NARRATOR’S P.O.V. ISANG MATAAS NA gusali kung saan nagtitipon-tipon ang kasapi ng Dragons—nakatingala sa gusali na iyon si James kasama ang tatlong tauhan niyang sina Nelson, Mark, at Basty. Pinasok nila ang pugad ng mga ito. Malamig at may nakatatakot na ngiti ang makikita mo kay James, sinenyasan niya ang tatlo na maghiwa-hiwalay sila. Umakyat siya sa railings ng bawat floor. Hindi siya sa hagdan nagdaan dahil tiyak na makakatunog ang pakay nila. Inilabas niya silencer na kanyang dala na may bala na nakakalason. Gustong-gusto niya ito dahil nagbibigay ito ng hindi matawaran na sakit sa tatamaan nito. Nakangisi siya na tila demonyo habang nilalakad ang madilim na pasilyo. May isang bulto na pasalubong sa kanya kaya nagtago siya sa isang pader upang hindi siya makita nito. Paglagpa

