ETHAN...
"You're a doctor?! Aray! ouch aww..hindi masakit, hindi masakit..huwag Kang magalit. " Napangiwi na sabi ni Victoria.
"Ano ba kasing nakain mo? Magtatanong ka lang naman, hindi mo na kailangAn na gumalaw pa." Umiling na sambit ko sa kaniya.
"Hindi ka na talaga natuto.." dagdag ko pa, gustuhin ko Mang matawa sa kaniyang reaksyon, nangingibabaw ang pagkainis ko sa kaniyang pagiging ignorante, hmm... maybe not ignorance but she's just clumsy.
"Bakit, ka ba nagulat, hindi ba kapani-paniwala na Isa akong Doktor?"
"No, no, not that.." sunod- sunod na iling ni Victoria.
"Masaya lang ako dahil --' she suddenly stopped. Tinitigan Niya ako ng masinsinan.
"What?" I asked her.
"Nevermind.." she glanced away.
Pinag-aralan ko ang pagbabago ng mukha ni Victoria. Nang marinig Niyang sinabi ko na ako ay Isang doktor ay nakita ko ang excitement ng kaniyang mata.
She was so excited that she involuntarily moved her leg.
"Nevermind? Oh please, kahit na Isang bata ay madaling makuha ang reaksyon mo Victoria, you hurt yourself by moving your sprained ankle once again, pagkatapos sasabihin mong nevermind? Spit it out." Dahan-dahan niyang kinuha ang kaniyang paa na nakapatong sa mesa.
Tumayo si Victoria at kinuha ang baston sa kaniyang gilid. "Thank you for this.." she was referring to the cane.
"Kalimutan mo na lang ang tanong ko please." seryoso niyang sabi. "Huwag Kang mag-alala, tatandaan ko ang sinabi mo, mag-iingat na ako para hindi masira ang plano mo. Gagalingan ko ang pagpanggap. Magpapahinga muna ako." she said and turned away.
Sinundan ko ng tingin si Victoria na humakbang patungo sa hagdan upang pumanhik sa kaniyang silid sa second floor.
"Women.." I said as I shrugged my shoulders.
Ano man ang nakapagbago ng isip Niya ay siya lang ang nakakaalam. She excitedly asked about my profession and then stopped.
"Women.." I said once again. Kagaya rin ng siya ni Yassine. One moment she was happy while teasing me, one second will pass and she was mad.
Umiling na lamang ako habang niligpit ko ang medical box. Ang common denominator ng mga babae ay mahirap silang intindihin. There, I'm sure about it. Kahit na ang Papa, ito din ang reklamo na kadalasan kung maririnig mula sa kaniya.
Even some of my colleagues told me that it was a women's nature, mahirap silang ispilingin. I brushed the thought away and I decided to check the men at work outside.
Ongoing ang pagtatrabaho ng mga pintor na nag re paint.ng bahay para sa kasal namin ni Victoria. May mga iilang panday na rin na nagkumpuni ng iilang sira o bahagi ng bahay na dapat ayusin.
"Magandang umaga Dr Ethan.." halos magkasabay na bati ng mga panday at pintor ng makita nila ako.
"Magandang umaga, kamusta ?"
"Ito, sinusubukan namin na husayan ang aming trabaho. Sana matuwa ka, Dr. Rosales. " nakangiting sabi ng pintor sa ibabaw ng ladder na kanilang ginawa para ma kaakyat siya sa itaas ng dingding.
"Oo sana maging perpekto ang ating mga gawa. Ang totoo ay kami din ang panday na kumukumpuni dati ng Antigong bahay na ito, Dr Rosales. Iyon ang panahon pa ng iyong Lola Marcosa." Sabi naman ng foreman.
"Maraming salamat po sa malasakit ninyo, Mang Flavian." nakangiting sabi ko. Kamag- anak yata nina Baste si Mang Flavian.
Tumunog ang aking cellphone kaya nag-excuse ako sa kanila.
Kinuha ko ang aking cellphone sa aking bulsa at sinagot ito. I was a bit surprised ng makita ko ang caller. Si Dr. Bilabao. The last time I called him, he said na magiging busy siya. The fact that he was calling? I thought this call must be important.
"Kamusta, Ethan..?" agad na bati Niya ng sagutin ko ang tawag.
"I'm fine Dr Bilabao.." I said. " Akala ko ba maging busy ka na this time of the month Dr Bilabao."
Narinig Kong tumawa siya sa kabilang linya. " Alam mo ikaw, masyado Kang formal kung makatawag ka sa aking pangalan para namang hindi tayo mag ka edad." he said.
"Hmm, nasanay lang ako na maging formal noong pareho tayong nasa Lab." simpleng sagot ko.
"Right, pero nasa labas na tayo ng laboratoryo at sa pagkakataong ito, hindi naman natin suot ang ating kapa, ang ating uniform, hindi ba? kaya walang masama if we loosened a bit."
" I guess you're right,.." I simply said.
" Pwede bang malaman kung bakit ka tumawag?"
Si Dr. Jake Bilabao ay nakasama ko sa laboratory habang may ginawa akong Isang proposal para sa siyensa at para sa improvement ng medisina sa Pilipinas. Naging assistant ko sya sa aking mga gawa, he knows my proposals and my plans.
"Always the direct fellow." narinig ko ang mahina Niyang tawa sa kabilang linya.
"Well, nandito kami ngayon sa Vigan..baka gusto mo kaming imbitahan sa Antigong bahay ng pamilya mo. Alam mo noon pa gusto Kong malaman ang tungkol sa history ng Vigan, Ilocos Sur. Alam mo naman ako, mahilig akong mag-aral sa history--" he paused.
"Sana pala ay naging historian ka at hindi physician." I teased.
He laughed." Ganiyan nga, hindi laging seryoso, dapat magbiro ka rin kahit minsan lang Ethan."
"Uhmn, bakit naman kayo napadpad sa Vigan? You said that you will be busy, hindi ba sinabi mo na iyan last time you called? Don't tell me na ang antigong bahay lang ang sadya mo rito? Wait, sinong kasama mo?" I asked as I remember that he said we.
"Yes, dude... ikaw talaga ang sinadya namin rito. Kasama ko si Cheryl at si Mercy."
Kumunot ang aking noo. "Why?"
"Anong why?"
"I mean, reunion ba ito ng mga doktor?"
Dr. Bilabao heartily laughed." Not quite, pero yes pwede na rin. Gusto rin nilang dumalo sa kasal mo, kaya kahit hindi mo kami inimbitahan dito sa Vigan, nandito kami. Bago pa nawala si Yassine, ang unang balak ninyo ay sa Maynila kayo pakasal? Gusto ni Yassine ng bonggang kasal? And most importantly, imbitado halos lahat ng officers ng PMA.."
Ang plano ni Yassine ay Isang bonggang kasal. Tama si Dr Jake Bilabao. With regards to the invitation, tama rin si Jake na gusto naming imbitahan ang officers ng PMA. When it comes to the theme and motifs ay si Yassine lahat ang nagpasiya. It's all her damn idea, kaya hindi ko rin maiwasan ang magalit dahil sa kaniyang paglayo gayong siya ang nagmaniobra ng lahat.
Alam ko ang tinutukoy ni Jake, siguro nagtataka ito na wala akong follow up invitation ng sabihin Kong bumalik na si Yassine.
"Ethan, you still there?" tawag Niya sa kabilang linya.
"Yeah, Jake..I'm sorry kung hindi ko naipaalam sa Inyo na may pagbabago, napagpasyahan namin na gawing private ang kasal namin dito sa bahay--"
"I'm sorry to interrupt you pero sana hindi nagbago ang petsa ng kasal ninyo. June 24 pa rin ba?" he asked. "At sana kahit na kami na ang nag-imbita sa aming sarili ay welcome kami.." he chuckled.
"Sure.." my mind races back to the time na nag-uusap kami ni Jake, ng malaman Niya na bumalik na si Yassine ay sinabi ko na tuloy ang kasal ngunit hindi ako nagbigay ng detalye.
"Nasaan ba kayo?" I hastily asked.
"Nandito na kami ngayon sa Vigan airport."
"Hello, Dr Ethan.." narinig ko sa background ang tinig ni Dr Cheryl Go at Dr Mercy Tan.
"We're so excited to see you, pwede bang mag- request na kalesa ang sasakyan namin patungo sa inyong bahay?" Narinig Kong sabi ni Dr. Mercy- an OB gynecologist.
"Sure, ipasundo ko kayo riyan. Pwede ba kayong magbitbit ng sign board? Lagyan ninyo ng Dr Ethan Rosales... para mabilis kayong makita ng taong susundo sa inyo okay?"
"Hmnn, Akala ko ay ikaw ang pupunta sa Amin?" Dr Cheryl Go said.
" Pasensya na kayo ha, na injured kasi ang left foot ni Yassine kaya Kailangan ko siyang bantayan." I lied. I'm partly lying. Totoong may injury, pero hindi si Yassine kundi si Victoria. Ang babaeng hindi nila kilala.
Kailangan ko siyang babalaan. Pinunasan ko ang pawis sa aking noo. Hindi ko inaasahan na pupunta sila rito sa Vigan.
Hindi ko sila inimbita. Wala akong balak na mag imbita Isa man sa mga kasamahan ko. Wala nga akong balak na imbitahan sina Papa at Mama, lalo na ang mga magulang ni Yassine and this is to avoid interrogation.
Pero nandito na sila ten days before the wedding! Anong gagawin Nila dito? Mga doktor sila,, dapat busy sila... hindi naglalakatsa na parang mga estudyante pa.
"Ohh, I'm sorry to hear that..." narinig Kong sabi ni Dr Bilabao.
" Ethan, " naging seryoso ang boses ni Jake. "Pasensya ka na sa abala.."
"Walang anuman Jake, nandito na kayo.." I paused.
"Oh.. bakit nga ba? Noong tumawag ka at ipinaalam ang pagbalk ni Yassine Panganiban- hinintay ko ang imbitasyon mo, talaga." he chuckled. " But you cut the call, I thought nakalimuan mo lang kami dahil natutuwa ka sa pagbabalik ni Yassine." he drifted off.
"Yeah, dito na lang tayo mag-usap okay..tatawagan ko pa si Baste, a friend of mine, siya ang darating sa airport.."
After disconnecting the call, I called Baste at nagmamadaling pumasok na ako sa bahay upang kausapin si Victoria.