A/N: Warning. Read with caution. TWENTY FOUR Risha Matapos maidala nina Ace at Meilyn ang mga gamit pang-gamot kay Callus ay iniwan na nila ako sa silid. Sandali akong naupo sa malambot na kama at pinasadahan ang kabuuan nito habang naririnig ang lagaslas ng tubig mula sa banyo. Callus seems to like the shades of brown. From the light brown paint of the walls, to the dark brown shades of the curtains and furnitures. Walang gaanong gamit. Isang maliit na mahogany table na nasa kaliwang sulok malapit sa bintana at may dalawang beige color chairs. Sa ibabaw ng mesa ay may isang kaha ng sigarilyo, ash tray, bote ng alak, at ilang folders. Sa pader malapit sa banyo ay isang malaking itim na aparador habang sa sulok ay may stand para sa kanyang coats at jackets. Simple lang ang silid niya

