"I'm Ziah."
Pakilala ni Ziah sa buong klase nang makaalis ang kuya niya. Nakatayo pa rin siya sa harap ng buong klase habang hinihintay na paupuin siya ng kanyang bagong guro. Walang kabuhay-buhay niyang tinignan ang buong klase at ang kanyang bagong guro. Matagal bago nagsalita ang kanyang bagong guro dahil akala nito may idadagdag pang sasabihin si Ziah.
"What's your surname?" Tanong nito kay Ziah.
"It's too private." Walang kabuhay-buhay na sagot ni Ziah kaya tumango na lang ang kanyang guro sa kaniya.
"Okay, you can sit there." Sabi ng kanyang guro sabay turo sa bakanteng upuan malapit sa bintana.
Lumakad papunta si Ziah sa bakanteng upuan. At habang lumalakad siya, napapatingin sa kanya ang buong klase. Hinayaan niya lamang ito at uupo na sana. Ngunit biglang bumukas ang pintuan ng kanilang classroom. Iniluwa nito ang isang lalaking ubod ng gwapo ngunit malamig kung tumingin.
"I'm sorry, I'm late." Malamig na sabi niya sa buong klase.
Biglang napatingin ang lahat sa kakadating na lalaki. Agad namang umingay ang buong klase. Maraming babaeng kinikilig habang nag-uusap sa isa't-isa. Napatingin din si Ziah pero agad din siyang napatingin sa ibang direksyon. Umupo siya at walang kabuhay-buhay na napatingin sa labas ng bintana.
"It's okay, Mr. Montre. You can sit now." Sabi ng kanilang guro kaya agad naman humanap ng bakanteng upuan ang lalaking kadadating pa lang.
"For today's class, I want to test your skills in Visual Arts. That's why paint everything you want for today." Huling sabi ng kanilang guro bago pinagpatuloy ang pagbabasa ng mga papeles at umupo sa harapan ng buong klase.
Kanya-kanyang kuha ng mga sariling gamit ang mga estudyante sa kanilang locker sa likuran. Tahimik na sinimulan ng lahat ang pagpinta ng kung ano-ano. Labing apat na estudyante lamang ang nasa loob ng silid. Marami pang bakanteng upuan ang nakahilera sa loob ng kanilang silid. Kunti lang ang nakapasa sa Visual Arts, at isa na dun si Ziah. Nakapasa siya dahil nagpipinta rin siya noon sa Japan.
JEHANN'S POINT OF VIEW
Wala ako sa mood ngayong araw. Hindi ako sigurado kung maganda ba ang ipipinta ko. Tinignan ko ang mga kaklase ko at nagsisimula na silang lahat. Napatingin naman ako sa tabi ko at bigla akong nagulat. Sino siya? Bakit kakaiba ang buhok niya? Habang ako ay papaupo kanina sa bakanteng upuan hindi ko siya napansin.
Transferee student siguro siya, hindi kasi pamilyar ang mukha niya. Habang tumitingin ako sa kanya, hindi ko maiwasan mamangha. Bakit hindi ko kaagad siya napansin? Kapansin-pansin naman ang kakaibang buhok niya. Aaminin ko, maganda siya. Bagay ang kakaibang buhok niya sa kanya. Nakita kong hindi pa siya naka-uniform pero ang ganda pa rin niyang tignan kahit simple lamang ang damit niya.
"What?" Bigla niyang tanong nang mapaharap siya sa akin.
"Ah nothing."
Agad ko namang iniwas ang aking tingin. Sh*t. First time kong matulala sa isang babae. Hindi sa pagmamayabang pero laging mga babae kasi ang napapatulala sa akin. I'm just telling the truth. Napaisip naman ako bigla. Bakit ganun siya magsalita? Kumain ba siya? Kulang ba ang tulog niya? Bigla akong naka-isip ng aking ipipinta.
Matapos ang dalawang oras. Natapos ko rin siyang ipinta. Oo, siya ang naisipan kong ipinta. Nakita kong nagsisilabasan na ang lahat. Ang naiwan na lang ay ako at ang babaeng may kakaibang buhok. Habang pinipinta ko siya, patago akong patingin-tingin sa kanya. Hindi naman siguro siya magagalit kung ipininta ko siya.
Tumayo siya at ipinasa ang ipininta niya. Sumunod akong tumayo at pinasa rin ang aking gawa. Napatingin ako sa gawa niya. Isang kagubatan na mayroong lawa at maraming mga hayop ang nasa paligid. Ang ganda ng pagkagawa niya. Nang mapatingin ako sa aming guro, kanina pa pala itong nakatingin sa akin. Bigla siyang ngumiti sa akin sabay tingin sa babaeng may kakaibang buhok.
"Why pink? Diba black naman ang mga mata ni Ziah?" Tanong ng aming guro sa akin. Ziah pala ang pangalan niya. Nakita kong napatingin naman si Ziah sa gawa ko. Hindi ko alam kung galit siya o kung ano dahil wala akong nakikita na ibang ekspresyon maliban sa walang kabuhay-buhay niyang tingin.
"Yeah, but i think pink eyes suits her? Right?" Tanong ko kay Ziah. Nakatingin pa rin ako sa kanya habang hinihintay ang isasagot niya. Agad siyang napatingin sa akin.
"No, you should erase that." Walang kabuhay-buhay niyang sabi at agad umalis. Mukhang hindi tama na siya ang ipininta ko.
"Ganun ba talaga siya?" Tanong ko sa aming guro. Agad namang ngumiti ulit ang aming guro sa akin.
"Why not ask her, Mr. Montre? Right?" Mukhang inaasar pa ako ng aming guro. Anong akala niya gusto ko yun? Walang pake yun sa mundo. Walang kabuhay-buhay rin yun kausap.
Nagpaalam na ako sa aming guro. Wala na rin kasing susunod na klase. Kakaiba ang aming academy dahil dalawang oras lang ang klase at sa mismong kurso mo lang. Walang ibang subject at hindi na kami High School or Grade School. Nasa College na kami kaya dapat mas tuunan namin ng pansin ang mga hilig lang namin o ang aming kurso.
Pagkatapos ang dalawang oras bahala na kung ano ang gagawin mo kung sasali ka ba sa mga activities or clubs or tatambay sa canteen at library. Isa ako sa mga myembro ng Math Club at ako lagi ang pambato sa mga Math Contests. Doon na lang ako pupunta at tatambay. At habang naglalakad papunta ng Math Club Room bigla akong may narinig na nag-uusap. Naisipan kong huminto at makinig ng kunti. Hindi naman sa chismoso, na curious lang ako.
"Oh? The transflirt student is here. Hi hello hi, Ziah." Pamilyar ang boses kaya sumilip ako kung sino at kilala ko nga.
Kaklase namin sa Visual Arts, si Janilica. Kilala ng lahat dahil sa pagiging maganda sa lahat ng bagay. Nakita kong napahinto si Ziah sa paglalakad. Hinarap niya si Janilica at ang mga kaibigan nito. Walang kabuhay-buhay niyang tinignan isa-isa sina Janilica at ang mga kaibigan nito. Sa totoo lang, kumain ba siya kanina? Mukha siyang gutom tignan.
"Are you talking to me?" Tanong ni Ziah kay Janilica.
"Isn't obvious? Tinawag nga kita diba? Maliban na lang kung hindi ka si Ziah. What an idiot." Biglang nagtawanan ang mga kaibigan ni Janilica kasama siya.
Nakita siguro kanina ni Janilica na si Ziah ang ipininta ko. Ang alam ko may gusto si Janilica sa akin. Hindi sa pagmamayabang, palagi kasing nagpapansin si Janilica sa akin. Pero bakit kailangan niya sabihin ang mga salitang yun? Kaya hindi ko siya magustuhan dahil minsan ang sama ng ugali niya.
"I'm not an idiot, maybe you? I don't do flirting. I'm not a low class like you." Medyo natawa ako sa sinabi niya. Gamit ang walang kabuhay-buhay niyang tono nasabi niya ang mga salitang yun. Hmm, weird but cool.
"OMG! Hi Jehann!" Rinig kong sigaw ng isang kasama ni Janilica. Naglaho ang mukhang galit ni Janilica at humarap sa akin habang nakangiti ng sobrang laki.
At dahil nahuli ako sa pagmamasid, lumakad na lang ako papunta sa direksyon nila. Nakita kong tumalikod si Ziah at umalis sa harap nina Janilica at ng mga kaibigan nito. Ngumiti ako pabalik kay Janilica at nilagpasan siya. Naisipan kong sundan si Ziah. Hindi ko rin alam kung bakit.
"What?" Tanong ni Ziah nang magkasabay na kaming lumalakad.
"Gusto mong sumali sa Math Club namin?" Bigla kong tanong. Sa totoo lang kasi hindi ko naman alam kung bakit ko siya sinundan. Hindi ko lang namalayan sumusunod na pala ako sa kanya.
Umiling siya, ibig sabihin ayaw niya. Hindi na lang ako nagsalita pa. Tahimik kaming lumalakad papunta sa kung saan. Bakit ba sinusundan ko pa rin siya? Napatingin ako sa kanya habang naglalakad. Wala pa rin kabuhay-buhay ang mukha niya. At mukhang hindi niya alam saan siya papunta.
"Mukhang hindi mo pa alam ang pasikot-sikot ng paaralan. Saan mo ba gustong pumunta? Ihahatid kita." Tanong ko sa kanya at bigla siyang napahinto sa paglalakad kaya napahinto na rin ako.
"I don't know." Sabi niya at napatingin sa akin.
"Canteen na muna tayo? Mukhang gutom ka kasi." Hindi ko na hinintay ang sasabihin niya at dinala siya sa canteen.
TO BE CONTINUED.