ESRD

1671 Words
VICTORIA... Naka ilang posisyon na ako pero hindi ako makatulog. Iniisip ko ang nangyayari sa buhay ko. Iniisip ko ang pinagdaanan ng kapatid ko, ang kaniyang ESRD ( END STAGE-RENAL DISEASES.) Natigil sa pag-aaral si John dahil sa kaniyang sakit sa kidney. Hindi ordinaryong sakit ang dumapo sa kapatid ko. Nangangailangan ng kidney transplant ang aking kapatid, bilang on call waitress, hindi ko kaya na suportahan siya. Tanging pagkain at mga tableta lang ang nabibili ko. Nahihirapan na ako sa pagbili ng injection, lalo pa ang dialysis treatment. Bumalik sa akin ang usapan namin ng Doktor: "Doc, ano po ba ang ibig sabihin ng ESRD?" naluluha na tanong ko sa doktor noong unang dinala ko si John sa hospital dahil sa kaniyang panghihina na hindi maipaliwanag. Matamlay at minsan nawawalan pa ng malay. "Ang End-Stage Renal Disease (ESRD) ay ang huling yugto ng sakit sa bato, kung saan ang mga bato ay hindi na nakakapagtrabaho nang maayos at hindi na nakakapag-alis ng mga toxin at waste products mula sa katawan." nanginig ang aking mga labi ng banggitin ng doktor ang sakit ni John. Hanggang sa tuluyan ng namalisbis ang aking luha. Kasi kapag sinasabing kidney parang mamamatay talaga ang pasyente. Sa maraming nakilala ko sa loob ng labing dalawang taon ko sa mundo, kapag sinasabing kidney- delikado ito. "Pero, dok...bata pa ang kapatid ko, paanong nagkaroon siya ng ESRD, hindi naman siya mahilig sa noodles, gulay po ang pinapakain ko sa Kaniya, hindi rin po siya nag so softdrinks minsan lang.." Kinagat ko ang aking labi para maiwasan ko ang paghikbi, kahit tumutulo ang aking luha, ayaw Kong maging maingay sa harapan ng doktor. "Hindi lang naman dahil sa pagkain nakuha ang sakit na Renal disease, Mis, may iba't ibang sanhi katulad na lang ng sakit sa diabetes." "Ang diabetes ay isa sa mga pangunahing sanhi ng ESRD. Ang mataas na antas ng asukal sa dugo ay maaaring magdulot ng pinsala sa mga bato." "Pero, hindi naman po diabetic ang kapatid ko, doktor.." nakita ko ang resulta ng kaniyang laboratory tests. Normal ang sugar ng aking kapatid." Sabi ko na hawak ang aking bibig. "Yes, I know.." mahinahon na paliwanag ng doktor. "Gaya nga ng sabi ko, may ibat- ibang sanhi, tulad ng sakit sa bato tulad ng glomerulonephritis, nephrotic syndrome, at polycystic kidney disease ay maaaring magdulot ng ESRD. Hindi namin nakitaan ng ganitong sakit sa bato ang kapatid mo, Miss Victoria." "Wala din siyang sakit sa atherosclerosis .Isang sakit sa mga daluyan ng dugo na maaaring magdulot ng ESRD. Pero, ikinalulungkot Kong sabihin na mayroon siyang sakit sa puso." "Po.." nakahawak ako sa aking dibdib. "Akala ko dok, sa matatanda lang ang ESRD at sakit sa puso..?" nakaawang kong tanong. "Ikinalulungkot ko, pero kahit mga bata ay magkaroon nito kapag may sakit sa bato ang Isang bata, diabetes, genetic disorders, infections at sakit sa puso. Gaya nga ng sabi ko may sakit sa puso ang iyong kapatid, kaya ang End-Stage Renal Disease (ESRD) ay maaaring magkaroon sa mga bata." Para akong pinagtakpan ng langit at lupa, Doble pala ang paghihirap na naramdaman ng aking kapatid na si John. " Ang mga bata na may sakit sa puso, tulad ng congenital heart disease, ay maaaring magkaroon ng ESRD at ang iyong kapatid ay