IKA-LIMA
Maaga akong nagising dahil sa ingay na naririnig ko. Akala ko may iba na kaming kasama ni Ashton pero sya lang pala iyon. Nagpopokpok sya ng mga kahoy. Meron na syang mga posteng naitayo pero wala akong ideya kung para saan 'yun.
Eto ang ikalawang araw namin dito. Medyo nakakalakad na ako ng maayos. Hindi lang masyadong pwersado at hindi ganoon kabilis. Pero malaking tulong ang mga dahong nilalagay ni Ashton.
"Oh gising kana pala! Gutom kana ba? Naghanda ako ng pagkain natin."-bungad nya habang papalapit ako. Agad nyang inilapag ang mga kahoy na hawak nya at inalalayan ako.
"Ayos lang. Kaya ko naman na. Salamat sayo."-saad ko ng paupoin nya ako sa nakatumbang sanga. "Pano mo pala nalalaman kung umaga pa at kung tanghali na?"-takang tanong ko.
Kasi parang updated sya sa oras kahit wala naman kami noon dito.
Ang galing nya nga e..
Napalingon ako sa tinuro nya. "Ayon ang compass ko. Yun din ang nagsisilbing orasan ko."-napapiling ako ng ulo ng hindi ko magets ang sinasabi nya.
Kasi paano naging orasan ang mga batong sinasabi nya. Sya na ang boyscout. Hindi ko nalang sinabing hindi ko naintindihan basta tumango nalang ako.
Talagang namamangha ako sa kanya. Halos nagagamit namin ang lahat ng bagay na nakikita o nakapaligid sa amin dito sa isla. Sobrang sanay na sanay talaga sya sa mga ganitong bagay.
"Heto kain kana.. Masarap yan."-abot nya sakin ng dahon ng saging na may isda. "Nahuli ko yan doon sa bandang gilid ng isla. Eto oh tikman mo."-gulat akong napanganga ng subuan nya ako ng isda.
"Masarap diba?"-sunod-sunod tuloy akong napatango sa tanong nya. "Kain ka pa. Marami akong huli nyan mamaya sasabawan ko naman para maiba may nakita akong sampalok sa gubat."-patuloy nya pa.
Hindi ko nalang pinansin yung ginawa nya kasi parang wala namang malisya sa kanya.
Kaso ako naman ang hindi komportable. Sa sobrang ilang ko sa kanya gusto ko naman matapos kumain.
Kaya sunod-sunod ang subo ko at muntik na akong mabulonan. Pero maagap syang abutan ako ng tubig. Pero dahil bulag nga ako hindi ko napansin ang tinik na nakain ko.
"Eto oh kainin mo. Dahan-dahan kasi. Ayos ka lang ba? May masakit ba sayo?"-nagaalala nyang tanong sakin. Iling lang ang tanging naisagot ko dahil masakit parin ang lalamunan ko.
Napaurong ako ng maramdaman kung kanina nya pa pala hinahagod ang likod ko. At halos yakapin nya na ako. Wala pa naman akong bra kasi nilabhan ko. Sabagay wala din namang makikita dito. Pinagkaitan ng lahat e...
"Sorry.. Masyado ko ng naiinvade ang personal space mo. Anyway maiwan muna kita. Tataposin ko lang yung kubo para matulogan mo. Magpahinga ka muna dyan."-hindi kuna na nagawang sumagot pa dahil tuloy-tuloy na syang naglakad palayo.
Hindi ko maiwasang pagmasdan sya sa malayo kahit naniningkit na ang mata ko kakatingin sa kanya. He really knows what his doing. Hindi sya yung tipong nanghuhula lang. He knows how to make ways on all the things he do. Napayuko ako ng bigla syang lumingon. Nakakahiya man im starting to admire him as a person.
Kung hindi mo alam kung anong buhay ang meron sya gaya ng kwento nya. Aakalain mong isa lang syang pangkaraniwang tao. At normal lang ang ginagawa nya ngayon. But he is not and the fact that he knows how to protect and take care of someone in the middle of nowhere really amazed me.
"Baka naman matunaw ako nyan..."-gulat akong nag-iba ng tingin. Feeling ko namumula na ako dahil sa hiya.
Nakapalapit na pala sya sakin ng hindi ko namamalayan. Masyado yata akong nahipnotismo at natutulala na ako.
"Oi grabi ka ah! May iniisip lang ako. Mapanghusga 'to."-pero tumawa lang sya sa isinagot ko. Tinap nya ang ulo ko at ginulo ang buhok ko.
"Woi hindi na nga ako makapagsuklay gugulohin pa."
"You're really so cute."
"Maganda ako hindi cute. Pang-aso lang yun."-irap ko dito at nagmartsa papuntang dagat para maghugas ng kamay.
Tibay ko diba nagawa ko pang magwalk-out kahit hirap maglakad. Hindi ko alam na nakasunod sya sakin. At heto ginugulo na naman ako.
"Ano ba Ashton? Tigilan mo nga yan nababasa ako."-sita ko ng wisikan nya ako ng tubig.
"That's supposed to be the reason why sea exist."
"Ewan ko sayo. Tabi na nga dyan."
"You wanted to take a walk."
Napataas ang kilay ko sa tanong nya.
"Ano tayo nasa mall? Baliw 'to."
Hindi nya na ako sinagot at hinila nalang ang kamay ko. Sasabihin ko sanang basa ang kamay ko. Pero bago ko pa yun gawin pinupunasan nya na ito ng damit nya.
"Let's go. Tapos narin naman ako sa kubo mo. We should really enjoy every moment that were here. Sa buhay na meron ako this is once in a lifetime. I mean were so busy to enjoy life and choose the life we want."- tahimik lang ako nakikinig sa kinukwento nya habang nakatingin sa kamay naming magkahawak.
Ayaw ko naman pero habang ginagawa nya ang lahat ng ito ngayon. Nag-iiba ang nararamdaman ko. Masyadong bago ang lahat ng ito sa akin. Maybe because Clint and I were not like this. He's not a very sweet person. Kaya ngayong ginagawa ni Ashton 'to sakin kahit simpleng bagay lang natutuwa ang puso ko. Kahit alam kung hindi dapat pero nagiging komportable ako.
Hindi ko alam pero wala akong nararamdamang pagkailang habang hawak nya ako. His touch really comforts me. At ngayon habang nakikinig ako sa kanya mas lalo ko syang nakikilala. Sa daming kwento nya wala na akong masyadong naiintindihan. Basta ang alam ko nagiging komportable sa bawat oras na kasama ko sya. Parang hindi na nga sumasagi sa isip ko na natrap kami sa isang isla. At may mga tao akong naiwang nag-aalala sa Manila.
••••••
ASHTON
"Ash honey... Nangako ka na lalabas na tayo this time. How could you ditched me again?"-nagmamaktol na reklamo ni Colleen.
Tinatawagan nya ako simula pa kanina kaya pinatay ko ang phone ko. Kaso halos masira naman yung landline ko dito sa opisina kakatawag nya.
"Sorry Colleen sobrang busy lang talaga ako. One of this days dadalawin nalang kita."
"Im not sick para dalawin mo gago."-bulyaw nya bago ako babaan ng telepono.
Napakamot nalang ako sa ulo ko. Dahil sa totoo lang nauubosan na ako ng dahilan para iwasan sya.
"Minsan kasi magsabi kana ng totoo. Hindi yung ganyan pinapaasa mo yung babae. Buti kung ang gwapo mo."-seryosong sabat ni Fin.
Binato ko lang sya ng basura kung papel. Kanina pa kasi sya nakatambay dito sa opisina ko. Ayaw nya daw sa opisina nya kasi andun yung lolo nyang gusto syang itapon sa liblib na lugar.
Dito sya tumatambay kasi malapit lang sa opisina nya ang building ko. Kaso ako naman ang binubwesit nya kapag nandito sya.
"Tigilan mo ako. Intindihin mo yung Lolo mo. Kung pinagbibigyan mo, edi sana tinigilan kana nya."
"Hindi na noh! Ano araw-araw akong amoy pawis at mukhang construction worker dun? Sayang yung punla ko kung mabuburo lang ako noh!"-mayabang nyang sagot habang kumakain ng apple.
Nakataas pa ang paa. Akala mo naman opisina nya 'to.
"Sir dumating na po yung event planner na kinuha ng Mommy nyo. Papasukin ko naba?"-silid ni Trixie.
"Doon mo nalang sila dalhin sa conference room Trixie. Para walang istorbo."-meron kasi akong conference room na para lang sa mga importanteng taong kausap ko.
"Lumayas kana kasi may kameeting ako."
"Oi sasama ako. Baka maganda yung kameeting mo."-bigla nyang tayo.
Agad kung inayos ang mga papers or design na nagustohan ni Mommy. Baka maganda daw icollab dun sa organizer. Lahat nalang ako ang nagaasikaso. Samantalang silang mag-asawa walang ginawa kundi ang magbakasyon. Sabi ko nga baka isang araw magkaroon pa ako ng kapatid. Pero imbes na maoffend, parang natuwa pa ata sila sakin.
Hindi ko pa nakikita ang portfolio ng organizer. Pero sabi naman ni Mommy recommend by her friends kaya for sure magaling yun.
Nakasunod lang sa akin si Fin habang bitbit padin yung apple na kinakain nya.
Minsan napapahinto kami pag may mga empleyadong bumabati sa amin. Isa rin naman kasi sya stock holder ko sa ibang negosyo ko. Eto kasi negosyo ng pamilya. Meron akong negosyo na dugo't pawis ko ang puhunan ko.
"Tigilan muna yan. Nakakahiya dun sa kameeting ko."-sita ko pero umiling lang tsaka at tinalikuran na naman ako.
"Pag maganda yung kameeting mo. Akin na ah! Ikakasal kana wag kang epal— aray ah!"
"Gago. Mukha kang callboy."-puro asaran at kulitan lang kami habang papunta sa conference room.
Basta ang gusto ko lang ngayon ay matapos na 'to. Kasi may gusto pa akong dalawin bago matapos ang araw na'to. Matagal ko syang pinahanap pero siguro ayaw ng tadhana na magtagpo kami. Pero ngayon ako na mismo ang gagawa nun. I'll make my own happiness.
•••••
AYA
"Ano ba Kleng? Sabi mo dalawa tayo tapos ngayon pasarap ka dyan sa bisig ni Santi?"-bulyaw ko dito.
Kanina ko pa sya tinatawagan dahil may appointment kami sa bagong client namin. Kaso an gaga kakagising lang daw nya kasi napuyat sila ng jowa nya. Malandi talaga...
"Aya alam mo namang ngayon lang kami nagkita ulit kaya bumabawi. Palibhasa tigang na yang keps mo kaya mainitin ulo mo."
"Shhh... Ang balahura ng bunganga mo. Wala pang nangyayari samin ni Clint noh!"-inayos ko pa ang salamin ko at lumingon-lingon pa ako sa paligid baka may nakakarinig. Pero mukha ako lang naman ang nandito sa hallway.
Pero hindi naman ako tigang noh! Biglang uminit ang paligid ng maalala ko ang nangyari samin ni Ashton. Hindi ko kinuwento yun kay Kleng baka paulanan ako ng tanong. At baka yun pa ang pamblackmail nya sakin.
Ano alangan namang sabihin kung "Kleng may kumain na ng keme ko." Nakakaloka yun diba.
"Nakakainis ka talaga. Lagi mo nalang akong iniiwan."-maktol ko dito. Pero tumawa lang sya sa kabilang linya.
"Wag kang mag-alala bes. Makokyutan naman siguro sila sayo. Pea size ka man malaki naman ang imahinasyon mo."
"Nakakainis ka talaga..."-bulyaw ko dito ng babaan nya na ako ng telepono.
Pumasok nalang ako sa kwarto na pagmimeetingan namin. Inayos ko yung mga papers na kailangan kung ipresent sa kanya. Actually nakausap naman na namin si Mrs. Bustarde at for finality nalang sa designs ngayon.
Busy daw kasi sya so she calls us here...
Napabaling ako sa pinto ng bumukas yun at pumasok ang dalawang lalaki.
"You know what bud give it a shot. Malay mo kayo talaga."-dinig kung sabi nung isang lalaking nakasemi formal na damit. Nakatali pa ang buhok nyang undercut.
"Namo... Bastos yang bunganga mo. Magtoothbrush ka ng maigi ah! Ang baho ng lumalabas e..."
Nagulat pa ako kasi hindi naman sila ang kameeting ko. Mali ata ng napasukang conference room. Hindi nila ako makita kasi natatakpan ng cabinet ang pwesto ko.
"Oi malinis yung bunganga ko ikaw ang hindi kasi nagpapantasya ka ng ibang ba—"
Hindi nila natapos pa ang pag-uusapan nila dahil tumayo at sumingit na ako sa usapan nila.
"Excuse lang po. Mali po ata kayo ng pinasukang kwarto. Kameeting ko po kasi si Mrs. Bustarde dito."-saad ko pa ng bigla akong tumayo kaso na sumabit yung palda ko sa may upoan at inayos ko pa.
"Ba—Zendaya?"-parang nanigas ang katawan ko ng marinig ko ang pangalan ko. Sa maikling panahon nakabisado kuna ang boses nya. Kaya alam kung sya yun.
"Oh the baby..."-dinig kung kumento nung kasama nya. Kaya mas lalo akong nailang.
"Ikaw nga. Are you the planner my mom talking about?"-agad nyang lapit sakin.
Muntik pa akong matumba ng bigla nyang hawakan ang kamay ko at umatras ako.
"Wag mong takutin Ton. Hi there i'm Finnegan. But you can call me Fin. Nagkita na tayo sa mall."-pakilala ng kasama ni Ashton sabay lahat ng kamay sakin.
Aabutin ko sana ang kamay nya. Pero mas nauna ng hawakan ni Ashton yun at ibinaba.
"Nice meeting you Fin. I'm Zendaya. Aya for short."-nakangiting bati ko nalang dito. Dahil hawak parin ni Ashton ang kamay nya.
"Wait for a while ba— Zendaya. Kakausapin ko lang si Fin."-tumango lang ako at naupo ulit doon.
Lumayo sila ng bahagya malapit sa pinto. Hindi ko alam kung anong pinag-uusapan nila. Pero parang nagtatalo sila, pero parang nag-aasarin din.
Napatayo pa ako ng suntokin ni Ashton ang balikat ni Fin. Napabaling sila sa akin lalapit sana ako pero nagpeace sign lang si Fin. Sign siguro na ayos lang sya.
Maya-maya nakita ko nalang na binuksan ni Ashton ang pinto at tinulak palabas si Fin. Napailing nalang ako ng nakangisi syang bumalik sa pwesto ko.
Napakunot ang noo ko ng walang patid ang pagngiti nya tapos iiling.
Inayos ko pa ang suot kung longsleeve kasi baka mamaya may nakikita syang diko nakikita. Mga ngiti kasi ngiting tagumpay e..
"Aray naman ba—Zendaya ah! Inaano kita?"
Napairap ako ng ngumiti na naman sya kahit binato ko na. "Nagdadrugs kaba? O baliw ka lang talaga?"
"Mapanghusga ka sakin ah! I'm a clean and a good citizen."-reklamo nya pero nakangiti na naman.
"Ano ba? Dadagukan na kita."
"Ano bang ginawa ko?"
"Ngiti ka ng ngiti wala namang nakakatawa. Tigilan mo nga yan parang baliw."
Pero walang namgyari tumatawa parin sya. Nasobrahan ata 'tung lalaking 'to ng marating langit e... Masyadong masaya. Badtrip lang!
"Wala namang masamang ngumiti e. Sa masaya ako kaya diko mapigilan. Bawal bay un?"
"Oo bawal lalo na mukha ka ng tanga."
"Masaya lang naman akong makita ka. Buti nalang talaga wala si Mommy."-pabulong-bulong pa sya pero naririnig ko naman. "Trixie cancel all my appointments for today. Yes please, that would be good. Okay thank you!"
Ladies and gentleman nakangiti na naman po sya. Konti nalang lalagyan kuna ng plaster yung labi nito e...
"I miss you..."
Nagbaba ako ng tingin at inabala ang sarili sam ga papeles na hawak ko. Ayokong psg-usapan ang nangyari at kung anong mga nangyari. Ikakasal na kaming pareho. At walang big deal sa aming dalawa.
Yun sana ang lagi kung tinatatak sa utak ko. Kaso tuwing nandyan na sya natutunaw ang paninindigan ko. Kaya ayokong napapalapit sa kanya. Ayokong magkaroon kami ng connection o magkrus ang landas namin. Masyado lang talaga persistent si Lord pinipilit ang hindi dapat.
Napahigpit ang hawak ko sa papel ng magumpisa syang magsalita.
"Aya... Seryoso ako sa sinabi ko sayo sa simbahan. Kahit iwasan mo ako gagawa padin—"
"Ito yung mga design na pinakita namin sa Mommy mo. Check mo nalang kung alin dyan yung magugustohan mo din."-putol ko sa iba nya pang sasabihin.
Kinuha nya ang mga papel at tinuro lang ang gusto nya. Hindi na sya muling nagsalita. Kahit pinaliwanag kuna sa kanya ang mga designs ang policy namin para sa party ng Mommy nya. Wala syang reaction kundi tahimik na nakikinig.
"Thus it really hard for you to talk to me? To tell me how you feel? God Zendaya ever since I left you in that f*****g island hindi kana nawala sa isip ko. Can't you f*****g face it that we connect? We have something..."-frustrated nyang saad ng pigilan nya akong tumayo.
Nagpaalam na kasi ako after kung maexplain lahat. Masyado akong nasasakal ng kwartong ito na kasama ko sya. Parang sobrang liit ng kwarto. Pati yung hangin na nalalanghap ko numinipis na at nahihirapan na akong mag-isip at huminga.
"We don't have something. Ilusyon mo lang yan. Tsaka ano tayo kuryente para magkaroon ng connection. All that you think that we have is a imagination. What we have is a total stranger who came across in each others path and pass."-inis kung sagot sa kanya.
Masyado nyang pinapahirapan ang sitwasyon namin.
"No.. Ikaw. Ikaw lang nag-iisip nun. But for me—"
"I'm just a stranger Ton. Natuwa ka lang dahil bago ako sa paningin mo. I'm just a passerby. Natuwa ka lang kasi hindi ako pangkaraniwan. Hindi ako gaya ng iba. Ton nakikita mo ako? Maliit, hindi kagandahan, losyang manamit. Compare me to your fiancee. Im too different from her, compare to her i'm nothing so please... Think about all your actions."
"Faces, money, fame, or even fashioned were not my standards to love someone. Your too good to be like her. Why can't you sees it i'm in love with you..."
Naiiyak akong napapailing sa lahat ng sinabi nya. Sa mga salitang binitawan nya natutuwa ang puso ko. Natutuwa sila kahit hindi dapat. Na minsan sa buhay ko merong pinahalagahan ako dahil gusto nya hindi dahil kailangan.
Magsasalita pa sana ako pero tumunog na yung phone ko. Hindi ko sana sasagutin yun pero parang sinampal sakin ang katotohanan. Ikakasal na nga pala ako...
I'm getting married...
Nilingon ko sya bago sagutin ang tawag. Malungkot na tingin ang binigay nya sakin. Hindi ko alam kung dahil nasaktan ko sya o nasasaktan ko lang nag ego nya.
"I'm sorry..."-saad ko bago naglakad palabas ng kwartong iyon at sinagot ang tawag ni Clint.
"Hey sweetheart.. Miss me?"-bungad nya sakin ng sagutin ko ang tawag nya.
Mapait akong napangiti. This is my reality. Hindi dapat ako nangangarap ng gising. 'Coz in reality you can't have what you want.
Nabangga pa ako ng isang babae. Nagmamadali sya papunta sa opisina ni Ashton. Siguro isa sa mga kliyente nya.
"Trixie where's Ashton. Siguro naman tapos na sya i'm here to pick him up. We have a date."
"May kameeting lang si Sir Ash, Miss Colleen. Mas lalo kayong gumanda ngayon ah!"
Napalingon ako doon sa babaeng nagsalita. Maganda, matangkad, maputi at mukhang sosyal. Mapait akong napangiti bago sya lagpasan. This is my reality and it slaps so f*****g painful.
Masakit... Iyong lang ang nararamdaman ko ng mga oras na yun. Gusto kung sampalin ang sarili ko na hindi ko pwedeng maramdaman yun. Dahil hindi dapat. Pero talagang masakit sya...
It's painful... And now I know why everybody hates pain. 'Coz its really painful but you just have to endure.
"Yeah.. I miss you."-kasabay noon ang pagbagsak ng mga luha ko.