Tatlong araw na ang nakalipas nang magsimula sina Erina sa pagtatrabaho sa Calixto. Nasanay na sila sa routine tuwing umaga at nagagamay na niya ang paghawak sa masher kaya naiiwasan na niya ang magkasugat. Binigyan na sila ni Catherine ng ID at susuotin uniporme sa susunod na linggo. Pakiramdam niya ay mas lalong nagiging exciting ang mga susunod na araw. She learned new things plus she got new friends like Theo and Adessa.
"Hoy, Erin. Hindi ko madalas nakikita ngayon si Sir Lexus." bati ni Anabeth sa kaniya habang papasok sila ng warehouse.
"Hindi ko pa din siya nakikita. Bakit?" umiling ang dalaga. Wala naman talaga siyang interes kung nasaan si Reigner pero mas gusto kasi niyang nakikita ang kaibigan masaya kapag napag uusapan nila ang binata.
Its obvious that Erin has still a thing for her friend.
Hindi rin nagpaparamdam sa kaniya si Reigner dahil siguro busy ito sa madaming negosyo. Natutuon tuloy ang atensyon niya sa ibang bagay.
Ipinatong ni Erina ang dalang basket sa ibabaw ng mesa bago buksan ang makina. Alas-nuebe na at simula na ulit ng operasyon.
"Hala!" napatakip siya sa bibig, dahil nawala sa isip niya papaano bubuksan ang kakarestart lang na makina. Naalala niya nag reset ang mga mechanic ng makina kahapon para maglinis. At iba ang SOP nila kapag ganito na galing sa reset. Napakamot siya sa ulo.
"Nako, nasaan kaya si Theo?" tanong niya sa sarili at lumingon sa paligid. Walang umiikot na mechanic, kahit nga team leader ay wala.
"I can teach you how to open that.." Halos mapatalon siya sa kinatatayuan nang marinig ang malalim na tinig ni Reigner mula sa likuran niya. Nakabihis ito ng natural na long sleeve na kulay kape at may nakasabit na coat sa kaliwang braso niya. Medyo basa ang buhok nito na parang kakaligo lang.
"Um, tatawagin ko nalang si Theo, Sir." nahihiya niyang sabi dito but Reigner insist.
"I told you to ask help from me.Why looking for someone?" parang may inis itong sagot sa kaniya.
"Ha? Eh kasi Boss kana min dito, baka kung ano isipin nila?" pabulong halos at saka tumingin sa ibang empleyado na nakatingin sa kanila.
"Let them be, ano ba ang problema dito?You forgot how to open a reset machine?" dahan dahan siyang tumango. "Lumapit ka dito.. " utos sa kaniya at lumapit siya ng bahagya para makita ang gagawin ni Reigner. Aksidente siyang napansandal sa dibdib nito dahil sa maliit na espasyo sa harapan ng makina. It only fit one person kaya malabo silang magkasya na dalawa.
"There's a key, used it before opening the machine. Press this yellow button and then turn the key counter clockwise." patango tango lang siya at inulit ulit sa isipan para di makalimutan. "Here, touch this." kinuha nito ang kamay niya at ipinatong sa susian. Sabay nilang inikot ito at habang pinindot ni Reigner ang yellow button. Kusang umandar ang makina at nag operate ng maayos. Lumitaw ang Calixto Emblem sa isang screen at pagtapos lumabas ang mga categories.
"You ask me if you don't know something or you forgot." matigas na bilin ni Reigner sa kaniya. Hindi magawang makatingin sa kaniya ni Erina. Para pa din kasing puputok ang dibdib niya sa kaba habang hawak nito ang kamay niya.
Pagkatapos non ay umalis na ang binata at naiwan mag isa ang dalaga sa pwesto niya.
Nakarinig siya ng malakas na palakpak sa isang empleyado. "Ang galing umarte." she said being sarcastic.
Hindi iyon pinansin ni Erina, she knows that woman. Its Angelica, one of the regular employee, nabanggit na sa kaniya ni Adessa na eskandalosa at bully ang babaeng yon. Kaya huwag siya magpapaapekto kapag may sinasabi ito.
"Kabago bago, ang lakas magpapansin." naririnig niya na sinasabi sa ibang kasamahan. Patay malisya siya habang nagsisimula , alam niya ang mga ugali ng ganoon tao.
"Hindi ka pwedeng lumaban, Erin. Nakakahiya kay Reigner." sambit niya sa sarili. Kung hindi lang boss ang kaibigan niya ay sinagot niya ang mga ito. Hindi kasi niya ugali magpaapi. She knows how to fight back but she choose her place. Mas payapa.
***
Nakatingin lang si Reigner mula sa opisina niya na abot tanaw ang pwesto ni Erina. Nakita niya itong seryoso sa bawat gawain binibigay sa kaniya. She treasure her work.
Napangiti siya at agad kinuha ang tasa na may laman mainit-init na kape. He's still figuring out how to tell Erina his feelings. Minsan hindi niya mapigilan ang sarili na yakapin at halikan ang dalaga. He is resisting from temptation to touch Erina. Tulad nga ng sinabi niya kay Lloyd. She is different from the women he played. He has rules, no women can touch him, and the pain he inflict to them is what he seeks as pleasure.
But for Erina, he is the one begging to touch him. He wants to make her feel aroused, physically, emotionally.
"Ugh, nakakainis." He felt a little turned on, imagining Erina inside that red room.
Bahagya siyang gumalaw sa kinauupuan at lumipat sa sofa na siyang nakaharap sa mesa. Nakita niya ang isang picture frame na nag iisang nakatayo sa mesa niya.
It was Erina, taken back when she was in highschool. He really admire his childhood friend. Kaya itinago niya ang kaisa isang litrato nito bago siya umalis ng bansa. But he felt a little guilt and regret for not returning. Naiisip tuloy niya kung may iba na bang lalake ang nakarelasyon nito, o nagustuhan at unti unti siyang pinapatay ng ideya na yon.
Dahil para sa kaniya, si Erina ay pag-aari niya. He is selfish if its about her.
Bumalik ang tanaw niya sa dalaga nang mapansin may kausap ito. Biglang kumulot ang noo niya nang makita tumatawa ang dalaga habang kausap si Theo. Mas lalo tuloy siyang nakakaramdam ng selos, lalo at hindi niya madalas ito makausap.
Pigil na pigil siyang makapanakit. Sa isip niya he wants to kill Theo.
"Nandiyan ka ba?" nagulat siya at napigilan ang inis nang mapansin nakasilip sa awang ng pinto si Lloyd.
"Bakit!" pagalit niyang tanong nito.
Natatawa muna ang kaibigan niya bago nagsalita. "Bago ka kainin ng selos, may bisita ka, nandiyan si Rosette, hinahanap ka. About the partnership daw." naalala niya na may scheduled meeting siya with Rosette. Tumayo siya at saka hinila ang coat sa ibabaw ng mesa. Sumunod agad siya kay Lloyd na patawa tawa pa din.
***
Pabalik mula sa canteen sina Anabeth, Adessa at Erina. Katatapos lang nila kumain at tatambay muna sila sa pwesto ni Anabeth para sana ituro kay Erina ang nga bago niyang nalaman.
"Alam niyo ba na crush ng lahat ng kababaihan dito si Sir Lexus.." kwento ni Adessa sa dalawang dalaga.
"Talaga? Sa bagay, gwapo e saka mayaman. Diba Erina?" siko niya dito na tahimik lang.
"Hindi yon, sabi sabi dito mayroon daw siyang sadistic side." humina ng kaunti ang boses nito. Bigla naman nacurious sina Anabeth sa narinig.
"Sadistic side?" ulit pa ni Erina na hindi makapaniwala.
"Oo, tipong kapag may kaanuhan siya mas natutuwa siya kapag may nasasaktan. Like ano, kapag nakikipag s*x siya gusto niya yon hinahampas hampas pa? Basta parang ganun." Napatingin si Anabeth kay Erina na umiiling. Hindi kasi ganoon ang pagkakakilala niya sa kaibigan.
Reigner is a gentle person, malayong malayo sa mga naririnig niya. Sadist? Maybe not.
"Pero sabi sabi lang yon, kahit na kung si Sir Lexus ang hahampas sa akin for sure okay lang diba?" pabiro nito at natawa si Anabeth.
"Sira ka talaga." Walang imik si Erina. Hindi kasi siya naniniwala. Reigner won't do that.
Naghiwa hiwalay sila matapos ang lunch break. Wala pa din imik si Erina hanggang sa makabalik siya sa istasyon niya. Napansin siya ng dumaan si Theo na may dalang screw driver.
"Bakit ang haba ng nguso mo?" pang-asar nitong tanong sa kaniya.
"Wag ka nga sumabay." inis na sagot ng dalaga at inilihis ang tingin sa ginagawa.
