mukha ko sa mukha niya. “P-pero may kamay naman po kayo. Tsaka po, ’wag n’yo pong amuyin ’yong buhok ko,” nahihiya kong saway sa kanya habang pinipigil ang mukha niya. “Gusto kong kasing subuan mo ’ko, sweetheart. At hindi ko mapigilan na amuyin ka dahil napakabango mo . . .” nakangiting sabi niya. Gwapo naman pala ito ’pag ngumingiti. Natulala pa ako sa pagngiti niya dahil lalo siyang naging gwapo, ’yong tipong malalaglag ang panty mo. “Sweetheart, ’wag mo ’kong titigan. Baka matunaw ako,” natatawang sabi niya na kinapula ng mukha ko. Iniwas ko na lang ang tingin ko sa kanya. “C’mon, sweetheart. Subuan mo na ko . . .” naiinip na sabi niya at hinigpitan pa ang pagyakap sa baywang ko sabay pisil dito. “Excuse me po, Lord. May bisita po kayo, si Mr. Carborer ng H.C Company po,” pukaw ng isang bodyguard nito sa amin na lubos na pinasasalamat ko dahil natigil ang paghalik niya sa balikat ko. “Sabihin mo maghintay siya at kumakain pa kami ng señorita n’yo,” malamig at tila inis na sabi niya rito, hindi katulad kanina na napakalambing niyang magsalita. Nang sabihin niya iyon ay tumayo ako kaya napabitiw siya dahil hindi niya inaasahan, lumipat ako agad sa isang upuan. “Dito na lang po ako,” hindi makatingin na sabi ko. Kumuha ako ng kanin at ulam at sinubo iyon para hindi na siya maka-angal pa. “Tsk,” asik niya. Tila hindi niya nagustuhan ang ginawa ko. Tumayo na ito at aalis na dapat, kaso ay huminto pa ito saglit. “Pagkatapos mo d’yan, umakyat ka na sa kwarto ko. Gusto ko pagbalik ko, nandoon ka na at hindi tumatakas,” maawtoridad na bilin niya at hinalikan ako sa pisngi na ikinagulat ko. “Ising, kayo na ang bahala sa señorita n’yo,” walang paggalang na utos nito sa matandang mayordoma na tinawag niyang Ising. “Masusunod po, Lord,” sabi nito at yumukod. Sinundan ko ito ng tingin hanggang sa mawala na ito sa paningin ko. Napagbuntonghininga ako at nawalan na ng gana kumain kaya nilapag ko na ang kubyertos sa plato. Kumusta na kaya sila Nanay at Tatay? Pati na si Kuya Calvin? Tiyak na nag-aalala na ang mga ito. “Señorita, ayaw n’yo ho ba ng ulam na nakahain?” pukaw sa akin ng isang katulong dito. “Ah, gusto naman po. Wala lang talaga po siguro akong gana. Tsaka, ’wag na po señorita ang itawag n’yo sa akin, Gabriella na lang po. Tsaka, Ate . . . pwede n’yo po ba ituro sa akin ang ibang kwarto dito?” mahinahong kong sabi dito. “Naku, hindi po maaari na sa iba kayo matulog. Ang bilin po ng Lord, sa kwarto niya kayo tumuloy,” paumanhing sabi nito. Tumango na lang ako. Kahit siguro ipilit ko ay hindi pa rin nila ako papayagan. “Sige, Ate. Akyat na lang po muna ko. Nawalan na po kasi ako ng gana,” sabi ko rito at tumayo na. “Sige po, samahan ko na kayo,” sabi nito na pinigil ko agad. “’Wag na po! Kabisado ko na po kahit paano ang daan papunta sa kwarto niya, sige po,” pigil na sabi ko at lumakad na ko. Naiilang ako sa mga tao rito na laging yumuyukod sa akin. Nakaakyat na ko sa hagdan na kay haba-haba, feeling ko sasakit ang tuhod ko kakaakyat dito. Nilakad ko ang kahabaan ng hallway at nalito pa ko kung pakanan nga ba iyon o pakaliwa? ‘Argh! Ano ba, Gabriella! Dapat nagpasama ka na lang sa katulong. Nagmamagaling kasi!’ pagalit na sabi ko sarili habang pinagpapalo ang noo ko. Tumingin ako sa kaliwa dahil mukhang doon ang patungong kwarto ng lalaki na ’yon. Dire-diretso ako sa paglalakad nang may narinig akong nag-uusap. Napatingin ako sa kabilang silid at tinungo ko ang pintuan na naiiba ang kulay sa lahat ng pinto rito. Kulay gold kasi. Dahan-dahan ko na binuksan iyon at sumilip sa loob. Nakita kong nag-uusap si Mr. Esteban at may isang medyo matandang lalaki na tingin ko ay ’yong bisita kanina na sinasabi ng bodyguard niya. Aalis na dapat ako nang marinig ko ang sinabi no’ng kausap ni Mr. Esteban. “Mr. Esteban, gusto ko sana na ialok sa ’yo ang anak kong babae, para sa kabayaran ng inutang ko sa ’yo. Tiyak ko naman na magugustuhan mo siya. Ito ang larawan niya,” sabi ng matanda at may inabot na litrato kay Mr. Esteban na kinuha naman nito. “Maamo ang mukha, sexy, at makinis ang anak ko. Kaya alam ko na mag-e-enjoy ka sa kanya,” sabi nito habang tinitingnan ni Mr. Esteban ang larawan ng anak niya. Grabe, ganito ba ang mayayaman? Ibebenta nila ang anak nila para lang sa negosyo? Napakasama ng matandang ito! “Okay, titingnan ko kung magaling siya. Pero sa oras na may ginawa ka patalikod sa akin, maghanda ka na ng kabaong mo. Dahil ang ayoko sa lahat ay traydor,” malamig at walang emosyon na sabi nito habang tinitingnan ang litrato ng babae. Gulat ang tiyak na mababakas sa mukha ko. Hindi ko maintindihan ang pinag-uusapan nila, pero bakit pumayag siya? At anong gagawin niya sa babae? At bakit titig na titig siya sa litrato no’ng babae? Argh! Ano ba ’tong iniisip ko? Tsaka, hindi ko alam, pero naiinis ako at nagagalit sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD