WHERE HAVE YOU BEEN?

1557 Words
Victoria... Pagdating ko sa silid ay padabog Kong sinara ang pintuan at inihagis ang cane sa kama. Umupo ako sa gilid ng kama. The moment na narinig ko ang pag-amin Niya na Isa siyang doktor ay masaya ako. I was thinking about my brother. Nakakahiya mang sabihan pero pumasok kaagad sa isip ko ang kapatid Kong may sakit, baka matulungan siya ni Ethan. Kaya lang nagbago kaagad ang mood ko dahil sa mga pang-iinsulto niya sa akin. Ang yabang naman kasi, kaya pala ang galing niyang magbigay ng medical advice, Isa pala talaga siyang Doktor. Bakit ngayon lang Niya sinabi. Umiling na napabuntung- hininga ako at parang maiiyak. Ito na naman ang moment na mag self pity ka, iyong mapaisip ka na kawawa Kang nilalang. Hindi naman ako ang taong naiinggit sa kapwa ko dahil matagumpay sila sa buhay. Kaya lang ako nag self pity dahil sa nalulungkot ako sa sakit ng aking kapatid. Kung sino pa iyong mahirap, siya pa ang nagkaroon ng sakit na delikado at nangangailangan ng pera. Pinahid ko ang Isang patak ng luha sa aking mata. Ngayon ko naisip na Isang malaking pagkakamali ang ginawa ko, Isang kasalanan ang magnakaw na akala ko ay hindi ko pagsisihan dahil para ito sa aking kapatid na may sakit. Pero bakit ganito ang naramdaman ko ngayon? Bakit nanliliit ako sa aking sarili. Si Ethan, Isa pala siyang Doktor, may kakayahan siyang gamutin ang aking kapatid. Pero, paano pa ako hihingi ng tulong sa kaniya? Nawala na ang kumpyansa ko sa aking sarili dahil Isa akong magnanakaw. Sa kaniyang paningin, Isa akong magnanakaw na masuwerte ng magkaroon ng deal dahil kamukha ko ang kaniyang lost fiancee. Sa kontrata, nakapirma na rin ako doon, nakasaad pa man din sa kontrata na kaya kami pumasok sa kasunduan ay dahil sa aking misconduct. Malinaw na ang tinutukoy Niya ay ang pagnanakaw ko. Huling-huli Niya ako. Nakasulat din doon ang allowance ko buwan-buwan. Iyon na lang ang gagamitin ko para sa pagpagamot Kay John. "I miss you John.." bulong ko sa aking sarili. May Isang patak na naman ng luha na dumaloy sa aking pisngi ma agad Kong pinahid. What I am thinking? Walang mangyayari kung magmukmok ako dito, pakiusapan ko si Ethan, or should I call him Dr Ethan? Pakiusapan ko siyang dalhin muna si John dito. Na miss ko na siya, sobra. Parang tugon naman ng aking kahilingan, may kumatok sa pintuan. "Bukas yan.." Sabi ko. Alam ko namang papasok rin sya ng diretso sa silid. Si Ethan nga at nagmamadaling lumapit sa akin. "Listen.. please makinig Kang mabuti sa akin Victoria." he looks tense. Dahil nakakapagod ang tumingala sa kaniya ay kinuha ko ang baston sa kama na nasa gilid ko lang din. Tumayo ako at hinarap ko siya na mukhang tensyonado. Tumikhim siya," In less than an hour, may darating akong tatlong kasamahan na dadalo sa kasal natin next week." he paused when he saw the panic in my eyes. "No, huwag Kang mag panic, kung mag pa panic ka mabuking ka na hindi ikaw ang totoong Yassine dahil magkakamali ka okay.? Here.." pinakita Niya sa akin ang picture sa kaniyang cellphone. "This is Dr. Jake Bilabao, hes an internist. Nakasama ko sya bilang assistant doctor sa ginawa Kong thesis at libro na ipapasa ko sa AMA to further my career. " patuloy siyang nag scroll ng mga pictures. "Ito naman si Dr. Mercy Tan an OB gynecologist at itong si Dr. Cheryl Go ay Isang pediatrician. Suriin mong mabuti.." "Akala ko ba ay private ang kasal natin, I mean...that's what you said. " hindi ko maiwasan ang kabahan. Ngayon pa talaga sila darating kung kailan limitado lang ang kilos ko. " Nandito ba sila para dalawin ako, I mean si Yassine? Uuwi rin ba sila pagkatapos na makita ako--" "I told you to relax!" tumaas ang kaniyang boses. " Hindi ka na nakinig sa una ko pa lang instructions. Relax okay? I said they're here to attend the wedding--" "Pero sa 24 pa iyon, that would be ten days from now!" mariin Kong sabi. "I know right?" bumuntong-hininga si ETHAN. Obviously, hindi rin Niya ito inaasahan dahil sa expression ng kaniyang mukha na hindi masaya. "Malamang nag file ng leave ang mga iyon just to attend the wedding." nakita ko na nag arko ang kaniyang kilay. "I didn't invite them, but I cannot say no to them, they're already here. Nasa airport na sila at going na doon si Baste para sunduin sila. Nabasa mo naman ang mga gusto at hindi gusto ni Yassine hindi ba? Mag-iingat ka lang at relax ka lang. Hindi nila dapat mahuli na peke ka." "Pero.. mahihirapan akong kumilos dahil sa aking sprain ankle?" I said. Nakita ko ang bahagya niyang pag-ismid. "It's not like they're going to make you their personal maid para paroon at parito ka. Beside, nasabi ko na may sprain ankle ka." Tinitigan ako ni Ethan. " Magbihis ka na.." Tatlong katok ang narinig namin sa pintuan. "Dr. Ethan.." "Come in.." Bumukas ang pintuan at pumasok si Ginang Matilda, of course, kilala ko na ang babaeng caretaker dahil sa pagmamanman ko sa bahay na ito bago ko ito pasukin noon. "Ginang Matilda.." "Good morning, Ethan..good morning Miss Yassine--" ngumiti sa akin ang caretaker nina Ethan. Napalunok ako ng laway. Sina Ginang Matilda at Mang Manuel, wala man lang kaalam alam na ang babaeng kaharap Niya ngayon ay Isang magnanakaw ng antigong bahay na kanilang binabantayan. "H-hello po. Ginang Matilda, kumusta ho?" inabot ko ang aking kamay sa kaniya. Ngunit napahiya ako dahil titig na titig ito sa akin at hindi man lang kumibo. Mukha pa ngang nagulat ng inabot ko ang aking kamay. Bigla akong kinutuban, maging si Ethan ay hindi kumibo. "Ba-bakit ho..m-may problema ho ba?" pilit Kong tinatago ang kaba sa aking dibdib, ngumiti pa rin ako. Inabot ni Ginang Matilda ang aking kamay. "Wala hong problema Miss Yassine-- nagtataka lang ako dahil..." umiling si Ginang Matilda na napatingin Kay Ethan. Sa wari ko ay may gusto itong sabihin ngunit hindi Niya masabi na nasa harap ako. Ngumiti si Ginang Matilda at binitiwan ang kamay ko. " May kapatid ka pala Miss Yassine. Alam mo hinahanap ka Niya at na mi miss ka na Niya.." I was about to speak but Ethan interrupted." That was...John, adopted nila iyon Ginang Matilda." I almost gasped. Nasaktan ako sa sinabi ni Ethan. Kahit na bahagi lamang ng pagpapanggap namin ang ilihim ang pagkatao ni John, still para namang kinukurot ang aking puso. Para akong nagtatakwil Kay John. Isang pagtataksil iyon sa aming sumpaan na walang iwanan. I glanced away. "Sabi ko na nga ba..hindi ba alam ng batang iyon na adopted siya.?" Hindi ako umimik. I was hurt. And I miss my brother John. Siguro parte ng parusa sa akin ni Ethan ay ang ilayo sa akin ang aking kapatid. "Excuse me, magbanyo lang ako." hindi ko na hinintay na sumagot si Ethan sa akin. Iniwan ko na silang dalawa ni Ginang Matilda. I was about to cry Bago ako pumasok ay narinig ko si Ethan ." Huwag ka lang magtagal love..sumunod ka na kaagad okay?" I closed the bathroom's door. Kinikilabutan ako sa endearment nila ni Yassine. Subalit wala akong magawa kundi ang makiayon sa nakasulat sa kontrata. Tumulo na naman ang aking luha. "Na mi miss ako ni John at na mi miss ko na rin ang aking kapatid. Higit sa lahat ay Kailangan niya ang aking suporta. Mamayang gabi dadalawin ko siya, kung ayaw ni Ethan na dalhin dito si John, ako na lang ang gagawa ng paraan upang makausap at makita ang kapatid ko. "Here she is.." ang lakas ng t***k ng aking puso ng mula sa hagdan ay nakita ko sa living room ang tatlong doktor na sinabi ni Ethan. Kumaway ako sa kanila dahil sabi ni Ethan ay mahilig sa sosyalan si Yassine at friendly sa mga tao. "Yassine!!" malakas na tawag nina Cheryl Go at Mercy Tan. Umabot naman hanggang tainga ang aking ngiti, habang dahan -dahan akong bumaba ng hagdan. Sinundo ako ni Ethan at inalalayan. "Huwag mong kalimutan ang napag-aralan natin ukol sa ugali ni Yassine ha?" bulong Niya sa akin habang kunyari ay hinalikan Niya ako. Uminit kaagad ang aking balat at mukha. "Don't forget to always call me love." dagdag pa Niya. Ngumiti naman ako ng maluwang Kay Ethan, na kunyari ay natutuwa ako sa kaniyang pagiging sweet. Humilig pa ako sa kaniyang dibdib bago kami bumaba ng hagdan. "Finally, nakita ka na rin namin, Yassine dear. Saan ka ba nagpunta? Muntik ng kabahan itong kaibigan namin na hindi magkaroon ng bahagi sa PMA kapag hindi natuloy ang inyong kasal..Saan ka ba talaga galing?" ani Dr Cheryl Go. Pagkatapos naming mag beso beso ay inaya ko sila na maupo. "Hmnn, maupo muna kayo.." I said as I heard them gasp and looked at me. Agad akong na tense pero hindi ko ipinakita. Pagalitan pa ako ni Ethan mamaya kapag hindi ko magawa ng tama ang aking gampanin. "Is something wrong?" tanong ko ng maupo na kaming apat. Nanatiling nangunyapit ang aking daliri sa mga daliri ni Ethan. "Hmnn, parang nag-iiba ang iyong boses?" pansin ni Dr. Jake Bilabao. "Oo nga,parang mabilis ka ng magsalita, hindi na OA.." Cheryl laughed. Tumawa din si Mercy. "Right', sagutin mo naman ang tanong ni doktora Cheryl, where have you been?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD