CHAPTER 3

1402 Words
BZZZT. BZZZT. Kanina pa nakatayo sa labas ng silid ni Ziah si Zyla habang pinipindot ang maliit na doorbell na nakadikit sa gilid ng pintuan. Sa sobrang yaman nila, lahat ng silid ay may maliit na doorbell na nakadikit sa gilid pintuan. Pindot lang nang pindot si Zyla dahil kanina pa siya hindi pinagbuksan ng kapatid niya. "For real?! Bakit ang tagal niyang buksan? It's her first day in our academy and she will be late! My dear sister open this door now!" Inis na sabi ni Zyla at malakas niyang kinakatok ang pintuan ng silid ng kapatid niya. Matagal nang nagsimula ang klase, tatlong buwan bago nagsimula ito. At dahil kababalik lang ni Ziah sa Pilipinas nahuli na siya sa pagpasok. 2nd year college na sila ni Zyla, samantalang 4th year college na ang kuya nila. Isa sa mga kilalang paaralan ang Starling Academy kaya may dalawang klase ang mga mag-aaral nito. Average Class, kung saan ang mga mag-aaral hindi kaya ang mga bayarin ng paaralan. Lahat ng mga mag-aaral na iskolar ay nasa Average Class. Elite Class, kung saan ang mga mag-aaral kayang magbayad ng mga babayarin ng paaralan. Lahat ng mga mag-aaral na kilala at kilala sa pagiging mayaman ang pamilya ay nasa Elite Class. Naging kilala itong paaralan dahil halos lahat ng mag-aaral ay magagaling sa academics, sports at sa iba pang event, mapa Average Class o Elite Class man sila. Paiba-iba man ang kurso nina Zhiro, Zyla and Ziah, pareho naman silang tatlo na nasa Elite Class. Elite Class major in Culinary Arts si Zhiro, samantalang major in Medicine Arts si Zyla at Visual Arts naman si Ziah. Biglang bumukas ang pintuan ng silid ni Ziah at inilabas ang dalagang kakagising lang. Kinukusot-kusot pa nito ang kanyang mga mata. Napanganga naman sa gulat si Zyla dahil kagigising lang ng kapatid niya at malelate na sila. "What?" Walang kabuhay-buhay na tanong ni Ziah. "Anong what? What-whatin kita, you want? Go take a bath and change your clothes for goodness sake! Papasok na tayo ng school! Hurry! We're going to be late my dear sister!" Sigaw ni Zyla sa kapatid niyang mukhang sabog dahil kagigising lang. "Fine, you're noisy." Walang kabuhay-buhay niyang sabi at pumasok ulit ng silid. Lahat ng kanilang silid may kanya-kanyang comfort room. Hindi makapaniwala si Zyla sa sinabi ng kapatid niya. Mas lalo siyang napanganga habang nakatayo parin sa labas ng silid ng kapatid niya. Unbelievable, isip niya habang hinihintay ang kapatid niya sa labas ng silid. Bigla siyang napaisip kanina, she saw Ziah's pink eyes. Dahil kagigising lang nito, hindi pa ito naka contact lens. Habang tinitignan niya kanina ang mata ng kapatid niya, wala siyang nakikita. Dahil siguro magkambal sila at pareho silang kakaiba sa iba. Tanging ang orihinal na makulay lang ng mga mata nila ang kayang makakakita ng kinabukasan at makakagaling sa iba. Makalipas ang ilang minute, nasa labas na sila ng kanilang mansion. Handa na silang pumasok sa kanilang paaralan. Katabi ni Zhiro ang isang butler na magmamaneho sa kanila papunta sa kanilang paaralan. Samantalang nasa likuran umupo si Zyla kasama ang kapatid niyang kakapasok lang ng sasakyan. Napatingin bigla si Zyla sa kakambal at nagulat sa isinuot nito. "What is that?" Tanong ni Zyla habang tinuturo ang damit ni Ziah. Napatingin naman si Zhiro sa dalawang kapatid niya at muling ibinalik ang atensyon sa kanyang selpon. "A dress." "I know it's a dress but--" "You knew it, why even ask?" Hindi niya pinatapos ang sasabihin ni Zyla at agad siyang nagsalita. Muling napanganga si Zyla sa sinabi nito sa kanya. "OMG Ziah, because you're not wearing our school uniform." Diin na sabi ni Zyla sa kapatid niyang pilosopo. Nakasuot kasi ng simpleng damit si Ziah habang naka school uniform sina Zhiro at Zyla. "Relax, transferee student are allowed to wear anything on their first day." Agad pinakita ni Ziah sa kapatid niya ang isang letter na naglalaman ng rules and regulations ng Starling Academy. "Is that so? Then why you didn't wear some stylish dress instead of that--" "I'm not you." Nagsalita agad si Ziah para manahimik na ang kapatid niya. Bumalik na lamang sa pag-aayos ng sarili si Zyla at hinayaan si Ziah. Tumingin naman sa labas ng bintana ng sasakyan si Ziah. Agad naman napabutong-hininga ang nakakatanda nilang kapatid sa kanilang pag-uusap. Makalipas ulit ang ilang minuto, nakarating din sila sa Starling Academy. Unang lumabas ng sasakyan ang nakakatanda nilang kapatid na si Zhiro kasunod naman nito ay sina Zyla at Ziah. Nang makalabas na sila, agad din naman umalis ang kanilang sasakyan. "I'll go ahead first. Kuya, ikaw na lang muna sumama kay Ziah sa Dean's Office. I'm already late na kasi." Paalam ni Zyla sa dalawa niyang kapatid at naunang umalis papasok ng klase. Napatango na naman si Zhiro at agad tinignan ang nakakabata nilang kapatid. Agad siyang napangiti nang makita itong nakatingin sa napakalaki at malapad na gate ng paaralan. Tinapik ni Zhiro ang balikat ng kapatid niya kaya napatingin ito bigla sa kanya. "Let's go inside. You'll be more amaze of what's inside that wide gate." Ngiting sabi ni Zhiro sa kapatid niya. Tinignan lamang ni Ziah ang kuya niya at tumango bilang sagot. Sumunod si Ziah sa kuya niya habang papasok sila ng kanilang paaralan. Sabay silang lumalakad papuntang Dean's Office at sa kanilang paglalakad sabay silang pinagtitinginan ng mga tao. Kilala kasi si Zhiro sa lahat ng mag-aaral sa Starling Academy. Kilala bilang sa pagiging mayaman ng pamilya nila, kilala bilang isa sa mga gwapong mag-aaral, kilala bilang magaling sa lahat ng bagay. "Siya siguro ang Transferee." "She's cute! She looks like Zyla." At dahil kilala sa Zhiro sa lahat ng bagay, kilala rin si Zyla ng mga mag-aaral. Kilala bilang magaling na mag-aaral, maganda sa kahit anong direksyon, at sa pagiging fashionista sa lahat. At dahil na rin magkapatid ang dalawa kaya kilala sila dahil sa kanilang mayaman na pamilya. "Seriously? She looks ugly to me." "Bakit niya kasama si Zhiro? Omg! Maybe girlfie siya ni Zhiro! A cute couple!" "Eww, hindi sila bagay. Zhiro is only for me." Agad na bulong-bulongan ng mga mag-aaral sa paligid. Halos lahat naririnig na nilang dalawa kahit binubulong lamang ng mga mag-aaral ang lahat. Diretso pa rin ang lakad ng dalawa papuntang dean's office. Napapatingin-tingin na lang si Ziah ng walang kabuhay-buhay sa mga mag-aaral na nadadaanan nila. At halos lahat nakatingin sa kanya ng masama. "Don't mind them, Ziah." Bulong ni Zhiro sa nakakabata niyang kapatid. "I know." Makalipas ang ilang minuto nang paglalakad nilang dalawa. Napahinto silang dalawa sa paglalakad sa harap ng isang malaking pintuan. Kinuha ni Zhiro ang isang papel sa kanyang bag at ibinigay sa nakakabata niyang kapatid. Kinuha naman ito ni Ziah at sinimulang basahin ito. Habang binabasa ni Ziah ang mga nakasulat sa papel, pinindot naman ni Zhiro ang itercom na nakadikit sa gilid ng pintuan. "Good morning, dean. This is Zhiro and I want you to meet the new transferred student." Sabi ni Zhiro matapos pindutin ang intercom. "Come in." Sabi naman ng nasa kabilang linya. Isang vice president ng ssg ng paaralan si Zhiro. At tungkulin niyang ipaalam sa dean ng paaralan ang lahat ng mga importanteng detalyi na nagagaganap sa loob ng paaralan. Tinuro ni Zhiro sa nakakabata niyang kapatid na ibigay sa dean ang papel. Agad namang pinatong ni Ziah ang papel na binasa niya kanina sa lamesa ng isang matandang lalaki na nakatalikod sa kanilang dalawa. "Dean, this is Ziah. The new transferred student and also she is my younger sister." Agad namang humarap ang dean sa kanilang dalawa. At nang mapatingin siya kay Ziah ay bigla siyang nagulat sa kanyang nakita. "Seriously? That is Zyla with a different colored hair." Hindi siguradong sabi ng dean sa kanilang dalawa kaya agad napatawa ng kunti si Zhiro. "No, dean. She is Zyla's twin sister. At kapatid ko rin si Zyla." Paliwanag ni Zhiro at tinuturo si Ziah. "Oh, I'm sorry. Identical Twins pala silang dalawa. Ngunit parang may kakaiba sa'yo iha. Last time I check Zyla looks like a cheerful person, but you are so serious." Pagtataka ng dean habang sinusuri si Ziah. "Masanay kana, dean. Ziah is always like that but I can promise that she's a nice student." Natatawang sabi ni Zhiro habang nakatayo lang si Ziah sa tabi niya na walang kabuhay-buhay. "Let's see. Oh here is Ziah's class schedule in Elite Class major in Visual Arts. You two can proceed to your class now." Huling sabi ng dean sa kanila bago umalis silang dalawa sa opisina ng dean. "I'll take you to your first class." Sabi ni Zhiro sa nakakabata niyang kapatid na kanina pa hindi nagsasalita. Tumango na lamang si Ziah sa kuya niya at nagpatuloy ulit silang maglakad. TO BE CONTINUED.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD