The day before going to Vigan Ilocos Sur...
Mabilis akong umiling sa tanong ng aking ina." Hindi po kami nag-away. Hindi po ako nagkaroon ng issue sa kaniya at wala rin siyang reklamo sa Akin kaya nagulat ako ng mabasa ko itong sulat Niya." kinuha ko mula Kay Mama ang sulat ni Yassine.
Sinulyapan ko sina Uncle Romulo at Auntie Belen na nakaawang pa rin ang bibig. Hindi makapaniwala sa hatid kong balita at sulat na kanilang nabasa .
""H-hindi ako makapaniwala na sulat iyan ng anak ko, someone must have forged her handwritten! Hindi magagawa ni Yassine ang maglaho na lang basta.. Isang kalokohan iyan--"
Sasagot sana ako, pero inunahan na ako ng aking Ina.
"Ano? Pinagdudahan mo ba si Ethan na gawa-gawa lang Niya ang sulat na ito!' hinablot ng aking ina ang sulat na nasa aking kamay.
"Ma.." kinuha ko muli ang sulat at binigay Kay Ginang Belen. Sumenyas ako Kay Mama Layla na tumahimik na lang. Naintindihan ko naman ang damdamin niila Mr and Mrs Panganiban. Masakit para sa kanila na nawala ang anak, hindi sigurado Kong ligtas ba o hindi.
" Kung gusto po ninyo Auntie, ipasuri po ninyo ito sa forensic experts o kaya naman po ay sa handwriting analysts or document analysts o kaya naman ay sa Forensic Document Examiner." tahimik Kong inabot sa kaniya ang sulat, pero hindi Niya ito kinuha.
"Ethan, pasensya ka na sa mga sinasabi ng Auntie mo, hindi Niya sinasadya iyon..itago mo ang sulat na iyan.." bumuntong-hininga si Mr Romulo Panganiban.
"Para sa iyo iyan, sa iyo nakapangalan ang note..." sumandal si Uncle sa upuan. "Saan ba siya nagpunta?" hinilot nito ang kaniyang sintido.
"I'm sorry Uncle, ginawa ko po ang lahat ng paraan upang mahanap siya. Gaya nga ng sabi ko, lihim ko pong pinaimbistigahan si Yassine because she's my fiancee, ikakasal na kami at gusto Kong malaman kung bakit siya umalis, I have no idea at all, hindi kami nag-away. At kahit na busy kami pareho, we made sure na may oras kami sa Isat-isa. Kaya kung naguguluhan man kayo, mas lalo naman ako. I just wish na naging open siya anuman ang problema Niya. Nagbabago ba ang pagtingin Niya sa akin? Ayaw na ba niyang ituloy ang kasal namin? Makikinig naman ako, she doesn't have to disappear." mabigat sa aking loob ang mga sinabi ko, but in all honesty, I need to confess already.
Ang totoo matagal ko ng gustong lumuwas sa Amerika at personal na ipaalam sa Kanilang apat ang aming sitwasyon ni Yassine.
Umaasa ako na babalik siya pagkaraan ng isang araw at Isang gabi. Naghintay ako while also waiting for the investigation report, but nothing happened.
"Anak, bakit hindi mo ito ipinaalam sa amin? Bakit hindi mo kami tinawagan ng mabasa mo ang sulat na ito? You could have called us.." sabi ng aking ina.
"Oo, you could have called us sooner, kami ang immediate family ni Yassine, kami ang parents nya, bakit hindi ka tumawag?" umiiyak na tanong ni Auntie Belen.
Malalim akong huminga. Sinulyapan ko silang apat, my parents and Yassine's parents.
"I'm sorry, gaya nga ng sabi ko, gumawa agad ako ng imbistigasyon at pinahanap si Yassine. Kaya hindi ko kayo tinawagan kaagad ay dahil sa ayaw Kong mag-alala kayo, sa isip ko naman... baka uuwi lang siya sa aming condo." paliwanag ko sa kanilang apat. hindi naman lingid sa kanila na nagsasama na kami.
"AKala ko ay uuwi lang din siya. Nang tawagan ko ang kaniyang number, hindi na nakontak at walang nakaalam sa kinaroonan Niya kahit sinong mga kasamahan namin, kaibigan at nakilala. Nothing, she vanished without a trace. Isa pa, nirespeto ko rin ang hiningi niyang space, kaya hinintay ko na babalik lang din siya after a week or two. I kept on looking and waiting for her, hanggang sa umabot na nga ang one month. I'm sorry kung ngayon ko lang sinabi ito, inisip ko na baka lihim Niya kayog tinawagan Uncle Romulo, Auntie Belen.."
"Hindi iho, kung tinawagan kami ni Yassine, ipaalam din naman namin sa Iyo ang totoo.." nanlulumong sabi ni Uncle Romulo.
" Ethan, please be honest with us, talaga bang hindi kayo nag-away? I'm sorry, but we need to know what was going on with our daughter." malungkot na sabi ni Uncle Romulo.
"Oo nga anak..." Sabat naman ng aking ama. " Hindi naman sa nagdududa ako sa sinabi mo, but for clarification and to erase doubt, gusto ko lang malaman ang pinakamaliit na detalye dahil.." he paused then shook his head. " Ikakasal na kayo..hindi rin kayo nag-away pero bakit naman naisipan niyang lumayo. It doesn't make sense." paliwanag ng aking ama.
"Dahil pareho ninyong hindi naunawaan ang sulat!" galit na tinuro ni mama sina Papa Antonio at Uncle Romulo.
"Yassine wanted space at ayaw na rin niyang hanapin siya hindi ba? Siya ang lumayo, siya lang ang nakakaalam kung ano ang dahilan ng kaniyang paglaho. Ang nakalulungkot lang dito ay binigyan Niya tayo ng matinding problema at alalahanin. Anak, naniniwala ako sa iyo.."mariin na sabi ng aking ina.
"I'm sorry Romulo, I'm sorry Belen..pero hindi ninyo pwedeng sisisihin si Ethan sa pagkawala ng anak ninyo. Hindi niya kasalanan na lumayo si Yassine sa kaniya, gayong alam niyang ikakasal na silang dalawa.." dagdag pa ng aking ina.
Na appreciate ko ang sinabi ng aking ina. Mother really knows best, because I'm freaking telling the truth here.
Tumikhim ang aking ama. " So, Ethan, what's your plan now?"
"I- I don't know." I paused. Marami akong iniisip, una na rito ay nalulungkot ako dahil sa paglaho ni Yassine. Ikakasal na kami, bakit siya lumayo. Kung nagbabago man ang kaniyang damdamin para sa akin, pwede naman siyang magtapat. Pwede naman niyang sabihin na hindi Niya ako mahal. Hindi iyong nanghuhula ako kung anong nagawa ko para siya lilisan.
Hindi kami nag-away, wala rin akong problema. Wala akong bisyo na maaring sanhi ng pagkagalit Niya. Higit sa lahat, wala akong babae na kadalasan naging dahilan nang hiwalayan ng mag jowa.
I'm a freaking doctor by profession. A surgeon na nakatakda na sanang maging presidente ng PMA. Isang doktor na nangangarap para sa mataas na uri ng siyensa ng Pilipinas. Para naman makatulong sa kapwa namin Pilipino. Pinagarap namin iyon ni Yassine.
Ang nakalulungkot pang lalo ay dahil sa kaniyang paglisan ay nabawasan pa na matupad ang gusto ko para sa siyensa.
Maybe Dr Bilabao was right after all. Hindi na ako dapat bigyan pa ng upuan sa mesa. Nawala ako sa focus, hindi lang Niya ako iniwan na bigo ang puso kundi sinira pa Niya ang pangarap ko.
Isang katahimikan ang namagitan sa aming lima.Ang bawat isa ay nag-isip sa mabigat na sitwasyon na pinagtapat ko sa kanila. Hindi madaling tanggapin ang sitwasyon, ang pagkawala ni Yassine ay nagbibigay ng kalungkutan sa amin. Hindi ko na lang sinabi na dahil Kay Yassine ay nasira ang plano ko sa medisina.
"Buweno, dahil pareho tayong nalungkot sa masamang balita na ito... ang mabuti pa ay uuwi na muna kami pare, mare..I'm sorry about this." my father stood up.
Ako ang nag-aya Kina papa at mama ma dumalaw kina Uncle Romulo at Auntie Belen para ipaalam ang pagkawala ni Yassine. Kahit papaano ay gumaan ang aking pangamba. Mabuti na rin na malaman nila ang tungkol sa kanilang anak. I don't have to burden myself with the problem that I didn't create.
Tumayo na rin sina Uncle at Auntie ng magsitayuan na kaming tatlo.
Hawak ang kamay ng kaniyang asawa, nagbilin siya sa akin. " Ethan, I'm sorry about this, but I hope you will find Yassine at matuloy din ang kasal ninyong dalawa. " tinapik Niya ang aking balikat.
Tumango ako. Inabot ko rin ang kaniyang kamay. " I will try my best, Uncle, though, hindi ko po maipangako anuman ang kahinanatnan ng pagkawala ni Yassine. Gaya nga ng sabi ko sa Inyo, pinahanap ko kaagad siya.."
My father felt sorry for them.
"I'm sorry about Yassine, Romulo.. tutulong kami sa pag imbistiga sa bagay na ito. Alam ko ang naramdaman ninyong pangamba. Magulang din ako." Sabi ni Papa na hinawakan ang balikat ni Uncle Romulo at ni Auntie Belen.
"Belen, pasensya ka na sa sinabi ko ha, Pero ang totoo ay nalulungkot ako para kina Yassine at Ethan. Nasaksihan natin ang kanilang pagmamahalan. Pero higit akong nalungkot para Kay Yassine, saan man siya ngayon naroon sana ay okay lang siya at sana ay makabalik na siya." umiyak din ang aking ina.
Sa sasakyan ay tahimik kaming pumasok at sinimulan ko ng paandarin ang sasakyan ni Papa.
"So, anak... ano ang plano mo ngayon?" tanong ng aking ina.
"Uuwi po ako agad ng Pilipinas mama. Ito lang naman ang sadya ko rito. Ang masabi ang totoo kina Mr and Mrs Panganiban. Ngayon na nasabi ko na ang lahat, kahit papaano ay lumuwag ang dibdib ko." Sabi ko na sa daan nakatingin.
"I'm sorry, son, I know that you love your fiancee. I know that you are sad right now, but please, huwag mo kaming kalimutan na tawagan ng iyong mama, were here to listen to you.." mula sa frontal mirror ay tinitigan ko ang aking ama at tumango sa kaniya.
"Maraming salamat Papa, Pero right now, desidido pa rin akong bumalik sa Pilipinas. dahil baka bumalik na si Yassine sa condo. I need to be there." Sabi ko.
"Yes, iho..susuportahan ka namin."
"I want to stay in Vigan for awhile. Sino nga ba ang caretaker ng lumang bahay Mama?"
"Sina Ginang Matilda at Mang Manuel. Yes, iho, malinis ang bahay doon sa Vigan dahil araw araw iyon nililinis nina Mang Manuel at Ginang Matilda, huwag Kang mag-alala. You can also request a cook there, like for example Baste"
"But why anak, why in Vigan? Seryosong tanong ni Mama ."
"Because I need to focus.." I paused.