Kabanata 2
C H E S K A
“Bakit hindi mo masagot? Mas maganda ako, ‘no?” may ngisi sa labing tanong ko. S’yempre nagbibiro lang ako.
Lalong lumawak ang ngisi niya sa sinabi ko. Sandali akong napatunganga sa kanya. Punyeta! Bakit ang gwapo ng lalaking ito? Hindi lang basta gwapo, may sense pang kausap. Siguro kung kapantay niya lang ako, irerekumenda ko na ang sarili kong pakasalan niya. Kaya lang mukhang may criteria siya sa pagpili ng mapapangasawa. Iyong papasa daw sa nanay niya, eh. Ano ba ang gusto ng mga alta? E di syempre iyong mga kapantay nila. Iyong elegante at sopistikadang babae na mahinhin kumilos at conservative manamit. In short, kabaligtaran ko.
“Pero maganda nga siguro iyon para magustuhan ng tulad mo,” wala sa sariling bulong ko.
Nawala ang ngiti niya at bahagyang nagsalubong ang mga kilay. Hindi nakuha ang sinabi ko. “I’m sorry?”
“Okay, love, bati na tayo,” may ngising sabi ko. Mas lalo yata siyang nalito sa sinabi ko. Natawa ako. Ang hirap naman biruin nito. “Sabi ko pinapatawad na kita. Bati na tayo, love. Kiss mo na ako dali,” sabi ko pa.
Nawala ang kunot sa noo niya na para bang napagtanto niyang pinaglololoko ko lang siya. Umiling siya habang nangingiti. Ang gwapo talaga kapag nakangiti. Ang sarap halikan kung ibang lalaki siguro ito, baka kanina ko pa siya hinalikan pero ewan ko ba. May kakaiba sa kanya at tila hindi ko mapagana ang kalandian ko. Yes, hindi pa ako malandi sa lagay na ‘to.
“Nagka-girlfriend ka na ba?” tanong ko nang hindi na ulit siya kumibo. Ang tahimik naman ng lalaking ito.
Umiling siya bilang sagot. “Wala pa,” aniya, slang nga lang. Ang cute niya kapag nagsasalita ng tagalog.
“Bakit? Dahil hindi ka naniniwala sa love?”
“It’s not because I don’t believe in love. Maybe love is true for other people but it's not for everyone.”
Tumango-tango ako dahil ganoon din ang tingin ko sa pag-ibig. Siguro nga totoo ito para sa iba pero hindi ito para sa lahat. Katulad namin ni Gabriel.
“So bakit nga hindi ka nagkagirlfriend? Hindi mo sinagot.”
“Simply because I’m busy. Ayokong wala akong oras sa girlfriend ko.”
Palihim akong nangiti. Sana ako na lang jowain mo. Pasimple kong kinurot ang sarili ko. Ang kalandian. Talaga naman.
“Kahit noong nag-aaral ka? Busy ka?”
Tumango siya. “I'm working while I study.”
“Talaga? Bakit? Hindi ba mayaman ka naman? I mean… galing ka naman sa mayamang pamilya, di ba?”
Tumaas ang kilay niya.
I in love with you.
“Oh, come on, huwag mo ng ideny! Halata naman sa’yo. Tapos englishero ka pa.”
“I don’t know. Our parents expect us to work hard on our way up. That is what I want as well. It is not because my parents are wealthy that I should rely totally on them rather than working hard. Success requires hard work, and that is what I need to do if I want it,” aniya habang ako dito ay nakangangang pinapakinggan lamang siya. Ang sarap niyang pakinggan palagi kapag ganito ang pinag-uusapan. Parang mas lalo akong humahanga sa kanya.
“My parents' success and wealth are not something I could be proud of. Sure, I'm proud of my parents and their success in life, but that's just them. I take no credit for their hard work or success. I will only be proud of my wealth if I earn it through my own hard work.”
“Naranasan mo na bang mahalikan?” Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Tangina ang pogi niya lalo kapag nagsasalita siya.
Muling nagsalubong ang mga kilay niya. “Excuse me?” Naguguluhang tanong niya. Ngumisi ako. Ang hina naman nito.
“Wala lang. Parang ang sarap mo lang halikan.” Lord, kung hindi ko pwedeng iuwi ang lalaking ito ngayong gabi baka pwedeng patikim lang? Kahit isang halik lang.
Umigting ang panga niya at unti-unting bumaba ang mga mata niya sa labi ko. Wala sa sariling kinagat ko ang labi ko at ngumisi.
“Are you drunk?” aniya, inilapit ang mukha sa akin upang amuyin kung amoy alak na ba ako.
Bumilis ang kabog ng dibdib ko nang maglapit ang mga mukha namin. Ilang sentimetro na lang at maglalapat na ang mga labi namin. May dumi demonyo sa akin na hilahin ang kwelyo niya upang mahalikan ngunit bago ko pa man magawa ang kalandiang iniisip ay may humawak sa braso ko.
“Nandito ka lang pala. Kanina ka pa namin hinahanap. Halika na. Nanggulo nanaman si Vito. Lipat tayo sa ibang bar,” ani August. Isa sa mga tropa ko. Napamura ako. Tanginang lalaki ‘yon. Panira talaga kahit kailan. Paano kung ma-ban kami dito at hindi ko na makita ‘tong si pogi?
“Badtrip naman,” iritado kong sabi. Napabaling si August sa kasama ko at napangisi.
“Bilisan mo. Hintayin ka namin sa labas,” anito at umalis din agad.
Bumuntong hininga ako at bumaling kay Gabriel. Ayoko pang umalis. Ang laki ng pakiramdam ko na hindi ko na ulit siya makikita dito kung aalis ako o baka i-ban na kami ng tuluyan dito kaya hindi ko na siya ulit makikita.
“Is that your boyfriend?”
Kumunot ang noo ko at natawa. “Boyfriend ka d’yan. Mukha bang boyfriend ko ‘yon? Kung mag syota kami noon, tingin mo ba iiwan niya ako dito kasama ang ibang lalaki?”
Umiling siya.
“Sige nga. Kung ikaw ang boyfriend ko kunwari, papayag ka ba na may iba akong kinakausap sa bar?”
Umiling siya ulit. “No way. If I am your boyfriend, I'll be selfish. I will not let any man approach you or even talk to you.”
“Grabe naman. Possessive ka pala,” ngisi ko. Hindi ko mapigilang kiligin kahit na hindi naman niya ako girlfriend. Ewan parang cravings ko na tuloy ngayon ang maging girlfriend niya. Parang ang sarap namang maging girlfriend ng lalaking ito. “Sayang, ‘no? Hindi mo ako girlfriend,” sabi ko na tila ba nanghihinayang para sa kanya. Oo na, ako na ang makapal ang mukha.
Nahinto siya sandali na para bang pinoproseso pa ang mga sinabi ko bago siya pasimpleng ngumiti. Hindi nga lang nagtagal ang ngiti niyang iyon dahil muli siyang sumimsim sa iniinom.
“Gusto mong sumama?”
Tumaas ang kilay niya.
“May alam akong lugar. Mas masarap uminom doon lalo kung broken o may pinagdadaanan ka,” aya ko. Hindi ko alam kung bakit ko ba siya niyayaya gayong alam ko naman na hindi siya sasama.
“How about your…” nahinto siya tila nag-iisip ng itatawag kay August. “Friend?” takang tanong niya.
“Hayaan mo na iyon. Kasama niya ang iba pa naming mga kaibigan. Mabubuhay naman sila ng wala ako,” sabi ko. “Ano? Tara?”
Hindi pa siya nakakasagot ay hinila ko na ang kamay niya patayo. Ako na ang makapal ang mukha. Wala akong pakialam. Ngayon lang naman ito. Ngayon lang ako naging interesado ng ganito sa isang lalaki. Akala ko noon pare-pareho lang silang mag-isip pero mukhang nagkamali ako. Kahit hindi ko pa gaanong kilala si Gabriel, alam ko at nararamdaman kong iba siya. Hindi ko maipaliwanag pero komportable ako kapag kasama ko siya o kapag nakakausap ko siya kahit minsan lang naman iyon mangyari.
Hinila ko siya palabas ng bar habang tinitext ko ang mga kaibigan ko na huwag na akong hintayin pa dahil hindi na ako sasama sa kanila. Kapag nalaman ng mga iyon na sumama ako sa ibang lalaki, alam kong mag-aalala ang mga iyon kaya sinabi ko na lang na umuwi na ako.
“Pikit ka lang, ah,” sabi ko habang inaalalayan ko siya palabas ng elevator. “Huwag kang sumilip! Napakadaya mo!” sita ko nang mapansing dumilat siya.
Tumawa siya at agad din naman akong sinunod. Naglakad kami ng konti bago ko siya binitiwan. “Sige na. Dumilat ka na,” utos ko na agad niyang ginawa. Nagpapakita ang mga dimples niya dahil sa malawak niyang ngiti. Ang gwapo talaga ng lalaking ito lalo kapag ngumingiti ng ganito.
Ang sarap halikan kaso ang taas masyado. Nakakalula ang babagsakan ko kung sakali…
Nilibot ni Gabriel ng tingin ang paligid. Umihip ang panggabing hangin. Napayakap ako sa sarili ko nang makaramdam ng ginaw. Narito kami sa rooftop ng isang apartment complex. Kaibigan ko iyong sekyu kaya malaya akong nakakapasok dito. Madalas akong nandito sa tuwing gusto kong mapag-isa o magpahangin. Hindi ko alam pero nalilibang ako kapag nasa mataas na lugar ako at tanaw ko ang lahat. Parang pansamantala kong nakakalimutan ang mga problema ko kapag nandito ako. Nilakad lang namin ni Gabriel papunta dito dahil malapit lang naman ito sa bar.
“Where are we?” tanong niya, hindi napapawi ang ngiti.
“Nasa taas ng building?” pilosopo ko bago umakyat sa may barikada ng rooftop at naupo doon.
“Holly f**k! What the hell are you doing, woman?” nag-aalalang sambit niya at agad akong nilapitan upang alalayan.
Humalakhak ako. Natatawa sa reaksyon niya. “Huwag kang mag-alala sanay ako. Hindi ako mahuhulog dito. Baka sa’yo pwede pa,” sabi ko ngunit pabulong na lang ang mga huling salita.
“This is dangerous,” aniya, halatang iritado na.
Ngumisi ako lalo. “Bakit? Natatakot ka ba?” sabi ko, may halong panunukso.
“I’m not!” agad na sagot niya.
Tumaas ang kilay ko. “Talaga? Kung hindi ka natatakot dito ka nga,” hamon ko.
“This is insane. I’ll just go back to the bar,” aniya.
Mas lalong lumakas ang tawa ko nang talikuran niya ako. Hindi ko alam na takot pala siya sa matatas na lugar. Muli niya akong nilingon nang marinig ang tawa ko. Agad kong tinakpan ng mga palad ko ang bibig ko nang nakita ang iritado niyang ekspresyon. Pero alam kong kita pa din sa mga mata ko ang pagkatuwa. Ang cute niya lang.
“I’m not scared, alright?” depensive na sabi niya. Kinagat ko ang labi ko upang pigilang matawa.
Tinitigan niya ako ng masama bago humugot ng malalim na hininga at sumampa sa kinauupuan ko. Mangha ko siyang pinanood habang mayabang na nakatitig sa akin. Hindi ko akalain na gagawin niya. Akala ko ay aalis na nga talaga siya at babalik na sa bar dahil natatakot pero mukhang wagi ang pang-aasar ko. Ang taas talaga ng pride ng mga lalaki. Ayaw ding nagpapatalo.
“Akala ko ba babalik ka na doon? Sabi mo ‘this is insane’?” ginaya ko ang pagkakasabi niya noon.
Umiling lang siya at wala ng sinabi. Inabot ko sa kanya ang isang bote ng alak na dinala pa namin papunta dito. Tinanggap niya iyon at binuksan bago sinimulang inumin. Ginaya ko siya at sumimsim na din sa akin.
“Are you always here?” tanong niya pagkaraan ng ilang sandali. Ngumuso ako at nag-isip.
“Nitong mga nakakaraan, oo. Medyo madalas nga ako dito.”
Nilingon niya ako habang ako naman ay binaling ang tingin sa tanawin sa aming harapan.
“May I know why?”
Nilingon ko siya. Seryoso siyang nakatingin sa akin. Tila inoobserbahan ako at pilit na iniintindi. “Huwag kang maingay, ah. Hiding place ko kasi itong lugar na ito,” seryosong sabi ko. Kumunot ang noo niya tila biglang na-curious kung bakit ako may hiding place. Pinalapit ko siya na tila ba may gustong ibulong. Lumapit naman siya. Seryoso pa din ang ekspresyon. “Takas kasi ako sa bilibid,” pabulong na sabi ko at tila ba seryosong-seryoso sa sinasabi.
Agad siyang lumayo sa akin ng may dismayadong ekspresyon. Tila ba naiirita na siya dahil hindi ko siya sineseryoso. Tumawa ako ng makitang nagbabalak na siyang tumayo upang iwan na siguro ako dahil napagtanto niyang wala akong kwentang kausap. Agad ko siyang hinawakan sa braso upang pigilan.
“Okay, okay! I’m sorry. Seryoso na!” sabi ko may konting pagkatawa pa pero nang nakitang iritado na talaga siya ay nagseryoso na ako. Tumikhim ako bago nagsimulang magsalita. “Nagpupunta ako sa lugar na ito kapag gusto kong magtago sa lahat o kaya kapag sobrang bigat na ng lahat at gusto kong…” nahinto ako. Hindi alam kung magpapatuloy pa.
Nagtama ang tingin namin ni Gabriel. Ngumiti ako at nagpatuloy. “At gusto kong u-umiyak.” Bahagya pang nanginig ang boses ko sa huling salita. Sumimsim ako sa iniinom ko.
“Wala naman kasi akong kaibigan na pwede kong lapitan at iyakan. Puro lalaki iyong mga matatawag kong kaibigan ngayon. Kung iiyak ako sa harapan ng mga iyon baka tawanan lang nila ako. Hindi ako seseryosohin ng mga lokong ‘yon. Hindi din ako komportableng umiyak ng may ibang nanonood. Baka kasi maisip nila na ang panget ko pala kapag umiiyak.” Tumawa ako upang kahit papaano ay pagaanin ang atmosphere.
Bakit ba ganito kaagad ang usapan namin? Hindi pa nga kami masyadong nakakainom. Langya naman, o!
“You’re beautiful,” aniya sa kalagitnaan ng tawa ko.
Nahinto ako at ngumisi. “I know, right?” sabi ko at muling sumimsim sa alak bago muling ngumiti.
Tumitig siya sa akin ng sandali na para bang sinusubukang basahin ang nasa isip ko bago napangiti at bumaling sa tanawin sa harapan namin. Napatitig din ako sa kanya dahil sa ngiti niyang iyon. Ang gwapo! Tangna naman!