001

2186 Words
Kabanata 1 C H E S K A Patakas akong lumabas ng mansyon. Dumaan ako sa likod para walang makakita sa paglabas ko. Masyadong maraming tauhan si Alejandro at kalat ang mga ito sa buong mansyon. Buti nauto ko ang bantay sa likod na kumain muna kaya nakalabas ako ng malaya. Ganito na ang gawain ko mula nang lumipat kami ng kapatid ko dito sa mansyon. Hindi yata ako makakatulog ng walang alak. Noong nalaman ko na mas lumalala ang sakit ng bunso naming kapatid na si June ay nagpasya akong tanggapin ang alok na kasal ni Alejandro. Isa siyang mayamang politiko na matagal ng nanliligaw sa akin at nang official silang maghiwalay ng dati niyang asawa at niyaya niya akong magpakasal sa kanya. Matagal kong pinag-isipan ang sagot ko sa kanya. Ayokong magpakasal sa matandang katulad niya pero I don’t have a choice. Kailangan kong magsakripisyo para sa bunsong kapatid namin. Hindi palaging si Ate ang gagawa ng paraan para sa amin ni June. Dapat gumawa din ako ng paraan para makatulong at ito ang naisipan kong gawin. Mali, oo pero wala na akong pakialam pa kung ano ang tama sa mali. Gabi-gabi akong tumatakas para makipagkita sa mga kaibigan ko. Gumigimik kami tuwing gabi. Kung minsan nananatili lamang kami sa condo ni Vito para uminom pero mas madalas kaming nasa bar. Kung hindi lang gago si Vito at naghamon ng away sa bar na madalas naming tambayan, eh di sana nakabalik pa kami doon pero dahil inuna ng gago ang init ng ulo niya na ban tuloy kaming lima doon. Bobo, eh. Hindi marunong magkontrol ng galit. Pagdating sa kanto ay naroon na ang sasakyan ni Vito at hinihintay na ako ng apat. Agad akong pumasok sa frontseat at agad ng pinaandar ni Vito ang sasakyan. Tatawa-tawa pa ako nang makita ko ang galusan niyang mukha. Wala namang bago doon pero ang aga pa para magalusan siya. “Anong nangyari sa’yo? Di pa tayo nagsisimula may bangas ka na,” sabi ko habang humahalakhak. “Anong nangyari dito?” Tanong ko sa tatlo sa likod. Hindi ko alam kung paano sila kumasya sa likod na tatlo gayong ang lalaki ng katawan nila. Madalas kasi sa likod ako nauupo para kumasya kaming lima dito sa sasakyan ni Vito pero mukhang walang may gustong tumabi kay Vito ngayong gabi. Mukhang badtrip naman kasi. Alam ng barkada na kapag badtrip ‘tong isa lahat nadadamay kaya hanggat maaari ay iniiwasan nila itong tuksuhin pa lalo. Hindi nga lang uubra sa akin ang pagkabadtrip niya. “Ang aga mo naman nagpabugbog. Paano na ang mga babae mo n’yan kung basag ang mukha mo?” Panunukso ko pa. Himala at hindi nabubwisit ang gago sa akin. Nakilala ko silang apat sa school. Mas matatanda sila sa akin at dahil sa kanila kaya nakakapasok ako sa mga bar kahit under eighteen ako. Pinakilala sila sa akin ni Lance noong panahon na kinakamuhian ako ng halos lahat sa school. Malandi daw ako at kapit sa patalim. Kumalat kasi ang balita na pakakasal ako sa matandang iyon para sa pera. Hindi ko na lang pinansin o itinanggi pa dahil iyon naman ang totoo. Magpapakasal ako kay Alejandro para lang sa pera. Hindi ko alam kung bakit big deal sa kanilang lahat ‘yon na para bang ako lang ang tanging taong gumawa ng ganito. Mahirap ang buhay namin. Kung hindi ko gagawin ‘to, kung hindi ako magsasakripisyo ngayon at hihintayin ko pang guminhawa ang buhay namin baka huli na ang lahat at tuluyan nang mawala sa amin ang kapatid ko. Baka hindi ko na siya mailigtas pa. May tiwala ako sa sarili ko at kay ate. Alam kong balang araw ay magiging successful din kami pero alam kong matagal pa ‘yon at nahihirapan na ang kapatid ko. Hindi ko kayang maupo na lang at maghintay ng milagro. Kailangan kong kumilos para maipagamot si June. At oo, ang magpakasal sa matandang iyon ang naisip kong solusyon. Anong masama? Buhay ko naman ito. Ako ang magdedesisyon para sa sarili ko. Kung tatanongin ako kung gusto ko ba ‘to, malamang hindi pero kailangan kong gawin. Para sa kapatid ko. Wala akong hindi kayang gawin para sa pamilya ko. Kahit pa sabihin nilang lahat na p****k ako tulad ng nanay ko. Wala akong pakialam. Mapapakain ba ako ng mga opinyon nila? Hindi naman kaya bakit ko iisipin ang sasabihin nila? Mabilis kaming nakarating sa isa sa mga bar na pinupuntahan namin. Swerte, di pa kami na ban dito kahit may nakaaway na din si Vito dito. Hindi ko alam sa gago na ‘to. Mula ng makilala ko basagulero na talaga. Pero wala akong pake. Magkakaiba naman tayo. Baka sa ganoong paraan niya nakakalimutan ang mga problema niya. Tunog bullshit pero malay ko. Malay ko ba sa takbo ng isip niya. Ang alam ko lang parepareho kaming gago dito na naghahanap ng paraan para makasurvive sa mundong ‘to. “Utang na loob, Vito. Huwag kang maghamon ng gulo kung gusto mong makabalik pa tayo dito,” banta ko. Hindi siya umimik at nagtuloy-tuloy lang. Naupo kami sa usual spot namin. Kaagad na umorder ang mga kasama ko ng alak habang ako naman ay ginagala ang paningin sa buong bar, may hinahanap. Nang mamataan ko siya sa may bar counter ay agad akong nagpaalam sa mga kasama ko upang lapitan siya. As usual mag-isa nanaman siya. “Kumusta, Doc?” Panimula ko at agad naupo sa tabi niya. Nilingon niya ako at agad na ngumiti. At ito nanaman ang ngiti niyang hindi nalalaos sa akin. Bakit ang gwapo nito lalo kapag ngumingiti? Para siyang anghel na lumiliwanag kapag nakangiti. Minsan lang siya magawi dito pero kapag nagagawi ay palagi siyang mag-isa. Hindi ko alam kung anong trip niya at gusto niyang naglalasing ng mag-isa. Masarap kayang uminom ng may kasama. Hindi ko na maalala kung kailan ko eksaktong nakilala itong si Doc. Basta ang natatandaan ko lang ay iniligtas niya ako noong isang beses sa nangbabastos sa akin sa CR. Sinundan ba naman ako noong gagong bastos hanggang sa girl’s CR. Buti napadaan itong si Doc at pinaalis iyong bastos. Nagpasalamat ako sa kanya at doon na kami nagsimulang magkausap. Minsan lang siya magawi dito kaya minsan ko lang din siyang makausap pero ang sarap niyang kausap. Kapag nakakausap ko siya ay para bang may natututunan akong bago. Kaya kapag naaabutan ko siya dito nauuna talaga akong lumapit para makipagkwentuhan sa kanya. I kinda like him sa totoo lang. Pero alam ko kung hanggang saan lang dapat ako. Minsan lang kami nagkakausap pero may mga bagay na akong nalalaman sa kanya. Tulad ng trabaho niya at mga pinagkakaabalahan niya sa buhay. Hindi ko maipaliwanag pero gustong-gusto ko kapag nagkakausap kaming dalawa. “Long time no see, ah? Busy ka nitong nakaraang araw?” “Kinda,” simple niyang sagot. “Lalim ng iniisip natin, ah?” Puna ko. Bumuntong hininga siya bago nagsimulang sumagot. “It turns out that the girl I planned to propose to is actually someone else's girlfriend.” Napangiwi ako. “Ouch! Condolence, Doc.” “What?” Patakang tanong niya. Mukhang hindi nakuha ang sinabi ko. Bumuntong hininga ako. Hina naman nito. “Ibig kong sabihin nakikiramay ako sa namayapa mong pag-ibig.” Lalong kumunot ang noo niya na tila ba mas lalo lang naguluhan. Natawa ako. Englishero nga pala ito baka di sanay sa malalim na tagalog. Pero ang pogi niya malito. “Never mind.” “Do not be mistaken. I don't love her as much as you think. I simply wanted to marry her.” Now, parang ako naman ang naguluhan sa sinabi niya. Hindi niya mahal pero gusto niyang pakasalan? May lalaki bang gagawa noon? Iyong ibang lalaki nga d’yan kahit mahal naman nila ‘yong babae hindi makuhang mag propose dahil natatakot matali o ‘yong iba siguro may ibang rason. Pero itong si pogi mukhang kakaiba ang trip sa buhay. “You don’t love her, and yet you’re willing to marry her? Paano naging posible iyon? Hindi ka naman mukhang katulad ko na naghihikahos sa buhay.” “What?” May pagtataka muli sa kanyang ekspresyon. Oh, good! Hirap naman kausap ng lalaking ‘to. “Ang sabi ko paanong hindi mo siya mahal pero handa kang magpakasal sa kanya?” “Yeah, I get that. Though I'm not sure, I understand the last part of what you said,” aniya. “Ah… I just need to get married, and she was the girl I chose to marry.” Teka! Parang mas lalo lang yata akong naguluhan sa sagot niya. “Bakit siya kung hindi mo naman pala siya ganoon kamahal?” Lito kong tanong. Sino palang gusto mo, Cheska? Ikaw? “Because she’s good and smart. I’m sure my Mom will like her. I like her too actually. I just don’t believe in true love.” Ngumisi ako. Now, he’s becoming hotter than I thought. At least, he’s honest unlike other guys na kung ano-ano pang mabubulaklak na salita ang sasabihin para lang makaisa sa babae. Kulang na lang bumula na ang bibig nila sa sobrang pagmamalinis. “Same. Love… It is just all in our minds.” I commented. “Exactly!” “Pero paano naman ang babae na ‘yon kung mapamahal siya sa’yo habang kasal kayo?” “Then I’ll make her happy. I will make sure to give her everything she wants. And I’ll take good care of her. Her satisfaction will be my priority.” Tumaaa ang kilay ko. Hindi ko maintindihan. May ganoong lalaki ba? “Paano naman kung gusto niyang magkaroon ng pamilya?” “Then I will give it to her. We’ll build a big family. Like I said, I will make sure to give her everything she needs or wants. She’ll become my priority.” “Kahit hindi mo siya mahal?” “You don’t have to be in love to satisfy your woman. You just have to make an effort to make her feel special. Like what she truly deserves.” Hindi ko maiwasang mamangha habang sinasabi niya ang mga ito. Totoo ba ‘tong lalaking ‘to? “Paano kung may magustuhan kang iba. It’s easy for you to cheat on her kasi hindi mo naman siya mahal.” “I won’t cheat. I don’t believe in true love, but if I marry someone, I’ll be faithful to her.” “Paano mo nasabing magiging faithful ka sa kanya, eh, hindi mo naman siya mahal?” “If my wife happens to be in love with me, I’ll acknowledge her feelings. I will respect it and will never cheat on her. But if she only wanted me for other reasons, that’s fine. She’s free to do whatever she wants as long as we’re not harming one another.” “That’s totally bullshit! That won’t work.” “It will. Life is a choice. All you need to do is choose how to live it most conveniently. Why cheat if it will make your life complicated?” “Good point.” This guy is something… Green flag pero hindi naniniwala sa love? Hmm. Interesting. “Paano naman kung ang asawa mo ang may gustong iba? Papayag kang magkaroon siya ng affair sa iba?” Nagkibit siya ng balikat, tila hindi niya naisip ang bagay na iyon. “I will respect her feelings for someone else then.” “Huh? Okay lang sa’yo na lokohin ka niya? Are you out of your mind?” Tumawa lang siya. “Hindi mo maiintindihan,” aniya na ikinagulat ko. Nagtatagalog din pala siya pero slang nga lang. Actually ang cute ng accent niya kapag nagtatagalog. “I have a reason why I want to get married. If she agreed to marry me, that’s enough for me. I’ll give her what she wants in return,” he said seriously. “If she wants to love someone else, that’s perfectly fine. As long as she remains my wife, I will have no problem with that.” “Pasensya na kung tatanungin ko ‘to, ah? Baliw ka ba? Bakit ka papayag na may kabit ang asawa mo? Masokista ka ba?” Humalakhak siya. “I knew it. You won’t understand.” “Hindi ko talaga maiintindihan ‘yan! Bakit ka pa magpapakasal kung papayag ka lang din namang lokohin ng asawa mo? Ano, nagpakasal ka para magpaloko? Baliw ka ba?” “I told you, I have a reason why I want to get married.” “Kung ganoon bakit namimili ka pa ng papakasalan kung kailangan mo lang naman makasal?” “Because I must consider what my mother will think of the girl I will marry.” Tumango-tango ako. Kung sa bagay, kung mamimili lang din naman ako ng papakasalan. S’yempre gusto ko yong magugustuhan din mga kapatid ko. “Nacurious tuloy ako sa babae na ‘yan. Is she pretty?” “Very.” Ngumisi ako. “Mas maganda kaysa sa akin?” Natawa siya at hindi nakasagot. For sure mas maganda ako doon kaya hindi niya masagot.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD