GABRIELLA’S P.O.V. “INAY, ITAY, KUYA, bakit n’yo ako iniwan? Sana pala hindi na lang ako pumasok ng school. Sana nasa tabi n’yo ako, edi sana kasama ko kayo para sana naligtas ko kayo. Mahal na mahal na mahal ko kayo. Pinagsisihan ko kung bakit hindi ko ito sinabi no’ng narito pa kayo. Patawarin n’yo rin po ako, kung hindi ko sinusunod ang gusto n’yo. Kung bakit naniwala ako sa tao na akala ko mahal ako . . .” pumipiyok kong sabi habang wala tigil ang pagluha ko. “Sobrang sakit po ng nararamdaman ko ngayon. Hindi ko na alam kung saan ako pupulutin?” umiiyak ko pa ring sabi habang nakayakap sa puntod nilang tatlo. Kanina lang sila nailibing at kanina pa ako dito at hindi umaalis. “Ella, halika na. Parang uulan na, baka magkasakit ka pa.” Hinawakan ako ni Carl sa braso upang itayo, ngunit

