TWENTY EIGHT Risha Naisuklay ko sa aking buhok ang aking mga daliri kasabay ng aking malalim na paghinga. Nakatutok sa labas ng sasakyan ang aking mga mata, malalim ang iniisip dahil sa mga sinabi ng ina ng Alpha King. Buhay pa si Luisa...at nasa paligid lang siya. Hindi ko maiwasang gapangan ng pangamba. She is, after all, the real Luna of Claivan and the true mother of Lilian. Kahit pa sabihing ako ang mahal ni Callus, hindi ko maitatangging tinamaan ako ng takot na baka sa isang iglap, mawala sila sa akin ni Lilian. Nadama ko ang mahinang pagpiga ni Callus sa aking kamay dahilan para mabaling sa kanya ang aking tingin. Tumama sa kanyang mukha ang kakarampot na liwanag na buwan dahilan para lalo kong hangaan ang gwapo niyang mukha. He stared at me with a worried look. "What's wr

