CHAPTER 5

1793 Words
JEHANN'S POINT OF VIEW Nandito kami ngayon sa pinaka-dulo ng canteen. Dito naisipang umupo ni Ziah dahil mukhang ayaw niyang makipaghalubilo sa ibang mga estudyante. Habang nag-oorder kasi ako kanina, naiwan siyang nakaupo at kahit walang kabuhay-buhay siyang tignan makikita mo pa rin na parang iniiwasan niyang tignan ang mga estudyanteng napapatingin sa kanya. "Why?" Napahinto ako sa pagkain ng aking burger ng biglang magsalita si Ziah. Tinignan ko siya pero sa ibang direksyon siya nakatingin. Napaisip tuloy ako kung ako ba ang kinakausap niya o may iba siyang nakikita na hindi ko makita? "Are you talking to me? Why? Anong Why?" Naguguluhan kong tanong sa kanya. Ang gulo niya rin minsan. Biglang tatahimik. At biglang magsasalita rin na hindi naman maiintindihan ng iba. Hindi lang sa magulo siyang kausap parang may kakaiba rin sa kanya. Hindi ko lang matukoy kung ano pero there's something about her that seems odd. "Why did you paint me?" Tanong niya habang kumakain ng pizza. Yun pala ibig sabihin niya sa kanyang tanong. Na offend ko ba siya? Heto ako judge ng judge sa kanya pero ako naman itong may ginawa na hindi man lang siya tinanong kung okay lang ba sa kanya. Pinagmasdan ko ang kanyang mukha pero mukhang hindi naman siya na offend. "I don't know? Wala kasi ako sa mood kanina and then i saw you. Naisipan kong ikaw na lang. I'm sorry. I should have ask permission first." "It's okay but why?" Huh? Tila naguluhan ulit ako sa kanyang tanong. What's up with being so mysterious and asking questions that is so hard to understand? I'm not a mind reader na kayang basahan kung ano man ang kanyang iniisip ngayon. She's really odd. "What? Pwede bang straight to the point?" Madiin kong sabi habang pinagmamasdan ang kanyang mukha. "Why is that my eyes in your painting is pink?" Why pink? I don't know. Naisipan ko lang na mas bagay ito sa kanya. She has this pink hair so maybe pink eyes will suits her. And she would look even more beautiful if she will have pink eyes. Wait.... did i just said she's beautiful? Oh. "Nothing. Why? Hindi ba pwede?" Tanong ko pabalik sa kanya at iniwasan siyang tignan. "Pink eyes are dangerous to people." Bigla akong napatingin ulit sa kanya nang sabihin niya yun. Nakatingin na rin pala siya sa akin. "Dangerous? Some people are using pink contact lens." Paliwanag ko sa kanya pero mukhang ang seryoso niya kahit walang kabuhay-buhay ang mukha niya. Why is it that pink eyes are so big deal with her? "Real pink eyes, I mean." Naging interesado naman ako sa sinabi niya. How did she know that there are real pink eyes? Nabasa niya ba ito sa mga greek mythologies? I didn't know she's into that kind of genre. And if it's true wala naman sigurong masamang mangyayari sa taong may ganitong mga mata. "Do you really believe in that things? They're just myths. Noong unang panahon pa yun siguro? But right now there is no person who have real pink eyes." "What if there is?" Tanong niya at bigla naman akong napatawa. Is she a kid? Believing in some legends or myths? "Really? *laughs* Sino? Ikaw?" Nakita kong natigilan siya saglit sa kanyang pagkain pero agad din siyang nagpatuloy sa pagkain ulit. Habang hinihintay ko siyang matapos kumain napapatingin ako sa kanyang mga mata. Pinagmasdan ko ito ng mabuti and it looks unreal. Is she wearing contact lens? Kapag real black eyes kasi may kunting brown pa ito. But her eyes right know looks more darker as if it's covering something. "Totoo ba yang mga mata mo?" Tanong ko at bigla siyang napatingin sa akin ng walang kabuhay-buhay. Agad siyang tumayo at tumingin sa akin. "I'm done." She said and ignoring my question. Agad siyang umalis kaya sinundan ko naman siya. What's wrong with her? Did I said something wrong? I'm just asking. Habang naglalakad kami naisipan kong tanungin ulit siya. I'm always a curious person. And I keep asking things if I'm curious about it. Nang tanungin ko na siya biglang nakarinig kaming dalawa ng mga palakpak at sigawan. "OMG! Ang galing nila!" "May event ba?" "They are so cool! Like in the circus!" Mga sabi-sabi ng mga estudyante na naririnig naming dalawa habang naglalakad. Napahinto si Ziah kaya napahinto rin ako sa paglalakad. Nakita kong nakatingin siya sa itaas kaya sinundan ko ang mga tingin niya. May nakita akong dalawang ninja na patalon-talon sa ibabaw ng building ng Medical Arts. Siguro may panibagong event na naman silang ginagawa. Nang tignan ko si Ziah nakita kong namilog ang mga kamao niya. What's wrong with her? Galit ba siya? She's acting weird again. Patuloy pa rin ang tingin niya sa mga ninja na para bang kilala niya ang mga ito. Nakita kong papalapit rin ang dalawang ninja sa direksyon namin. Patalon-talon pa silang papalapit sa amin. This is strange. Biglang napatingin ang isang ninja kay Ziah. Mas lalong lumapit ito. Nakita ko rin ang isa pang ninja na nakatingin kay Ziah at may tinapon silang dalawa sa ere. What the? Isang matalim na bagay! Bigla akong kinabahan dahil matatamaan si Ziah. Kung gumagawa man sila ng palabas sana naman inisip nilang may mga estudyante sa paligid. "Ziah! Ilag ka!" Sigaw ko kay Ziah pero parang wala lang sa kanya. May nakita akong tumalon galing sa kabilang rooftop ng building. Isang lalaking naka tuxedo. Mabilis itong kumilos kaysa sa mga ninjas na patalon-talon. Agad nakuha ng lalaking naka tuxedo ang mga patalim na papunta sa direksyon ni Ziah. Sa sobrang bilis niyang gumalaw hindi ko namalayan na nasa harapan na siya namin ni Ziah. "Daijobu desu ka? My lady?" Biglang napatingin si Ziah sa lalaking naka tuxedo nang kausapin siya nito. Ano daw? Mukhang ibang lenggwahe ang kanyang ginamit. [Daijou desu ka? - Are you okay?] Nakita kong itinaas ni Ziah ang kanyang kaliwang kilay habang nakatingin sa lalaking naka tuxedo. Magkakilala ba sila? "I'm okay. Do I know you?" Tanong naman ni Ziah sa naka tuxedo. Mukhang naintindihan niya ang mga salita ng lalaking naka tuxedo. Sino ba ang lalaking ito? Hindi naman siya kilala ni Ziah base sa sagot nito. "I'll introduce myself after this." At biglang kumaripas ulit ng takbo ang lalaking naka tuxedo. Habang ito ay tumatakbo nakita kong parang may kinuha ito sa kanyang bulsa. At isa rin itong patalim. Parang nanonood kami ngayon ng action movie. Patalon-talon sa mga rooftop ng buildings ang dalawang ninja at mabilis namang kumilos ang lalaking naka'tuxedo para hulihin ang dalawang ninja. Ano ba talaga ang nangyayari? Palabas pa ba ito? Habang busy ang lalaking naka tuxedo sa pakikipag-away sa isang ninja. Yung isang ninja naman papunta ulit sa direksyon namin ni Ziah. At parang nakatuon lamang ang pansin nito kay Ziah. Habang papalapit ulit ang isang ninja nahalata kong parang may kinukuha si Ziah sa kanyang bag. Nagulat ako sa biglang pag sulpot ni Zyla at parang pinipigilan si Ziah. Teka.... magkamukha sila? Hindi kaya magkapatid ang dalawang ito? Naguguluhan na ako sa mga nangyayari ngayong araw. "Ziah don't." Agad na sabi ni Zyla kay Ziah kaya muling ibinalik ni Ziah ang kukunin niya sana sa loob ng kanyang bag. Napatingin si Zyla sa aking direksyon at parang humihingi siya ng tulong sa akin. Magkakilala kami ni Zyla pero hindi ganoong ka-close. Hindi ko nga naisip na magkamukha sila ni Ziah noong unang kita ko kay Ziah. "Jehann, dalhin mo si Ziah sa parking lot please." Napatango ako bilang sagot kay Zyla. Wala akong nagawa kundi sundin ang sabi ni Zyla. Hindi ko naman kayang hayaan si Ziah na matamaan ng mga matatalim na bagay. Tumakbo kaming dalawa ni Ziah papuntang parking lot. Nakita kong nagsitakbuhan na rin ang ibang estudyante dahil sa nangyayari ngayon. Hawam kamay kaming tumatakbo pero bigla siyang napahinto kaya napahinto rin ako. Hinarap niya ako na para bang may iniisip siya. "Hindi pwede." Sabi niya sa akin habang magkaharap kaming dalawa. Nakita kong namilog na naman ang mga kamay niya. "Anong hindi pwede?" Tanong ko sa kanya pero hindi niya sinagot ang tanong ko at binitawan niya bigla ang pagkakahawak ko sa kanya. Tatakbo sana ulit siya pabalik doon kung saan kami nakapwesto kanina pero nahawakan agad siya ni Zhiro? Mas lalo akong naguluhan sa ikinilos nilang tatlo. Ano ba talaga ang nangyayari? "Ziah, let's go." Sabi ni Zhiro kay Ziah at aalisin sana ni Ziah ang pagkakahawak ni Zhiro sa kanya ngunit hindi niya magawa dahil mas malakas at mahigpit ang pagkakahawak sa kanya ni Zhiro. "No way! My twin sister is still there!" Sigaw ni Ziah na nagpagulat sa akin at kay Zhiro. "Ziah! Please listen! You also might get in trouble! Jehann? Pakitawag si Zyla." Tumango ako bilang sagot kay Zhiro. Kaibigan ko rin Zhiro kaya iintindihin ko na lang muna kung ano ba talaga ang nangyayari. I know Zhiro is just being protective when it comes to his family. So as a friend I'll help him. Agad akong tumakbo at iniwan silang dalawa. Kailangan kong hanapin si Zyla. ZHIRO'S POINT OF VIEW "Ziah! Please listen! You also might get in trouble! Jehann? Pakitawag si Zyla." Sigaw ko kay Ziah at hinarap si Jehann upang hingan ng tulong. Tumango naman ito sa akin at agad tumakbo para hanapin si Zyla. "But--" "I said let's go!" Sigaw ko ulit kay Ziah at hinawakan ng mahigpit. Tumakbo na rin kami papuntag parking lot kung saan naghihintay ang sundo namin. Ito ang kinakatakutan ko sa lahat. Ang maulit ang mga pangyayaring nangyari noon pa. Ayaw ko ng maulit pa ang nangyari noon, pero nakakapagtaka? Paano nila nalaman na nandito nag-aaral ang dalawa kong kapatid? Hindi pwede ito. Ayaw kong maulit kung ano ang nakaraan at kung ano ba noon ang nangyari sa aming pamilya at kay si Ziah. Habang naghihintay kami ni Ziah kay Zyla sa aming sasakyan bigla itong bumukas at pumasok si Zyla. Nakita kong may kunting galos si Zyla sa kanyang kaliwang braso. Hindi naman ito dumudugo ngunit alam kong magiiwan iyon ng marka. "Thanks, Jehann." Tumango na lang ulit si Jehann sa akin at agad kaming umalis ng paaralan. Marami-marami akong ire-report nito bukas kay dean dahil sa mga nangyari ngayong araw. At bukas ko na lang ipapaliwanag ang lahat kay Jehann. Alam kong nagaalala rin yun dahil kaibigan ko siya. "Are you okay, Zyla?" Tanong ko habang nakatingin kay Zyla. "Do I look okay?!" Napasigaw niyang sabi sa akin. Inaasahan ko na ganun ang kanyang isasagot. Nakikita ko kasi na nahihirapan siyang galawin ang kanyang kaliwang braso. "I'm sorry, Zyla. I did nothing because father called me. He said he wants to see us as soon as possible." Paliwanag ko sa kanya kaya nanahimik na siya. Nang mapatingin ako kay Ziah nakatingin ito sa labas ng bintana ng sasakyan. Kanina parang hindi mapakali dahil kay Zyla at ngayon parang bumalik na ulit siya sa pagiging walang kabuhay-buhay tignan. Mas mabuti na ito kaysa mag-isip pa siya na pwedeng ikasama sa kanya. Sino nga ba ang mga ninjas na yun? At ano na naman ang kailangan nila sa amin? Or should I say ano ang kailangan nila sa dalawa kong kapatid? TO BE CONTINUED.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD