TWENTY THREE Risha The scene in front of me shattered my heart but my eyes seem to betray me for it doesn't want to shut. Bawat suntok, sipa, siko, hampas na natatamo niya, pakiramdam ko ako rin ang tumatanggap. Rumagasa ang aking mga luha habang mahigpit na nakahawak sa bakal na rehas ang aking mga kamay. Hindi ko na matagalan ang nangyayari kay Callus. Masyado nang bugbog ang katawan niya pero sa kanyang bawat pagbagsak, pilit niyang ibinabangon ang kanyang sarili. Callus threw a punch to his opponent. Natamaan niya ito sa panga ngunit kaagad siya nitong nasipa sa sikmura. Bumagsak siya sa sahig at dumaing sa sakit. Nang makita ko kung papaabong lumapit ang lalake sa kanya at hinawakan ng mahigpit ang kanyang buhok bago inangat, tuluyan akong napatalikod at humahagulgol na tinakip

