NARRATOR’S P.O.V. NASA OPISINA SI James habang nakatingin sa kamay niya na nilalaro ang ballpen. Hindi siya mapakali sa nalaman niya. Nakatayo at nakatingin siya sa bahay nila Gabriella habang nakasandal sa kotse. “I need to find any proof . . . ” Iyon ang namumutawi sa isip niya. Lumakad siya papalapit sa bahay nito at pinagmasdan. Hahakbang na sana siya nang makita ang singsing na naapakan niya. Pinulot niya ito at tiningnan, may nakita siyang nakaukit doon na Gabriella. Nilagay niya ito sa bulsa, ibibigay niya na lang mamaya rito. Napabuntonghininga siya at lumakad na para umalis, tila wala rin dito ang kasagutan. Papasok na sana siya sa kotse nang makita niya ang binata na alam niyang may pagtingin sa kanyang Gabriella. Masama ito na nakatingin sa kanya at tila may ginawa siya n