"Alam mo, cute ka sana kaso suplada ka." biro pa ng binata at lalong humaba ang nguso ng dalaga. "Bakit ba? Binubully kana naman nina Angge?" tumanggi siya.
"Hindi." sagot niya at kumuha siya ng ballpen para irecord ang mga nakalagay sa panel ng machine.
"Gusto mo ba sumama sa weekend? May inuman lahat ng nasa Mashing Deparment. Sama kayo ni Anabeth."
"Si Ana, sasama yon. Ako, ayoko. Hindi naman ako umiinom." aniya at binuhat ang basket ng prutas sa gilid ng mesa para suriin.
"Paano ka magkakaboyfriend kung di ka makikipagmingle. Ana told me your NBSB? Totoo ba?" bumuntong hininga ang dalaga. Ano bang masama sa pagiging no boyfriend since birth? Baka maging tomboy siya? O mamatay siyang virgin?
"Eh ano naman!" singhal niya dito at hindi pa din tinitignan ang binata.
"Maganda ka, Erin. Siguro may gusto manligaw sayo pero nahihiyang umamin kasi sinusungitan mo." bigla siyang napalingon sa binata na ngumisi.
"Tigilan mo na ako! Magtatrabaho na ako!" sigaw niya at nagtatakbo palayo si Theo na tumatawa pa din. Napailing iling nalang siya dahil panay pa din ang pang-aasar nito sa kaniya.
Hindi naman siya pihikan sa lalake. May hinihintay lang talaga siya.
"Erin!" nagulat ang dalaga nang tawagin siya ni Angelica. Lumapit ito sa kaniya.
"May pinasuyo si Mam Catherine, pumunta ka daw sa winery sa may basement." nagulat siya sa sinabi nito, hindi pa siya nakakarating sa winery, kung saan doon iniimbak ang mga alak for fermentation. Nagustuhan niya ang ideya na makapasok doon, dahil bukod sa puno ng alak doon ay kakaiba sa pandinig niya ang lugar.
"Ako daw?" itinuro niya ang sarili.
"Oo, bilisan mo!" sigaw ni Angelica at nagmadali siyang pumunta sa basement. Sa ibaba ay gumamit lang siya ng hagdan at hindi elevator, nakasunod sa kaniya si Angelica hanggang sa maituro nito kung nasaan ang winery. Namangha siya nang makita ang isang silid, gawa sa makapal na uri ng bakal ang pinto at tila meron siyang automatic lock mula sa labas kaya dapat iwanan siyang nakabukas kapag may tao sa loob.
Sumilip siya sa loob ng silid at para siyang malaking refrigerator. Nakita kasi niya ang malaking thermostat na kusang nag aadjust ang temperature kapag nakasarado ang silid.
"Hanapin mo daw itong wine na ito then dalhin mo daw sa opisina ni Mam Cathy." utos ni Angelica at ibinigay sa kaniya ang isang papel.
Sauvignon Blanc 1940
Isang uri ng white wine.
Dahan dahan siyang pumasok sa loob at binuksan ang ilaw para makita ang mga bote ng alak. May mga kahon na sa sahig at tila hindi pa nabubuksan. Nakaka ilan hakbang palang siya palayo sa pinto.
"Angge, pwede mo ba ako samahan dito sa loob, medyo masikip kasi?" may konting panginginig sa pagsasalita niya, siguro dahil sa lamig na nararamdaman o dahil hindi talaga siya komportable sa mga ganitong lugar.
She is claustrophobic.
Lumingon siyang muli sa kasamahan at laking gulat niya nang unti unting nagsasara ang pinto. Nagtatakbo siya patungo don pero huli na nang marinig niya ang malakas na paglock ng pinto.
"Angge!" sigaw niya at kinalabog ang pinto. "Angge! Nalock ako sa loob! Tulungan mo ako!" sigaw niyang muli at buong lakas na kinalabog na muli ang pinto. Pero walang nakakarinig sa kaniya. Mabilis niyang nilingon ang thermostat. Kusang bumababa ang temperature nito from 35 degrees to 20 degrees celcius. Naramdaman na niya ang nakakangatal na lamig.
"Tulong! Buksan niyo to!" her voice starts to c***k. Lalo pa ng manlambot na ang tuhod niya, pakiramdam niya anuman oras ay hindi na siya makakahinga. Naiisip niya si Reigner, mapapansin kaya nito na nawawala siya?
If yes, she hope Reigner will find her.
***
End of Chapter 4