2:

2580 Words
2: Bullies Candice's POV "This is your first day of school, handa ka na ba?" Tiningnan ko lang si Ate Sam at muling walang ganang pinakialaman ang pagkain ko. Siya ang naghanda ng breakfast. Usually ay naka cereal lang ako sa umaga, pero sa isang linggo kong pananatili rito sa bahay niya ay napapansin kong mahilig siyang magluto. Hindi ko alam kung ngayon lang ito dahil bago pa lang ako rito kaya bisita pa ang trato niya sa akin, o ganito talaga siya? Isang linggo na ako rito sa Bulacan, pero wala pa akong nakakausap na kahit na sinong tagarito. Hindi ako lumalabas ng bahay. Wala akong gana. Tumikhim siya at umupo sa tabi ko. "Alam mo, hindi ka magkakaroon ng maraming kaibigan sa school kung hindi ka laging iimik." "Hindi naman po ako naghahanap ng kaibigan." "Uy, hindi! Hindi puwedeng matapos ang high school life mo nang walang kaibigan, ano ka ba." "Ate Sam-" "Good morning!" Kunot-noong napatingin ako sa may pinto na tanaw mula rito sa kitchen. Ngumiti si Dylan nang makita niyang nakatingin ako sa kaniya. He's wearing a uniform, a white long sleeve polo and a pin at his side pocket, and a midnight blue pants. Binalingan ko si Ate Sam na ngayon ay inaanyayahan na si Dylan na pumasok. Hindi makapaniwalang napailing ako. "Bakit na naman po siya nandito?" "Because I'm taking you to school." Si Dylan na ang sumagot sa tanong ko. Nakasandal siya sa gilid ng daan papasok ng kusina habang nakahawak sa bagback niya. Tumayo ako. "No, kaya kong mag-isa." Hindi napipigilan na nagdabog ako palagpas sa kaniya at pumasok sa kuwarto ko. May kaliitan lang ang kuwarto ko. Isang kama, maliit na closet at study table lang ang gamit ko. May malaking bintana sa tapat ng kama na siyang nagbibigay liwanag dito kaya hindi ganoon kadilim kahit na maliit. Umupo ako sa kama ko. Nakita ko sa gilid ng mga mata ko si Ate Sam na sumunod pala sa akin. Pumasok siya at sinara ang pinto. Hinilamos ko lang ng palad ko ang mukha ko, trying to control my emotions. "Mabait si Dylan, hindi pa rin siya nagbabago." "Hindi? E, napaka insensitive nga po niya." Tiningnan ko na siya. Nakatingala ako sa kaniya ngayong nakatayo siya sa harapan ko. "Hindi niya alam kung bakit ako pumunta sa Maynila, hindi niya rin alam ang nangyari sa inyo, kina Tito. Pero ngayon alam niya na." Napatungo lang ako sa sinabi niya. She don't need to say further explanation for me to understand his act that day. "Isasabay ka lang niya sa pagpasok, kapag alam mo na kung paano papunta sa school nang mag-isa ay hindi na kita pipilitin na sumabay sa kaniya. May trabaho ako kaya hindi kita maihahatid. Hindi naman kayo magkasama sa klase dahil STEM ang kinukuha niya, ABM ka." Huminga ako ng malalim. "Sorry po sa inasal ko kanina, hindi ko po sinasadyang pagdabugan kayo." She bent down to reach me. "Ayos lang, wala kang dapat ihingi sa akin ng sorry. Ewan ko lang kay Dylan." Sumimangot lang ako. Natawa siya nang mukhang mabasa niya sa ekspresyon kong ayokong mag-sorry sa kaniya. Iwinagayway niya ang dalawang palad niya nang dumiretso siya ng tao. "Naku! Hindi na ako makikialam sa pagreresolba ninyo ng problema ninyo. Basta ikaw, maghanda ka na dahil male-late na kayo. Maliligo pa ako para makapasok sa trabaho." Tumango na lang ako. Naglakad na siya palabas ng kuwarto. Nang tuluyan siyang makalabas ng kuwarto ay tumayo na ako at humarap sa salamin na nakasabit sa pinto ng closet ko. Huminga ako ng malalim habang nakatingin doon. Wala na ang ilang mga pasa na nakuha ko mula sa aksidente, ang tanging naroon na lang ay ang sugat ko sa may sentido na tinatakpan ng sider bangs ko, at ang nasa tagiliran kong sugat. Hanggang ngayon ay hindi pa bumabalik ang may pagkamorena kong balat, maputla pa rin ako at masasabing nangayayat din. Sa loob ng ilang linggong nakalipas ay para bang kahapon lang ang lahat ng nangyari. Sariwa pa rin sa alaala ko ang lahat. Dama ko pa rin sa kamay ko ang malamig na kamay ni Mama nang hawakan ko siyang duguan at walang malay. Pumikit ako nang mariin upang paurungin ang mga luhang namumuo na sa mga mata ko. Kahit ilan beses kong sabihin sa sarili ko na kakayanin ko ang lahat nang 'to, kahit ilan beses sa akin sabihin ng mga tao sa paligid ko na dapat ay magpasalamat ako na buhay ako, na hindi ako nagaya sa magulang kong binawian ng buhay. Hindi pa rin nababawasan ang sakit. Ang kalungkutan na bumabalot sa puso ko. Sobrang sakit. Huminga akong malalim upang kontrolin ang emosyon ko. Umalis ako sa Maynila at iniwan ang mga kaibigan at buhay ko roon dahil ayokong kaawaan nila ako. Hindi ko puwedeng ipakita sa mga tao rito na dapat din nila akong kaawaan. Paulit-ulit akong huminga ng malalim hanggang sa kumalma nang tuluyan ang bawat paghinga ko, at maibsan ang paninikip ng dibdib ko. Nang kumalma na ako ay muli kong tiningnan ang sarili ko sa salamin. Tinuyo ko ang mga mata ko at tumango sa sarili. "Kaya mo ito, Candice," determinado kong bulong. Kinuha ko na ang bag ko. Mga notebooks pa lang ang meron ako, wala pa akong copy ng mga libro. Maigi na rin at least hindi mabigat ang bag ko. Hangga't maari ay binabawal pa rin akong magbuhat ng mabibigat ng doctor at ni Ate Sam dahil sa sugat ko. Pagkalabas ko ng kuwarto ay nadatnan ko kaagad si Dylan sa sala. Nakaupo siya sa sofa. Napatingin siya sa gawi ako saka biglang tumayo. "Good morning ulit, Candice. Tara, pasok na tayo, 'wag na natin hintayin si Ate Sam matapos maligo, mabagal iyan." Ngumiwi pa siya na para bang sanay na sanay na at kabisado na niya si Ate Sam. Iniwasan ko lang siya ng tingin at dumiretso pa rin sa may banyo para katukin si Ate Sam at makapagpaalam. Ang totoo ay hindi ko lang alam kung paano haharapin si Dylan. Huling beses kaming magkita ay nasungitan at nasinghalan ko siya. Ngayon naman ay nagdabog ako sa kaniya. Pero masisisi niya ba ako? Kalilibing lang ng magulang ko at aayain niya akong makisali sa welcome party nila? Hindi ko naman alam na hindi niya pala alam... "Ingat kayo ha," tugon na lang ni Ate Sam. "Ah, Candice? Tara na?" Napipilitan na humarap na lang ako sa gawi niya pero hindi ko pa rin siya tiningnan. Naglakad na ako at nauna nang lumabas sa kaniya. Nakita ko pa siya sa gilid ng mga mata kong napapakamot sa may ulo niya saka mabilisang isinukbit ang bag sa balikat niya. "Candice sandali!" Nasa labas na kami nang pigilan niya ako sa may siko ko, kaya naman napipilitan ko na siyang hinarap. "Akala ko ba mala-late na tayo?" taas kilay kong tugon. "Oo nga, pero nilagpasan mo na 'yong sasakyan natin papasok." Sinundan ko ng tingin kung saan nakalahad ang palad niya, at nanlaki ang mga mata ko nang makita kong motor iyon. "No! Ayoko nga!" Narinig ko ang panliliit ng boses ko sa pagtanggi kong iyon dahil sa kaba. Mula noon ay ayoko nang umaangkas sa motor, nakakatakot iyon para sa akin, masyadong mabilis at pakiramdam ko ay lagi akong tatalsik. "Wag kang mag-alala, Candice. Sanay akong magmaneho, saka may student license ako." "Wala akong pake! Ayoko pa rin! Mamaya mahulog pa ako, ayoko sa mabilis, paano kung maaksidente tayo? Maulit 'yong-" Kinagat ko ang ibabang labi ko para pigilan ang dapat ko pang sasabihin at napaiwas ulit ng tingin. Isa pa sa bagong dahilan ko kung bakit ayoko sa motor ay ang aksidenteng nangyari sa amin. Natatakot na akong maulit iyon. Na-trauma yata ako. "Right," aniya kaya napaangat uli ako ng tingin sa kaniya. Tumatango-tango siya na tila alam niya na ang nasa isip ko kahit hindi ko ipaliwanag. "Sandali, dito ka lang." Hindi niya na ako hinintay magsalita nang iwan niya na ako dala ang motor niya. Sinundan ko lang siya ng tingin. Nakita kong ipinasok niya ang kaniyang motor sa isang garahe sa gilid ng isang bahay na medyo malapit sa bahay ni Ate Sam. Ngumiti siya sa akin nang makita niyang nakasunod ang tingin ko sa kaniya. Humalukipkip lang ako. Tumagilid ang ulo ko nang makita kong naglalabas na siya ng bisekleta. Dahil doon ay hindi ko napigilang alalahanin ang dati naming pinagsamahan. Paborito naming bonding ang pagba-bike. Kaya nga yata ako naging morena dahil lagi kaming nasa arawan. Samantalang siya ay parang immune na sa araw, hindi nangingitim. Pansinin tuloy ang dalawa niyang nunal malapit sa tainga niya, and he's right! Tatlo na ang nunal niya roon ngayon. "Candice!" Napabalik ang wisyo ko nang tawagin niya ang pangalan ko. Hindi ko namalayan na nakalapit na pala siya sa akin dala ang bisekleta niya. "Alam ko hindi ka takot dito, tapos hindi ito gano'n kabilis, babagalan ko rin, promise. Okay ba?" Nagkibit balikat na lang ako at isinabit sa manubela niya ang bag ko, pati ang nakahiwalay kong pouch na pinaglalagyan ng cellphone ko. Nakita ko ang pasimple niyang pagngiti pero binalewala ko na lang iyon. Sumakay na siya sa bisekleta at ako ay umupo sa likod. May angkasan na upuan ang bike niya, siguro may iba a siyang madalas na inaangkas dito kaya nilagyan niya ng upuan. Kung sino man iyon ay wala na akong planong tanungin pa. "Kapit ka sa akin ah." Medyo nagdalawang isip pa ako doon, pero ayoko naman mahulog kaya bandang huli ay kumapit na lang ako sa balikat niya. Hindi nga masyadong mabilis ang pagpapaandar niya, sa gilid lang din siya dumadaan kaya kahit may mga nakakasalubong kami na malalaking sasakyan ay hindi ako natatakot. Pero kahit ganoon ay ayoko pa rin tingnan ang mga iyon, kaya itinuon ko sa kaniya ang pansin ko. Sa anggulo niya ay nakikita ko ang gilid ng mukhang niya, at ang nunal niya. I used to call him moles because of that. Itim na itim kasi iyon at buhay na buhay, tinatakot ko pa nga siya noon na lolobo pa iyon at aangat kagaya ng ibang nunal na nakikita ko sa ibang tao. Pero ngayon ay parang medyo patay na iyon dahil hindi na ganoon kaitim kagaya ng dati. Pero sa tingin ko kahit maging itim na itim pa rin iyon hanggang ngayon, hindi ko na siya puwedeng asarin gamit ang nunal niya. Bagay na kasi iyon sa kaniya, sa tingin ko ay nagdadagdag pogi points sa kaniya iyon. Hindi lang ako ang nagbago. Huling beses ko siyang nakita ay ten years old pa lang kami, maliit pa siya at medyo payat, ang buhok niya noon ay bagsak lang dahil hindi naman siya marunong mag-ayos niyon. Ngayon ay mas lumaki na ang katawan niya, hindi ko alam kung taba o muscles, pero hindi na siya batang tingnan, binatang-binata na siya, at ang buhok niya ay maayos nang nakasuklay patalikod. Inaamin ko, crush ko siya dati. Kahit bata pa kami noon ay natuto akong magkaroon ng crush. Ang bait kasi niya at matalino, masayang kasama. Pero hindi naman lumalim iyon dahil kinailangan nilang magpunta rito sa Bulacan. Magkatrabaho ang daddy niya at ang daddy ni Ate Sam, kaya naman sabay silang umalis nang malipat dito sa Bulacan ang opisina nila. Ngayong wala na rin si Tito, ang daddy ni Ate Sam, ay hindi na siya bumalik sa Maynila at nagtrabaho na lang rin sa kung saan nagtatrabaho ang daddy niya noong buhay pa. Si Dylan ay hindi na rin bumalik sa Maynila, marahil dahil okay na ang pamumuhay nila rito. Napakurap ako nang lingunin niya ako kasabay ng paghinto ng bike. "Dito na tayo." Napatingin ako sa building na nasa tapat namin. Bukas ang double door nito sa itaas ng may kahabaan at may kalapadan na hagdan. Hindi ito kasing laki ng mga Universities sa Maynila o kahit sa pinanggalingan kong school, pero mukhang marami rin ang mga estudyante na ngayon ay kaniya-kaniya ng pasok doon, nakasuot din sila ng kagaya ng uniform na suot ko. Long sleeve blouse, pin at midnight blue skirt na kasing taas ng tuhod. Nanliliit ang mga mata ko dahil sa sinag ng araw nang harapin ko siya pagkababa ko mula sa bisekleta. Iniabot niya sa akin ang bag ko. "Ipaparada ko muna itong bike ha." Tinanguhan ko lang siya at muling tumingin sa harapan ng school. Sa itaas niyon ay nakapaskil ang pangalan ng eskuwelahan. Deaton Hills High School. Hills? Siguro kaya parang forest ang kapaligiran. Kung titingnan nang maigi ay mukhang woods ang nakapaligid sa school dahil sa mapunong kapaligiran nito. Nasa probinsya nga talaga ako. Maglalakad na sana ako papasok pero naalala ko ang pouch ko. Sinabit ko rin iyon sa manubela pero ang bag ko lang ang naibigay sa akin ni Dylan. Nagpasya kong hanapin siya, at dahil hindi naman marami ang sasakyan na naka-park ay madali ko siyang nahanap. Pero natigilan ako sa paglapit sa kaniya nang mapansin kong pinaliligiran siya ng tatlong lalaki. Tinuon ko ang atensyon ko roon para mapakinggan kung anong nangyayari. "Sabi ko na nga ba't bulok iyang motor mo, e, hindi ba kinaya ang speed kahapon kaya hindi mo nadala ngayon?" sabi ng isang lalaking matangkad. Nakatalikod ito sa gawi ko kaya hindi ko nakikita ang mukha nito. "Puwede ba, Trevor. First day of school, ayoko ng gulo rito." "Takot ka? Wow! Si Dylan takot!" Nagsimulang magtawanan ang tatlong lalaki. Napailing ako at mabilis na naglakad patungo sa kanila. Nakita kaagad ako ni Dylan kaya umiling siya sa akin pero hindi ko siya pinansin. Tinabing ko ang tatlong lalaki upang makadaan at hinarap sila. "Hoy, mga bully ba kayo? Kung siya hindi kayo pinapatulan, ako papatol ako, ano?" matapang kong sindak sa kanila. Nanliit ang mga mata ko nang makita kong tiningnan ako mula ulo hanggang paa ng tatlo. "Wow chicks!" sabi ng isang matabang kamukha ni Damulag. "Girlfriend mo?" sabi ng isa pang pinaputing Damulag. Humalukipkip ako. "Girlfriend o hindi, hindi ako papayag na i-bully ninyo ang kaibigan ko." Lalapit sana ang isang Damulag na mukhang nayabangan sa akin, pero inawat siya ng pinaka matangkad at kaisa-isang may hitsura. "Halika na," aya nito sa mga kasama, ngunit hindi inaalis ang tingin sa akin. Tumaas pa ang sulok ng labi niya na siyang tinaasan ko lang ng kilay. Nang tuluyan na silang umalis ay umikot ako paharap kay Dylan na parang natulala na. "Ano ba Dylan! Ang laki-laki na natin nagpapa-bully ka pa rin? Gusto mong tirisin ko iyang nunal mo?" nanggigil kong sinabi na mukhang nagpabalik sa kaniya sa wisyo. "Hindi mo naman kailangang gawin iyon, hindi naman nila ako usually na nabu-bully, ayaw ko lang silang patulan dahil first day of school, remember?" sumasapo sa may batok niyang sabi. Inirapan ko siya. "Ewan ko sa 'yo," sabi ko na lang at padabog na kinuha ang pouch ko sa bike niya. Maglalakad na sana ako pero hinarang niya ako. Tumaas ang kilay ko nang makita ko ang kung anong kakaiba sa ekspresyon niya. Parang gulat at hindi makapaniwalang ewan. "Teka, Candice! Ibig sabihin ba na naaalala mo ako? Si Nunal mo?" Tumigilid ang ulo ko. "Siyempre, wala naman akong amnesia, dumbass." Nilagpasan ko na siya nang makita kong halos matulala siya roon. "Yes! Yes! Woohhoo!" Nawiwirduhan na nilingon ko siya nang marinig ko ang halos pagsigaw niya. Nadatnan ko siyang halos sumayaw roon, halos mahiya pa ako dahil pinagtitinginan siya ng ibang estudyanteng dumadaan. Pero bandang huli ay napangiti na lang ako. I guessed, something hasn't changed yet.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD