Kabanata 4
Nagising akong masakit ang katawan at nilalamig.Ang huli kung naalala ay sumabog ang barkong sinasakyan namin. Kinusot ko pa ang mata ko dahil sobrang labo ng nakikita ko. Sabagay ang galing naman kung nandito parin ang salamin ko pagkatapos ng pagsabog. Napatingin ako sa kinahihigaan ko hindi iyon kama kundi mga dahon ng saging. Nasa loob ako ng isang bahay-bahay na gawa sa dahon ng niyog at mga dahon ng saging. Magaling ang may gawa noon dahil maayos ito at hindi mukhang madaling masira. Nang akmang tatayo ako ay bumagsak ulit ako. Napaigik ako ng sumakit ang binti ko. May malaking sugat pala doon na may dahong nakatapal.
"Gising kana pala. Wag kang masyadong kumilos dahil namamaga pa ang sugat mo."-napangiwi ako sa sinabi ng lalaking sumilip doon. Huli na ang paalala nya nagawa kuna napakurap-kurap pa ako para tingnan sya ng maigi.
"Salamat. Ikaw ba ang gumamot sa akin? Tayo lang ang nakaligtas? Ilang araw na tayo dito? Gaano na ba ako katagal na tulog? Ikaw ba ang gumawa nito?"-nakapakagat labi ako ng makita ko syang napapayukong kumamot sa ulo. Alam ko na masyado na naman akong madaldal. Nasobrahan na pala ako sa tanong ko hindi kuna naman namalayan. "Sorry ang daldal kuna pala.."
"Ayos lang. Magandang sign nga yun na medyo ayos kana. Isang araw ka palang namang tulog. At tayong dalawa lang ang napadpad sa islang ito. Halika kakain na, nakaluto na ako. Kaya mo bang tumayo?"
Napatango lang ako sa kanya. Inalalayan nya ako palapit doon sap uno di kalayuan sa ginawa nyang kubo. Meron din doon kahoy na syang pinaupoan nya para daw hindi ako mahirapan kumilos.
Habang nakamasid sa kanya at sam ga ginawa nya doon. Nakakabilib sya base sa sinabi nyang isang araw palang kami dito ay ganito na kaagad kaorganisado. Nakakamangha lang na meron pa rin palang mga taong nabubuhay kahit wala sa sibilisasyon.
"Hindi ba masarap?-napakunot noo ako sa tanong nya pero ng makuha ko ang tinatanong nya napailing ako.
"Masarap.. Aarte paba ako? Baka mamatay ako dito sa sobrang gutom. Salamat."
"Ayos lang. You should eat to help you regain your strength."-tumango nalang ako bilang tugon. "Dahan-dahan."
Muntik pa akong mapaso ng bigla kung hawakan yung isda. Malay ko ba naman na mainit pa pala yun. Nakakaloka nagmukha tuloy akong patay gutom. Infairness makakain naman pala sya. Nakakaamaze talaga ang lalaking ito.
"Why?"-napakurap-kurap ako. Gusto ko sananf sabihin na ang gwapo nya pero wag nalang nakakahiya. Diko namalayang napatitig na pala ako sa kanya. Bigla tuloy akong nailang kasi naman ang gwapo nya pala.
"Saan ka natuto ng mga ganito? I mean you don't look like you can make fire in the middle of the island."-napangiti sya sa sinabi ko.
Totoo naman wala sa itsura nya na kaya nyang mabuhay sa gitna ng isla.
Ang kinis ng balat nya yung ilong nya sobrang tangos kahit yung kilay nya konti nalang magdidikit na. Kahit mukha syang hindi nagaahit ang aliwalas nyang tingnan. Pero bagay din naman sa gupit nyang sleek undercut.
"Thanks.. Yung Lolo ko kasi mahilig yun magcamping noon sa mga isla. Kaya marami din akong natutonan sa kanya."
"Pati yung pag gamot sa sugat ko?"
"Kinda.. Lolo teach me how to do a first aid using what's just around me. And I guess it helps a lot, now that we're stuck here."
Hindi kuna namalayang naubos kuna ang kinakain ko habang nagkukwentohan kaming dalawa. Maya-maya hinatid nya ako doon sa kubo bago nagpaalam para kumuha ng mga kahoy. Nakakatawa na ang tagal naming nagkuwentohan kanina pero nakalimutan ko pang itanong ang pangalan nya.
Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako. Nang magising ako ulit maliwanag na. Nang subukan kung bumangon parang may mga kahoy na nakapatong sa ibabaw ko.
"Aray.. Ano ba? An aga-aga pa."-sigaw nung lalaking nakapulupot sa akin na akala ata suman ako.
"Bwesit ka! Anong ginawa mo sakin? Sinamantala mo ang kahinaan ko. Napakasama mo akala ko pa naman mabait ka."-naiiyak ko syang pinaghahampas ng dahon ng saging na nahawakan ko.
"Ang oa mo ah! Nilalagnat ka po kagabi and you keep on calling your mom. We don't have blanket since human can bring warm I hug you. Napakajudgemental nito maliit kana nga mapanghusga ka pa."-dinig kung bulong nya.
"Hindi ako judgemental noh!"
"E ano? Mapanghusga lang. Inaapoy ka ng lagnat ka kaninang madaling araw. Alangan namang tingnan lang kita habang nanginginig dyan. Mamaya may mangyari sayo kargo de konsensya ko pa."
Malay ko ba naman. Syempre babae ako ano pa bang iisipin ko. Nirireserve ko kaya yung sarili ko para kay Clint. Malapit na kasi akong ikasal kaya nga nagbabakasyon ako ng bongga bago matali. Diyos ko ang hawak nga nun hanggang kamay lang. Tapos sya hindi ko pa nga kilala may pag yakap na.
"Hoy... Ano.. Hoy lalaki ang bilis mo naman maglakad."-bato ko sa kanya ng kahoy nang sundan ko sya kahit iika-ika ang lakad ko.
"Maka-hoy 'to wagas. May pangalan ako hindi ako hoy."
"Malay ko ba sa pangalan mo. May pagyakap kana nga hindi ko pa nga alam yung pangalan mo."
"So pagsinabi ko yung pangalan ko. Pwede na akong yumakap ulit sayo..."-tanong nyang humarap sya sakin at pinagkrus ang dalawang kamay sa dibdib.
Nanlaki pa ang mata ko sa sinabi nya. Di rin talaga malandi ito e.
"Hoy hindi ganon yun noh! Pero ano kasi... gusto ko lang magpasalamat sayo."
"Bakit ka naman nagpapasalamat?"
"Coz you're helping me survive in this island. For taking care of me."
"Sus.. Wala yun. It's the least I can do, to help. Tsaka tayong dalawa lang dito sa isla sino paba tutulong sa atin diba."-sagot nya sabay ngiti. E parang nasilaw ako. Daig pa endorser ng close-up si Koya.
Pero totoo naman yung sinabi nya.
Kami nga lang talaga ang nandito. Gaya ng kwento nya kahapon nagikot na daw sya sa isla dahil baka may ibang survivor pa. Pero wala tanging mga puno at kweba lang ang nakita nya.
"Ashton.. Miss Maliit."-lahat nya ng kamay nya. Ilang beses pa akong napakurap ng marealize kung para saan yun. "Zendaya. Close-up guy."-natatawang pakilala ko din dito.
Nakakatawa kasi two days na namin ngayon dito pero ngayon palang kami nagpapakilala sa isa't-isa.
Samantalang nagyakapan. At nagsigawan na kami hindi parin pala kami magkakilala. Maybe sometimes strangers are more easy to deal with than your feelings. Chozz
•••
"Aya bakit ba lagi kang tulala? Kahapon kapa konti nalang masasapok na kita."
"Grabi ka sakin Kleng ah! May iniisip lang ako kaya ganon. Maglaba kana nga doon."-taboy ko sa kanya na masama ang tingin sa akin. Muntik ko na naman kasi masunog tung niluluto ko.
Kahapon kasi kulang nalang banggain ko yung mga pader na nakakasalubong ko sa pagtulaley.
Nang makaalis sya napabuntong hininga nalang ako. Sino ba namang hindi matutulala dun sa pinag-gagawa ko. Daig ko pa makating higad na kung saan-saan nalang nagpapakamot e.
Saktong tumunog ang phone ko ng makabalik ako sa kwarto. Tapos na kasi ako magluto. Maliligo muna ako bago kami kumain ni Kleng. Kanya-kanya kasi kaming toka every weekend. Walang excuse yun except pag kailangan lang talaga.
"Hey sweetheart. I miss you.."-yun ang bungad sa akin ni Clint ng sagutin ko ang tawag nya.
Hindi ko alam kung ngingiti ako o ano. Pero isa lang ang nararamdaman ko kinakain ako ng konsensya ko. Ngayon kaharap ko sya hindi man literal pero nakokonsensya ako. Hindi nya deserve ang ginawa ko. He really are a hardworker close to being a workaholic. Kaya alam kung hindi nya deserve 'to.
"I miss you too.. How's your day?"
"Nakakapagod. Stress but im happy now that i've see you."-sagot nya na palingon-lingon sa akin. Nasa harap kasi sya ng laptop nya mukhang busy. He never runs out of things to do. Minsan naiisip ko kung ano bang trabaho nya kasi kulang nalang 24/7 syang may ginagawa.
"You should rest. Magpahinga ka din wala ako dyan para alagaan ka. Tingnan mo nga kausap muna ako pero busy ka padin."
"Oh.. My wife is making lambing. Para 'to sa future natin sweetheart. Don't worry makakauwi ako dyan bago ang kasal natin—"-may sasabihin pa sana sya pero may tumawag kaya tumayo sya para lumayo.
Inantay ko naman syang bumalik pero 30mins na syang tumayo wala pa din. Tanggap ko naman kahit noon pa im only his second priority. Minsan pa nga third na kasi second pa din ang pamilya nya. At first priority ang trabaho nya.
Noong una hindi naman sya ganito. But eversince na napromote sya. Naging sobrang obsession nya na ang magexcel sa lahat. Minsan ang pera talaga nakakapagpabago ng isang tao. Pero sana lang isang araw hindi sya kainin ng mga pangarap nya at maging ibang tao.
"Anyare bat haba ng nguso mo?"-napalingon ako kay Kleng na kakapasok lang sa kusina inayos ko pa ang salamin ko para makita kung sino ang kasunod nya. Nakabuntot sa kanya si Santi yung boyfriend nya. "Hi Aya.."-tumango lang ako dito bilang tugon.
"Wala.."-kasunod ang isang buntong-hinga. Kaya nilapitan lang nya ako at kinulit. Hindi ko naman kailangang idetalye ang lahat kay Kleng. She's my bestfriend so alam nya lahat ng tungkol sa amin ni Clint.
"Si Clint?"-nagkibit balikat lang ako sa tugon nya. "Anu busy na naman? Hindi kana naman nabigyan ng oras. Ano pa bang bago dyan sa jowa mo? Dapat nga yung trabaho nya ang inalok nya ng kasal kasi yun mas mukhang kilala nya pa. Sinabi ko na sayo magpasexy ka ng maulol sayo yang jowa mo."-sermon nya na naman. Napakamot nalang ako sam ga sinabi nya.
Pag ganito kasi mas madalas sya ang galit at mas affected.
Hindi ko naman sya masisi. Akon ga gusto kung magalit din. Pero uunahan nya lang ako ng para sa future namin. So instead of arguing tatahimik nalang ako. Mas mukhang alam nya naman ang ginagawa nya kesa sa akin.
"Workaholic na sya before ko pa sya makilala."
"Sus. Pinagtanggol mo pa. Sabihin mo hindi ka talaga nya priority."-inirapan nya lang ako.
Napanguso nalang ako. Ayoko ng sumagot pa kasi ending babalik din sa akin. Kaya wag nalang.
"Hayaan muna yan.. Kain kana."-bulong ni Santi ng maghain sya. Pag nandito kasi sya para kaming baby ni Kleng.
"Respeto sa walang jowang kasama oh..."-imbes na tumigil inirapan lang nila ako. At mas lalong naglandian.
Binilisan ko nalang kumain kasi naririndi ang tenga ko at nanakit ang mata ko. Paano naman kasi walang tigil sa kakalampungan.
"Oh san ka na pupunta?"-tanong ni Santi ng tumayo na ako. Sinamaan ko sila ng tingin bago sumagot.
"Nakakabwesit kayong tingnan."
"Hayaan muna sya.. Ganyan talaga pag kinakain ka ng inggit."-singit ni Kleng. Sa sobrang inis ko binato ko sa kanya yung placemat. At dumiretso sa kwarto ko pero bago ako makalabas ng kusina naririnig ko pa ang tawanan nilang dalawa.
Supportive kasi talaga syang kaibigan. Kaso pag nagsalita ako nalang ang iiwas kasi tatamaan talaga ako.
•••
"Honey ano ba hindi ka parin ba tapos dyan? Lagi ka nalang busy kanina pa ako dito. Sabi mo babawi ka what happen?"-dinig kung reklamo na naman ni Colleen.
Kanina pa sya dito sa opisina ko. Kahit pinapauwi ko na dahil busy ako today she insist. And now the whole time she's here hindi rin sya tumigil kakareklamo.
Colleen is my fiancee. Marriage for convenience. That's what we have. Mayaman ang pamilya namin pareho at kapa kinasal kami mas lalong lalawig ang parehong connection ng pamilya.
"Bud konti pang reklamo dyan sa babae mo ipapasak ko na 'tung hawak kung papeles. Walang tigil ang bibig e.."-sabad ni Dustin.
"Girls are really noisy within the bed or not."-kibit balikat pang kumento ni Fin.
"Woi, wag kayong ganyan yung Freya ko hindi ganyan."-singit din ni Benj habang nilalantakan ang dala nyang Cheesecake.
"Bilisan nyo na kasi magdecide. Nababasag na yung tenga ko kakareklamo ni Colleen pero di parin kayo tapos. Business ang ipinunta nyo dito hindi ang tumambay."-asik ko sa kanil pero nagkibit-balikat lang ang mga ito na parang walang narinig.
Their my best friend since high school. Frat buddie, drinking buddies and my partner in crime. Anything with partner name it that's them. Ngayon nga business partner ko na naman sila sa bagong negosyo pero puro kalokohan lang ang naiisip nila.
"Ayan na tumayo na.."-napalingon ako sa tinuro ni Benj. Papalapit na nga sa lamesa namin si Colleen.
Nagtawanan pa ang mga kaibigan kung baliw ng makita nilang nakasimangot na si Colleen. Konti nalang ata mananapak na 'tong babaeng 'to.
"Kung ayaw mong lumabas ako nalang. Maghahanap ako ng ibang isasama."-maktol nito ng tumapat sya sa'kin.
"Go ahead Colleen. You know i'm quite busy kasi malapit na yung opening ng next branch."-inirapan lang nya ako at mas lalo pa atang nagalit. Sinabi kuna na nga sa kanya sya naman ang may gustong mag-antay tapos magagalit. Di rin 'to isang libong matino.
"Arrggghh.. Nakakainis ka talaga simula ng matrap k asa isla you started getting cold again. I hate you.."-napapailing na lang akong napasunod ng tingin sa kanya.
Siguro nga nagbago na ako simula ng araw na yun. I can't help she's too cute to resist. Hindi ko alam pero may parte sa sarili ko na nabuhay at hinahanap-hanap sya. Naalala kuna naman yung sa kasal. I never expected her to be in that wedding.
"Hoy magtrabaho hindi managinip ng gising.. Parang baliw 'to oh!"-bato sakin ni Fin ng papel.
"Ano na naman? Kayo nga ang tagal nyo dyan ayun lalo tuloy na badtrip sakin si Colleen e.."
"Yeah right bud... Wag kami iba nalang."-gatong pa ni Dustin.
"Woi wag kang mag-adik. Ikaw naman talaga ang dahilan kung bakit nagagalit yun sayo. Mangarap ka ba naman ng dilat tungkol sa ibang babae habang kasama mo jowa mo dika pa guilty nun ah!"-nagapir silang tatlo na parang tuwang-tuwa sa sinabi ni Benj.
"Tigilan nyo ako."
"Sus.. Wag din kami.. Nagkita na ba kayo? Mga ngiti mo kasi mukhang nakascore e..."-pang-aasar pa ulit nila Fin sakin.
Hindi ko nalang sila pinansin at lumabas muna ng opisina. Magpapaorder sana ako ng lunch kay Trixie yung P.A ko kaso mukhang bumaba na sya.
"Mga tukmol. Tara na wala si Trixie sa labas nalang tayo kumain."
"Libre mo? Wala kaming pera ah! Hindi pa ako pinapasahod."-sabad ni Dustin ng isa-isa silang tumayo.
"Gago. Ikaw may-ari ng CEO wag kang talkshit."-sabad ni Benj.
Napapailing nalang ako habang nakikinig sa usapan ng mga kaibigan ko. Lahat ng nakakasalubong namin ay napapatingin sa amin habang palabas. Hindi naman sa pagmamayabang pero lahat kami headturner. Headturner kasi malalaki kaming talo. Bukod sa malaki gwapo pa. Lahat din kami galing sa may sinasabing pamilya. Mukha lang hindi pero walang itatapon samin.
"Ash dun tayo sa resto ng crush ko."-suhestyon ni Fin. Crush nya kasi yung may-ari ng resto dun sa mall na pinupuntahan namin. Malapit lang din naman kaya nilalakad lang namin papunta doon.
"Hanggang silay ka nalang bud.. Wala ng pag-asa."-umpisang asar na naman ni Benj. Wala talagang pinipili 'tung baliw na 'to.
Puro asaran at kulitan ang ginawa namin kay Fin habang papasok kami doon. Hindi tuloy namin napansin ang mga nakakasalubong namin.
"Aray naman..."-dinig kung daing ng nakabunggo ko. Maliit lang sya kaya niyuko ko pa para malaman kung ayos lang sya. Muntik pa syang matumba mabuti nalang nahawakan ko sya.
"Sorry Miss. Ayos ka lang ba?"-tanong ko dito na nakayuko parin at pinupulot yung mga nalaglag nyang papel. Tinulongan naman sya ng mga tukmol para mapabilis kumalat kasi.
"Oo sorry. Hindi kasi ako tumitingin sa dinadaanan ko."-pagkasabi nya noon. Tumayo na ako at mauuna na sanang magorder sa kanila. Nakakaabala din kasi kami doon sa harap.
"Here... Next time mag-iingat ka. Kasi baka sa susunod na pagbagsak mo sa akin na. Hindi na kita bibitawan pa. Dustin and you are?"
"Aya.. Thank you ah! Busy kasi ako hindi ko kayo napansin."-napanganga ako ng marinig ang pangalang sinabi nya kay Dustin. Siniguro ko pa sya nga yun pero natatakpan kasi sya nila Benj kaya hindi ko makita.
"My baby..."-bulong ko. Agad akong naglakad pabalik sa kanila pero paalis na din sya. Kailangan kung makasiguro na sya yun.
"Aya... Baby.."-tawag ko dito. Hindi ko alam pero parang biglang tumigil ang paghinga ko ng lumingon sya mismo sa akin.
Ganito ba yung pakiramdam ng kinakabahan at kinikilg at the same time? I feel like a kid who's just going to confess on her crush. Mas lalong natunaw ang puso ko ng ngitian nya ako.
"Oh! It's you Ashton right?"-yung puso kung natutunaw sa tuwa kanina. Ngayon nagugunaw na.
"Burned..."-Dustin
"Boom sabog."-Benj
"It's hard to say this but double burned buddy..."-pang-aasar ng tatlong nakasunod pala sa'kin.
"Nice to see you. Sige mauuna na ako. Enjoy your meal."-paalam nya sakin.
Napatitig ako sa likod nya habang naglalakad palayo. Andun na e tapos biglang hindi nya na naman ako naaalala.
Siguro nga sya ang rason kung bakit mas lalo kung hindi ko gustong ipursue si Colleen. Dahil simula ng umalis kami sa isla hinahanap-hanap na sya ng sistema ko. Kahit anong pilit kung kalimutan sya at idivert sa ibang bagay ang atensyon ko. It keeps coming back to her. She's my sunshine in the middle of rainy days.
Hindi ko alam pero baka talagang sya ang maging dahilan kung bakit kakalas ako sa kasunduan. Dahil hanggang ngayon pinagiisipan kuna kung totohanin ko yung sinabi ko sa kanya. Ipapatigil ko talaga ang kasal sa oras na hilingin nyang maging sa kanya ako.
Dahil kahit pag-aari sya ng iba.
Pipilitin kung agawin sya...
'Coz i think im falling for this little stranger.