GABRIELLA’S P.O.V. HINDI KO NAMALAYAN na isang linggo na pala ako rito sa lugar nila Carl. Masaya ako dahil ang babait ng mga tao, hindi nila ako hinusgahan kahit nalaman nilang buntis ako at walang lalaking sumusuporta. Si Junior ang madalas na tumutulong sa akin, lalo na kapag dumadalas ang paglilihi ko. Hindi pa mataas ang sikat ng araw, naisipan ko na ang magwalis ng harapan. Marami na ring tuyot na dahon ang nakakalat sa paligid ng bahay kaya naisipan kong maglinis. Hindi ko naaasikaso ito dahil naging busy ako sa pagbili ng ilang gamit ko sa bahay. Bumili rin ako ng ibang isusuot ko dahil may umbok na nang kaunti ang tiyan ko. Hindi na kasi ako makahinga kapag ’yong maong ot masisikip na short ang isinusuot ko, buti na lang din at may ilan na pwede pa. “Good morning, beautiful

