SEVEN
Risha
"No way. No freaking way, Callus!"
Malakas kong hinampas ang aking kamay sa kanyang mesa habang nagngingitngit ang aking mga ngipin sa inis.
Hindi siya kaagad kumibo. Mas prente pa siyang sumandal sa kanyang swivel chair habang nakadekwatrong panglalake at nakahalukipkip. Ang dalawa niyang daliri ay marahang minamasahe ang ibaba niyang labi habang matamang nakatitig sa akin ang mapupungay niyang mga mata.
He breathed deeply before curving his lips in a meaningful smirk. "I told you. You'll regret being a stubborn pup. Now sit." He chuckled softly.
Naningkit ang aking mga mata sa inis. I swear to god, I'll rip his throat off the moment I'll get another chance to do it. Nakakapanggigil na ang inaasta niya!
Inis kong naisuklay sa aking buhok ang aking mga daliri habang mariin akong nakapikit. Madiing magkalapat ang aking mga labi habang marahas ang aking bawat paghugot at pagbuga ng hangin.
"Luna. Do you seriously consider this nonesense?" I asked, trying to keep my tone of voice low. Iminulat ko ang aking mga mata at matalim siyang tinignan.
Bahagya siyang ngumuso at tinaasan ako ng kilay. "That's the rule of Nirvana. Sorry, I'm an Alpha. I'm just following the great law of this land." Bumungisngis siya ng tawa matapos sarkastikong sumagot.
Pakiramdam ko nagsiputukan lahat ng ugat sa ulo ko sa narinig. Dinampot ko ang unang bagay na aking nakapa saka ito ibinato sa kanya ngunit kaagad din niya itong nasalo.
Muling binalik ni Callus sa mesa ang folder na siyang naibato ko sa kanya.
"Next time, pup, pick a harder thing to throw at me." Pang-aasar niya.
Lalong naningkit ang aking mga mata. Lintek! Sana ay tinuloy ko na lang ang pagpaslang sa kanya kanina. Nabawasan sana ng aroganteng tao sa mundo. I should have done nature a favor.
Umayos ako ng tindig saka ko itiniklop ang aking mga braso sa tapat ng aking dibdib. "As far as I know, a Luna can never be replaced with another shewolf despite of the rules we have."
Mahina siyang tumango. "Uh-huh? That's right."
Tinaasan ko siya ng kilay. "So I don't think it's okay to just force your Luna to give up her title just because I beat your ass off in front of your people."
Natawa siya sa aking sinabi. Tumayo siya at ikinalso ang magkabilang kamay sa mesa saka niya inilapit ang mukha niya sa akin. "Oh, you really think I exerted all my efforts when I fought a pup? Para nga lang akong naglalaro kanina." Nakangisi niyang sabi.
Naningkit ang mga mata ko sa narinig. Humakbang ako paatras at inirapan siya dala ng inis sa kanyang kayabangan. "Kahit na. Sigurado akong hindi basta ipapaubaya ng iyong Luna ang posisyon niya."
Hindi siya kaagad kumibo. Nadinig ko ang muli niyang pag-upo sa kanyang swivel chair. "She doesn't have to do that...her place has been vacant for a couple of years already." He muttered, this time, in a more serious tone.
Muli akong napatingin sa kanya ng may kunot sa aking noo. "Bakit? Nasaan ang Luna mo? Hindi ba si Zoe ang ina ni Lilian?"
Sasagot na sana si Callus nang bumukas ang pinto at pumasok si Lilian na ngayon ay bitbit ang alagang pusa ni Ahma. Nabaling sa kanya ang tingin namin ni Callus.
Callus patted his lap, as if he's telling Lilian to sit there. Sumunod naman ang bata at mabilis na lumapit sa kanyang ama.
Callus let his daughter sit on his lap then gave her head a peck. Hinaplos niya ang buhok ng bata saka siya tumingin sa akin.
"Ahma wants you to stay at her house for the mean time but that doesn't mean you'll have your restrains off already." Seryoso niyang sabi.
"Hindi na kailangan. Kaya kong magtyaga sa kulungan." Tugon ko.
"That's not a request nor an offer. That's a command from the elder of Claivan." Sagot niya.
Pinaningkitan ko siya ng mata dahil sa narinig ngunit nilabanan lamang niya ang aking tingin. Kung hindi pa napatingin sa akin ang paslit na nakakandong sa kanya ay baka hindi pa natigil ang matalim kong tingin sa kanya.
Lilian stared at me for seconds before she flashed a shy smile at me. Gumanti ako ng ngiti sa bata kahit pa kumukulo talaga ang dugo ko sa kanyang ama.
