Ika-anim Halos manigas ang binti ko sa haba nilakad ko. Maaga akong nagising kanina, wala akong magawa kaya nagpaalam ako kay Ashton na maglalakad-lakad. At dahil sa sobrang kati ng paa kung makarating kung saan. Ngayon hindi kuna alam kung saan na ako napadpad. At hindi ko alam na sa paglalakad ko makakarating ako ng ganito kalayo. Hindi kuna namalayan dahil sa ganda ng tanawing nakikita ko. Naupo ako sa isang bato na nakahiga malapit sa tabing dagat. Habang nakaupo ako doon ay naglumikot ang mata ko. Napatayo ako ng makakita ako ng mga surfing boards at dali-daling tumakbo. Sa pag-aakalang may tao doon. Ngunit mga lumang boards lang pala 'yun na naiwan doon. Napatingin ako sa paligid. Mukhang matagal ng inabandona ang lugar na iyon. Sayang kasi parang maganda pa naman itong parte

