bc

Rekindled Heat

book_age18+
25
FOLLOW
1K
READ
billionaire
revenge
contract marriage
one-night stand
heir/heiress
friends with benefits
assistant
prostitute
passionate
like
intro-logo
Blurb

Isang trahedya ang bumago sa buhay ni Candice Gomez.

Dahil sa pagkawala ng magulang ni Candice ay kinailangan niyang magsimula ng bagong buhay, malayo sa dati niyang buhay sa Maynila. Hindi inaasahan na muling magkukrus ang landas nila ng dati niyang kaibigan na si Dylan, ang best friend niya na may nararamdaman para sa kaniya.

Ngunit paano kung hindi si Dylan ang magturo kay Candice na maging masaya ulit? Kung paano ma-in love sa unang pagkakataon? There's Trevor, Dylan's rival at the school and at her heart.

Will their young love story become the sweetest and best memories?

What if, everything's turned into just memories?

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
PROLOGUE Photo Candice's POV "Na-missed ko 'yang ngiti mo." Nakatitingin lang ako sa kaniya. Masyadong maliwanag ang araw at ang sinag niyon ang tumatakip sa mukha niya. Gusto kong makita ang mukha niya, ang ngiti niyang dinig ko sa boses niya. Sinubukan kong abutin ang mukha niya pero hindi ko siya maabot. Napakalapit niya lang sa akin pero bakit hindi ko siya mahawakan? Para bang ang hirap niyang abutin kahit nasa tabi ko lang siya. 'Humarap ka sa akin, please...' gusto kong sabihin sa kaniya, pero walang boses na lumabas sa bibig ko. Pati ang boses ko ay hindi ko mahanap at makilala. "'Wag kang mag-alala, hindi ko na hahayaan na mawala ulit 'yang mga ngiti mo..." Napasinghap ako nang magising ako sa gitna ng dilim. Humihikbi akong bumangon habang nakahawak sa may dibdib ko. Ramdam ko ang maiinit kong luha na dumadaloy sa pisngi ko, ang bigat sa dibdib ko at ang kirot sa puso ko. Iba't ibang emosyon ang namamayani sa loob ko, at hindi ko alam kung alin doon ang dahilan ng pag-iyak ko. It's another nightmare, a dream, or maybe a memory. Isa lang ito sa gabi-gabing dinadanas ko magmula nang magising ako nang araw na iyon. Gabi-gabi ay nagigising ako dahil sa isang panaginip na hindi ko maalala pagkamulat ng mga mata ko. May mga scenario akong nakikita na para bang totoong nangyari o nangyayari, pero sa tuwing imumulat ko ang mga mata ko ay para na itong bula na tinangay ng hangin, nawawala na ito at hindi ko makita kung saan o paano. Ang tanging natitira sa akin sa paggising ko ay kung anong emosyon ko sa mga alaalang iyon. At lahat iyon ay nagdudulot sa akin ng pait, sakit, at hindi ko alam kung bakit. Kaya sa tuwing nagigising ako ay namamalayan ko na lang laging ang sarili kong umiiyak, and it's freaking painful, sad. Lahat ng emosyon na iyon ay naiipon sa dibdib ko, at ang tangi kong gusto ay ilabas iyon at alisin, but I don't know how. Mariin kong pinunasan ang mga luha ko at bumaba na mula sa kama ko. Sinilip ko ang bintana. Kitang-kita ko ang city lights, ang ganda niyon, kasabay ng maliwanag na kalangitan. No matter how good the weather is, my heart felt gloomy whenever I'm waking up at this hour, and slowly I'm kinda used to it. Sana kapag sanay na tayong nasasaktan ay nawawala na lang din ang sakit. Na para bang dumaan lang ito sa harapan natin at kayang iwasan. I took my robe from its stand at the corner of my room and wear it to cover the nighty that I'm wearing. I tiptoe and left my room. Malaki at malawak ang buong kabahayan, kaya naman alam kong isang pagkakamali ko lang at makagawa ng ingay ay maririnig kaagad iyon ng mga malapit na kuwarto sa akin, kaya maingat kong nilakad ang maigsing hallway para pasukin ang kuwarto na nakagawian ko nang pasukin sa tuwing magigising ako mula sa panaginip ko. Pagbukas ko ng pinto ay nadinig ko kaagad ang maliliit na tunog galing sa machine sa gilid ng kama. Sa kama ay naroon ang maputla ngunit maganda ko pa rin na pinsang si Ate Sam. Mabagal ang lakad na nilapitan ko ang kama niya. She has been in a coma for a year now. Ang sabi nila ay malapit kami sa isa't isa, kung may taong tunay na nakakakilala sa akin, siya iyon. Pero ngayon pangalan lang ang alam ko sa kaniya, ni boses o ngiti niya ay hindi ko matandaan. "Candice?" Napalingon ako sa may pinto nang marinig ko ang boses ni Auntie Sasha mula roon. "Nakita kong bukas ang pinto, akala ko kung sino nang pumasok. Bakit gising ka na? Masyado pang maaga, ah?" Tumingala siya sa pader kung nasaan ang wall clock. Otomatikong sinundan ko ng tingin ang tingin niya, doon ko lang napansin na pasado alas tres na ng hating gabi. Hindi na ako nagulat dahil ito naman talaga ang usual na gising ko gabi-gabi. Ibinalik niya ang tingin sa akin. Tuluyan na siyang pumasok para lapitan ako. She looked at me with an idea. "Nanaginip ka na naman, ano?" Tumungo lang ako ngunit mukha naman alam niya na ang sagot kahit hindi ako magsalita. "Hindi ba't sinabi ko na sa 'yo, na kapag magigising ka ay pilitin mo ulit matulog sa halip na pasukin mo ang Ate Sam mo? Sige ka, kapag nagising ang ate mo ay baka ikaw naman ang puyat." Idinaan niya iyon sa biro kaya naman bilang pagsakay ay ngumiti ako, pero kaagad din iyon nawala at muli akong bumaling kay Ate Sam. "Sigurado po ba kayong hindi ko kasalanan kung bakit naka coma si Ate Sam, na wala itong kinalaman sa pagkawalan ko ng alaala?" Narinig ko ang lungkot sa sarili kong boses. Sumingahap siya at hinawakan ang kamay ko, kaya muli kong ibinalik sa kaniya ang tingin ko at doon ko nakita ang pagpungay ng mga mata niya habang hinahawi ang buhok ko. "Alam naman natin pareho kung bakit ka walang maalala, at walang kinalaman doon ang nangyari sa ate mo." Banayad ang boses niya at maingat akong pinagmamasdan. "Minsan po kasi pakiramdam ko kasalanan ko. Baka po kasi naging masamang tao po ako, kaya minamalas ako nang ganito. Kasi wala na nga po akong magulang, wala pa akong maalala, at ang kaisa-isang taong nakakakilala sa akin ay wala pang malay. Pakiramdam po pinaparusahan ako." Pilit ko mang pigilan ang sarili ko, ang hirap na hindi kuhestyonin ang mga nangyayari sa akin, sa buhay ko. Malungkot na pinagmasdan ako ni Auntie. Hinila niya ako paupo sa malapit na sofa sa kama ni Ate Sam. Paulit-ulit ang pagpupunas ko sa mga mata ko bago pa tuluyang pumatak ang mga luha ko. Ayoko na sanang ipakita ang pagiging miserable ko kay Auntie, pero ang hirap itago. "Hija, wala kang ginawang kasalanan. May dahilan kung bakit nangyayari ang lahat nang 'to, at hindi iyon para parusahan ka. Baka nga kaya ka nawalan ng alaala ay para mabawasan ang sakit na nararamdaman mo, pinoprotektahan ka pa nga siguro ng Diyos kaya niya ito ginawa, kaya alam kong hindi parusa ang mga nangyayari sa 'yo ngayon." Napahikbi ako. "Hindi naman po nabawasan ang sakit, Auntie. Wala lang po akong maalala pero 'yong sakit nandoon pa rin. At ang hirap-hirap po kasi hindi ko alam kung paano ko po iyon huhugutin paalis kasi hindi ko alam kung bakit ako nasasaktan." Tinakpan ko ng dalawang palad ko ang mukha ko. "Auntie, gusto ko pong makaalala." Hinawakan ni Auntie ang dalawang kamay ko, dahil doon ay hindi ko na naitago ang pag-iyak ko. Sa totoo lang ay hindi ko rin alam kung bakit ako nasasaktan. Pakiramdam ko ay hindi iyon dahil wala akong maalala, pero dahil sa mga nangyari noon na hindi ko alam kung ano, at kahit wala akong maalala ay hindi pa rin naghihilom ang sugat ko mula sa nakaraan. Alam kong masasaktan lang ako, pero gusto ko pa rin maalala. Kasi ang hirap na masaktan sa rason na hindi ko maalala. Huminga siya ng malalim saka tumayo. Sinundan ko lang siya ng tingin nang buksan niya ang drawer sa gilid ng kama ni Ate Sam. May kinuha siya roon na isang kahon. Dinala niya iyon sa akin at muling umupo sa tabi ko. "Hindi ko alam kung makatutulong sa 'yo ito, pero itinago ito ni Ate Sam mo bago pa siya maaksidente. Ang sabi niya ay iyo raw ito, baka raw hanapin mo paggising mo." Iniabot niya iyon sa akin. Dahan-dahan ko iyon kinuha sa kaniya at pinagmasdan ang pink na takip niyon. Mukha lang iyon simpleng kahon na nilagyan ng mga stickers at glittering designs. It's made of DIY thing. Dahan-dahan ko iyon binuksan at bumungad sa akin ang mga pilas ng mga papel, may mga naka-envelope rin na mukhang mga letters ang laman. "Ang sabi ni Ate Sam mo journal mo raw 'yan, kaso pinunit mo raw. Itinabi niya pa rin kahit na sinubukan mo nang itapon." Sinilip ko ang ilang pilas niyon. Walang mga petsa na nakalagay, pero base sa klase ng mga pages na magkakasunod ay alam kong hindi na magkakasunod ang mga iyon. Natigilan ako nang may napansin akong letrato na nakaipit sa mga pages. Kinuha ko iyon at wala sa sariling natikom ko ang bibig ko ng palad ko. Ako ang nasa letrato at may kasama akong dalawang lalaki. Ang isa ay nakaakbay sa akin, habang ang isa ay ang may hawak ng camera. Sa unang pagkakataon, isang scenario ang bumalik sa alaala ko, isang scenario na sigurado akong nakita ko na sa panaginip ko. Pero hindi ko maalala ang mukha ng lalaking kasama ko sa panaginip ko, ngunit alam kong isa siya sa nasa letrato. Ramdam ko iyon, ramdam ko sa puso ko...

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
177.1K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.9K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.7K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.5K
bc

His Obsession

read
104.6K
bc

The naive Secretary

read
69.9K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook