Ilang araw kong hindi nakita si Clint. At ayoko din muna sana syang makita o makausap, kasi sa totoo lang wala din naman akong maisip na sabihin. Galit ako sa ginawa nya pero wala naman akong karapatang sumbatan sya. Sinadya man o hindi ginamit at niloko nya ako, pero niloloko ko rin sya. Wala ako sa tamang posisyon para husgahan sya o silang dalawa sa nararamdaman nya. Siguro nga pinilit nya namang mahalin ako, pero may mga bagay talagang mahirap ipilit sa sarili mo kahit gustohin mo. You can never judge a person by his or her choices in life, or by the person he choose to love. Hindi ako perpekto kaya alam ko siguro may pagkukulang din naman ako. Tsaka kahit naman siguro anong pilit ko kung iba ang gusto nya wala na akong magagawa. Its his choice to love him, so maybe.. maybe his

