THANK YOU NEXT

1625 Words
ETHAN.. Present time.. I was mad when I looked at the woman in front of me. She reminds me of my fiancee, Yassine. I was stunned to see her, hindi naman ako ang tipo ng tao na naniniwala na mayroon kamukha ang bawat tao sa mundo. Iyong tinatawag nilang DOFFELGANGER. Maari. sigurong may nga kamukha nga ang bawat tao, but not super kamukha na akala mo ang nawawala mong kakambal. Kilala ko na si Yassine mula pa noong nasa kolehiyo pa kami kaya alam Kong wala siyang kakambal. Parang pinagbiyak na bunga itong babaeng ito at ang nawawala Kong fiancee. "Pwede na ba akong umuwi?" pinandilatan ko ng mata si Victoria. Ang kapal naman ng mukha niyang itanong sa akin na makauwi na siya. Really? Pagkatapos niyang mag-akyat bahay at limasin ang mga gintong alahas na nasa loob ng Golden Buddha kung hindi ko pa siya naabutan ay thank you next lang ang lahat? The audacity of this woman! She was sadly mistaken if she thought that she could get away with this. "And thank you next na ang lahat? Ang mga antigong alahas ng golden buddha na muntik mo ng malimas kung hindi lang kita naabutan? Hindi pwede iyan. You cannot get away with this, mananagot ka." mariin Kong sabi sa kaniya. Inisip siguro Niya na pinapatawad ko siya ng ganon-ganon na lang dahil sa sinabi Niya na maysakit ang kaniyang kapatid kaya Niya nagawa ang pagnanakaw. What a lame excuse. Pinulot ko ang mga alahas sa sahig at binalik lahat sa Golden Buddha. As I watched Victoria, nag message ako Kay Baste, ang anak ng caretaker ng antigong bahay namin. Nagtanong ako sa kaniya tungkol Kay Victoria Lovely Fuentes. Hindi kasi familiar sa akin ang apelyedo Niya. Malamang taga rito lang ito sa Vigan. She's gorgeous, of course... Yassine is gorgeous too. Skinny with a fair complexion. Maging ang buhok nila ay parehong mahaba at maitim. Nakalugay ang buhok ni Victoria ng abutan ko siya kanina bagama't may suot siyang cap. Si Yassine naman ay madalas nakaipit ang buhok dahil sa siya ay nurse- laging may tali ang buhok at malinis na iniipit. Walang pinag-iba ang height, ang katawan, ang buhok ang mukha, ang labi, ang ilong nila ay parehong matangos and their eyes, pareho silang may mahabang pilik mata and beautiful large eyes, except the color. Ito nga lang ang nag-iisa at slight na kaibahan nila. While Yassine has brown eyes, this Victoria here has black eye coloring. Hindi ito magiging problema, maari siyang gumamit ng contact lens. "I have a deal to make.." pasalamat siya dahil maayos pa akong nakipag usap sa kaniya sa kabila ng kaniyang pagnanakaw. Nakita ko ang paglunok niya ng laway at napansin ko na hindi nawawala ang lungkot ng kaniyang mga mata. Malamang iniisip Niya ang kaniyang kaptid. Sinabi Niya na ang kapatid ang dahilan ng kaniyang ginawang pagnanakaw. To hell with her reason. Nasaan ang kaniyang mga magulang, mga kapatid? Maraming paraan para para maging Isang mabuting nilalang hindi iyong magnanakaw ka para mapagaan ang iyong buhay, kahit ano pa ang dahilan Niya, hindi ko iyon matatanggap. There is no excuse for doing bad for the sake of doing good. Hindi iyon pwede. Ang kasalanan ay kasalanan pa rin. "I want you to pretend as my fiancée while she's still gone. Nakatakda na ang aming kasal two weeks from now. Huwag Kang mag-alala, gagawa ako ng contract para sa ating dalawa, wala Kang pwedeng pagsabihan na may kontrata tayo, wala kang sasabihan tungkol sa ating kasunduan. Bukas na bukas ay pipirma ka na ng kontrata tungkol sa ating kasal." she gasped. Umismid ako, pasalamat pa rin siya dahil maayos ko siyang kinausap at maayos akong nakipag deal sa kaniya, kahit na kung tutuusin nasa posisyon ako para gawin lahat ng gusto ko dahil sa laki ng kasalanan Niya. WAlang sinumang papasok sa bahay ng mga Rosales na makalabas pa ng buhay, lalo pa at nagnakaw ng mga antigong kayamanan ng pamilya. "Be thankful that you look like... her." Halatang nagtataka siya sa mga sinabi ko, but I have no time to explain the details about my lost fiancee. The woman In front of me is Just a stranger. A thief. "Kasal?" nakaawang ang kaniyang bibig na nakatingin sa akin. "You don't even know me.." she paused as if she made a mistake for telling me that I don't know about herself. "You are Victoria Lovely Fuentes 20 years old , third year college student, nag-aaral sa University of Northern Philippines Vigan campus. May kapatid na lalaki na siyang kasama mong nanirahan sa inyong bahay. Maliban sa iyong pagnanakaw ay Isa kang on call waitress ng Isang bar." I smirked when I saw her freaking reaction. It was priceless to see her shocking expression just like how I was stunned to see her stealing the gold jewelries of the Rosales. Kinagat Niya ang kaniyang pang-ilalim na labi as if to prevent her from crying. I felt uneasy so I glanced away. Pero ng mag vibrate muli ang aking cellphone, bumaling muli ang atensyon ko sa kaniya. " Ang kapatid mo ay nasa bahay na nina Ginang Matilda at Mang Manuel. Bukas na lang nila ihahatid rito ang kapatid mo. Nasa ground floor na si Baste naghahanda ng hapunan. I'm hungry and I'm tired I wanna take a rest, pero salamat sa iyo hindi ko nagawa." Kunot noo Kong sabi sa kaniya. Malakas ang ulan kanina ng dumating ako rito sa bahay. I am supposed to take a rest, pero hindi ko nagawa dahil nga sa nahuli ko ang Intruder na ito, ang Intruder na kamukha ng aking fiancée. Kanina, habang nag-isip ako ang parusa Kay Victoria ay naisip ko ang tungkol sa sinabi ni Dr Bilabao sa akin at sa posisyon ko sa PMA. Ang pagpapakulong ko Kay Victoria ay mas mabilis na parusa sa kaniya, but then, why should I do that when I can use her to further my move and position to the committee, to the association? Maaring nag meet kami sa maling pagkakataon pero pabor sa akin ang pangyayaring ito. I can use her... wala naman siyang choice, siya na rin mismo ang nagsabi na gagawin Niya ang lahat, huwag lang siyang makulong. Nang mapansin ko na nakatulala pa rin itong nakatingin sa akin ay nairita ako. Nakita ko ang pagka-disgusto ng kaniyang mukha, nabigla at obviously hindi siya pabor sa mga sinabi ko. "Makinig ka, wala Kang sasabihin kay Baste, hayaan mong ako ang magsalita. Bukas ko na lang lahat ipaliwanag sa iyo ang sitwasyon ko na magiging sitwasyon mo na rin. Huwag na huwag Kang nagsasalita at maki-pag-usap kaninuman ng hindi ko alam. Wala ka ring sasabihin kahit sa pamilya ni Baste, hayaan mong ako na ang magsalita, maliwanag ba.?" Tumango si Victoria na parang maanong tupa. "Good.." Pero ng makita ko ang kalungkutan na bumalot pa rin sa kaniyang mukha, nainis naman akong bigla sa kaniya. I don't know, kay Victoria ba ako nainis o Kay Yassine? Siguro sa kanilang dalawa. "Move your a*s and don't be dramatic as if ang pagpapakasal sa akin ay Isang malaking pagkakamali." I chuckled. "Just a heads up, Victoria. I despise you! galit ako sa mga katulad mong magnanakaw, galit ako sa Isang tamad na kagaya mo! Nagkaroon ka lang ng silbi dahil kamukha mo si Yassine--kaya huwag ka ng magdrama na malungkot ka na makasal sa akin, dahil kung may choice lang ako ngayon, mabubulok ka sa kulungan! So, tumayo ka na, dinner is served, my little thief's fiancee.." I smirked. Bago ako tumalikod ay nakita ko siya na nakatayo na at yumuko. Naririnig ko ang mga yabag ng kaniyang paa na nakasunod sa akin. Ang dalawang hagdan pataas at pababa ng second floor ay maliwanag na. Nakita ko ang chandelier sa gitna ng dalawang hagdan ng second floor. Maliwanag na rin ang buong ground floor. Binuksan na ni Baste ang mga ilaw sa baba. "Good evening, Ethan.." ngumiti sa akin si Baste at tumango siya Kay Victoria. Ayon sa kaniya, hindi Niya nakilala at hindi siya pamilyar sa babaeng kasama namin ngayon sa bahay. Kanina sa bahay nila ay tinatawag nila akong Doktor, pero dahil sa magkaibigan kami at lumaki kaming magkasama sa Vigan ay nais Kong Ethan na lang ang itawag Niya sa akin. Titig na titig siya Kay Victoria na umiiyak dahil sa mugto niyang mata. I don't care about it, siya ang naglagay sa kaniyang sarili sa sitwasyon Niya ngayon. SI Victoria naman ay nanatiling nakayuko at tikom ang bibig. Mabuti naman at sumusunod siya sa usapan namin. Hindi kagaya kanina na nagbabalak pang tumakas at binibiro pa ako sa pagsagot kanina. "Good evening, Baste." I answered. "Nakahanda na ang mesa.." " Thank you, samahan mo na rin kaming kumain.." Aya ko sa kaniya. "Iyon talaga ang plano ko kaya dinamihan ko ang dala Kong pagkain. " nakangiting sabi niya ng tumuloy na kami sa dining room. Naupo kaagad ako sa head of the table samantalang si Victoria ay nakatayo pa rin sa doorframe. "Umupo ka na dito.." sumenyas ako sa kaniya na umupo sa kanang bahagi ko ng akmang uupo pa sa malayong bahagi ng mesa. Sino ba sa akala Niya ang mag serve sa kaniya? Mula sa basket ay inihanda na ni Baste ang pagkain, panay ang sulyap Niya Kay Victoria, puno ng pagtataka ang kaniyang mukha. Alam Kong marami siyang gustong itanong sa akin. Nang maupo na si Baste ay nag-angat ng tingin si Victoria at nagtanong Kay Baste. "Kamusta si John ang kapatid ko? Kumain na ba siya? Ayos lang bang kalagayan Niya? Hindi ba siya nagtaka kung nasaan ako? Hindi ba siya nagtaka na wala pa ako? Anong sinabi mo sa kaniya para sumama siya sa iyo?" sunod sunod na tanong Ni Victoria
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD