Kabanata 22 Hindi ko alam kung nakakailang balik na ako kakalakad sa pasilyong ito. Napapagod na nga rin ang mata ng tatlo kakasunod sa akin. Pero wala akong magawa dahil sa bawat takbo ng oras at bawat minutong tumatagal si Zendaya sa loob ng E.R, parang pinapatay naman ako sa nerbyos. Sa bawat segundong naghihintay ako mas lalong maraming konklusyon ang tumatakbo sa utak ko. At ayoko ng ganoon. Natatakot ako. "Ash.. relax magiging maayos din ang lahat."-tapik ni Benj sa balikat ko. Paano magiging maayos ang lahat kung nasa loob sya ng E.R at hindi pa alam kung maayos sila. Nanghihina akong napaupo at napahilamos ng mukha, napasabunot ako sa buhok ko ng maalala ang nangyari. Andoon ako, ang lapit-lapit ko sa kanya pero parang wala man lang akong nagawa para sa kanya. I should kn