Bumaba si Lilian mula sa pagkakakandong niya kay Callus saka siya tumakbo papunta sa akin. Laking gulat ko nang bigla niya akong niyakap sa aking tiyan saka niya tiningala ang aking mukha habang may matipid na ngiting nakaguhit sa kanyang labi.
Hinaplos ko ang kanyang buhok saka ako tumingin sa ngayon ay nagtatakang si Callus. Hindi siya nagsalita ngunit napansin ko ang pagguhit ng kirot sa mga mata niya.
Ilang yapak ang umalingawngaw sa pasilyo. Mayamaya'y pumasok si Lynel sa loob ng opisina ni Callus dala ang panibagong collar.
Lalapit na sana sa akin si Lynel nang biglang isenyas ni Callus ang kamay niya uoabg pahintuin ang kanyang Beta.
Callus stood up and let out a sigh. "Chain her after dinner. I don't want to break Lilian's heart again." Mahinang ani ni Callus bago siya humakbang palabas ng opisina.
Nagkatinginan kami ni Lynel matapos makalabas ni Callus. Isang pilit na ngiti na lamang ang ibinigay niya sa akin na tila sinasabing huwag ko na lamang pansinin ang kanilang Alpha.
Lynel sighed before he took his steps towards us. Tumalungko siya sa harap ni Lilian saka ito nginitian.
"Ahma is looking for you. Hinhanap niya ang kanyang pusa. Tinakas mo lang ba si Que?" Malumanay na tanong ni Lynel sa bata.
Lilian hugged me tighter. Tila ba natakot itong mapagalitan kaya tumingin siya sa aking parang humihingi ng saklolo.
Nagpabalik-balik ang tingin ni Lynel sa akin at kay Lilian. Mayamaya ay kunot-noo niyang tinanong ang bata.
"Kilala mo ba siya, Lillian?" Ani Lynel.
Lilian slowly nodded her head before she smiled at me and hugged me tighter. Kumislap ang mga mata ni Lynel at sandalung nagkulay ginto senyales na kinausap siya ng bata gamit ang isip nito. Napakaaga talagang lumalabas ng basic skills ng mga anak ng alpha. Mukhang kaya na ring makipag-usap ni Lilian gamit ang isip niya.
Natigilan si Lynel at kunot-noong tinitigan ang bata. Mayamaya'y tumayo siya at napakamot ng batok. "Ganoon ba, Lil? Maganda 'yan. Ang mabuti pa ibalik mo na si Que kay Ahma para makakain na siya."
Tumango si Lilian saka siya kumalas ng yakap sa akin. Kinuha niya ang pusa sa ibabaw ng mesa ni Callus bago siya tumakbo palabas ng silid.
Lynel sighed the moment Lilian finally went out of the room. Naihilamos niya ang kanyang palad sa kanyang mukha habang nakakunot pa rin ang kanyang mukha.
"Ang mabuti pa ay tara na. Kailangan mong maipahinga ang sugat mo sa isang selda para kahit wala kang chains, masiguro naming hindi ka na tatakas ulit." Ani Lynel.
Mapakla akong ngumiti. "Kahit naman anong gawin ninyo, hindi pa rin ako mananatili rito. May sarili akong pack na naghihintay sa akin sa Zenios." Tugon ko.
Gumuhit ang lungkot sa mukha ni Lynel. Nabaling ang kanyang tingin sa salaming bintana at nang sundan ko ang kung saan nakatutok ang mga mata niya, natagpuan ko ang sarili kong nakatitig kay Lilian na ngayon ay yakap ang pusang itim ni Ahma habang masayang lumulukso papunta sa bahay nito.
"I hope you wouldn't do that. Atleast not just yet." Bigla na lamang sabi ni Lynel habang nakatitig sa bata.
Kumunot ang aking noo. "Bakit? Pasensya na pero hangga't may pagkakataon ako, palagi akong gagawa ng paraan para makaalis dito. Hindi ako pwedeng maging Luna ng Claivan. I wouldn't do Callus a favor."
Mapaklang napangiti si Lynel. "If you cannot stay for Callus, atleast do it for his kid. It's heartbreaking to see her smile fade again..." May bahid ng lungkot niyang ani.
Lumunok ako at ibinaling ang tingin sa kanya. "Bakit ano ba ang tingin sa akin ng bata?"
Lynel gazed at me with sadness written in his eyes. Lalong pumakla ang kanyang ngiti.
"The little girl thought that after years, his father finally found her mommy that day when Callus brought you here..."