mayroon nito." Sinulyapan ng doktor ang natutulog Kong kapatid sa hospital bed. "No, hindi po pwede..no. Ano po ba ang dapat Kong gawin doktor, please po, tulungan po ninyo ang kapatid ko.." wala na akong pakialam kahit pinagtitinginan ako ng ibang pasyente sa ward kung saan magpaliwanag ang doktor sa akin. "Ang mga bata na may ESRD ay karaniwang nangangailangan ng mga sumusunod na paggamot, Dialysis, Kidney transplant, mga gamot upang kontrolin ang mga sintomas at mga pagbabago sa diyeta upang kontrolin ang mga antas ng waste products sa dugo." "Ga-galing po ba, m-ay lunas po ba..para sa ka-patid ko dok.." nauutal Kong tanong na halos hindi na ako makahinga sa kirot ng aking puso. Ang kapatid ko, ang kawawa Kong kapatid. Napako na ako ng tuluyan sa aking pagkatayo ng marinig ang sabi ng doktor. "Ang ESRD ay isang sakit na hindi na maaaring gamutin, ngunit ang mga sintomas nito ay maaaring kontrolin sa pamamagitan ng mga gamot, dialysis, at kidney transplant. I'm sorry.." tinapik ng doktor ang aking balikat at lumabas na ng ward. Napabalikwas ako ng bangon dahil nahihirapan akong huminga bunsod ng aking pag-iyak. Pinahid ko ang aking luha, lumapit ako sa may bintana at ito ay aking binuksan. Ang silid na tinutulugan ko kung saan ako dinala ni Mr. Rosales ay katabi lang din ng kaniyang silid. Agad na sumasalubong sa kin ang malamig na samyo ng hangin bunsod ng nagdaang ulan. Ang malas ko, kung kailan umuulan ay saka pa ako nahuli sa aking gawain. Ang akala ko pa naman ay malaya Kong magawa ang aking pagkuha sa mga alahas dahil sa walang magiging istorbo. Who would've thought na darating si Mr Rosales, na hanggang ngayon ay hindi pa rin nagbigay ng pangalan sa akin. Kung hindi siya dumating, kung hindi Niya ako nahuli, ito na sana ang chance ko na makakuha ng kidney donor, sa maraming alahas na iyon na halatang mamahalin ...tiyak na makakuha ako ng donor para sa aking kapatid. At kung may chance pa na maoperahan din ang sakit sa puso ni John. Umiling ako, siguro ang pagkahuli sa akin ay bayad sa mga nagdaan kong pagnanakaw sa bahay na ito. Hindi ako nahuli noon at walang nagdududa sa akin kaya malaya kong nagawa ng paulit-ulit ang pagnanakaw. Siyempre, lahat gagawin ko para lamang sa kapatid ko. Ang bayad ng pagkahuli sa akin ngayong gabi ay ang makasal ako Kay Mr Rosales at maging bilanggo habang buhay, kung hindi makikita ang kaniyang kasintahan. Kung nasaan man siya ngayon, hindi ko alam kung ano ang papel Niya sa buhay ko. Ano kaya ang kaugnayan ko sa kaniya sa totoong buhay? Coincidence lang ba ang pagiging magkamukha namin? Na ayon pa Kay Mr Rosales ay kamukhang-kamukha ko. Bumuntong-hininga ako ng malalim habang nakasulyap sa mga bituin sa langit. Nakita ko ang dalawang bituin na magkalapit. My mind races back to my brother. "Ate, nakikita mo ba ang dalawang bituin na Iyan?" inosente niyang tanong sa akin, Isang gabi na maliwanag ang buwan at nakahiga kami sa balkonahe ng aming bahay. "Oo naman..iyong malaki at maliit na bituin?" tinuro ko pa ang dalawang bituin sa langit na tila nagtatampo sa ibang mga bituin dahil ang dalawang bituin na iyon ay malayo sa iba pang mga bituin. "Oo, iyan.. tayong dalawa iyan ate. Ikaw iyang malaki at nagniningning , kasi hindi nahahadlangan ang Iyong liwanag ate, malusog ka kasi. Ako, iyong maliit na bituin, hindi masyadong maliwanag kasi hindi ko maipakita ang aking ningning dahil sa ako ay may sakit ate. Hindi ko maipakita ang aking tunay na kakayahan dahil sa aking karamdaman. Pasensya ka na ate ha, alam kong nahihirapan ka na sa pagtatrabaho para sa ating dalawa, lalo na sa akin--" "Hey, where is this coming from?" napasulyap ako Kay John. Na sa edad na dose ay nahahadlangan ang kaniyang pagtubo at pag-aaral dahil sa iniindang karamdaman. "Shh.." hinawakan ko ang kamay ng aking kapatid. Naka entwine ang mga daliri ko sa kaniyang mga daliri. "Makinig ka John.." ngumiti ako na nakatitig sa kaniya dahil ayaw Niya ang umiiyak ako sa harapan Niya, masasaktan daw siya at naaawa sa akin. Nakangiti ako sa kaniya, pero ang totoo, durog na durog na ang aking puso. Gusto ko ng bumigay. Hindi sa pagtatrabaho para sa aming dalawa kundi dahil na nadudurog ang aking puso para Kay John. Iniisip ko kung bakit siya pa ang dinapuan ng ESRD, pero dahil nga sa sakit sa puso- congenital heart disease kaya siya rin ang nagkaroon ng ESRD. "Listen here John, mahal na mahal kita, mahal na mahal.." medyo pumiyok na ang aking tinig. Sino ba naman ang hindi masasaktan sa sinabi ni John. Iniisip Niya na pabigat siya sa akin. "Lahat ay gagawin ko para sa iyo, kaya relax ka lang at magpagaling..si ate na ang bahala sa iyo, okay. Huwag mong isipin na pabigat ka Kay ate, okay John? " hinipo ko ang kaniyang pisngi gamit ang aking bakanteng kamay. Nagdurugo ang aking puso, parang tinadtad ng pinong-pino dahil sa awa ko Kay John, kaya lang... ayaw ko siyang panghinaan ng loob, umaasa ako na magkaroon pa ng mahabang buhay si John kapag may malaking pera ako para sa patuloy na dialysis, kidney transplant at operasyon na kailangan pa Niya. Bumalikwas ako nag bangon at naupo sa sahig ng balkonahe. "Ang mabuti pa ay kumain na tayo. malamig na ang pagkain natin." nakangiti Kong aya sa kaniya. Bumangon na rin siya. Tinulungan ko siya sa pagbangon, ramdam Ko rin ang paghihirap Niya dahil sa kaniyang Karamdaman subalit itinatago din Niya. "Okay ka lang ba?" tanong ko sa kaniya habang nilabas ko mula sa food container ang nabili Kong pagkain para Kay John. "Ate, alam Kong mahal ang mga gamot ko, nag-aaral ka pa, magastos. Pabalik balik pa tayo ng check up sa ospital. Saan ka pa po kumukuha ng panggastos para sa ating dalawa?" Natameme ako sa tanong ni John. Paano ko ba sasabihin sa kaniya na ang perang ginagamit ko para maitawid ang kaniyang pagpagamot ay dahil sa pagnanakaw ko? There is no way, I'm gonna admit this, mamatay akong baon ang kasalanan Kong ito. "Hmmn, nanghiram ako ng pera, pero gaya nga ng sabi ko, huwag mo ng alalahanin iyan..kaya ko ang maghanap ng paraan John..." Niyakap ako ng kapatid ko." I'm sorry ate ha and thank you. Salamat sa iyo ng marami ate, mahal na mahal din kita, pasensya ka na may sakit ako.." Tumango ako at hindi ko na napigilan ang pamalisbis ng aking luha. " Mahal na mahal ka ng ate John, tandaan mo iyan, gagawin ko ang lahat para sa iyo, kaya huwag ka ng mag-alala okay.." ginulo ko ang kaniyang buhok. Kasalanan ang magnakaw, ngunit ito ang kasalanan na hindi ko pagsisihan, mabuhay lamang si John.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD