Chase

2001 Words

Naudlot ang pagsubo sana ni Talitha ng isang piraso ng lasagna nang isang tinig ang narinig niya mula sa kanyang harapan. “Can I jon you, signorina?” Kilala niya ang boses kung kaya awtomatikong iniangat niya ang ulo upang makita si Enzo. Nakatungo kasi siya habang kumakain kung kaya hindi niya nakita ang paglapit nito. May hawak itong isang tray na may nakapatong na isang plato ng spaghetti at isang bottled water. “S-sure,” kandautal na sagot niya. “Pero baka maiwan kita agad dito, may sunod na klase pa kasi ako.” Pakiramdam ni Talitha ay bigla siyang ninerbiyos. Matindi ang pagkabog ng dibdib niya kung kaya kinailangan niyang uminom agad ng tubig. Bakit ba ganito ang nararamdaman niya sa tuwing lalapit sa kanya ang lalaking ito? “Grazie,” masayang tugon ni Enzo. Ipinato

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD