SIX
Risha
"Walang makekealam. Hindi ako magdadalawang isip paliparin ang sinumang makikisali o pipigil sa amin ng babaeng ito." May diing ani ni Zoe habang matalim na nakatitig sa akin.
Pinilig niya ang kanyang leeg saka niya hinubad ang kanyang jacket. Itinapon niya ito sa sahig saka niya pinalabas ang kanyang matatalim na kuko.
"I really hated the idea of bringing you here. Maswerte ka lang na si Alpha ang nakakita sayo dahil kung ako iyon, matagal nang inaanod sa ilog ang katawan mo." May galit niyang ani.
"Hindi ko kailangang tawaging swerte ang sarili ko. Sorry but I am not privileged to be saved by your big bad Alpha. In fact, nagsimula ang kamalasan ko nang magtagpo ang mga landas namin." Mapang-asar kong sagot habang matalim na nakatitig sa kanya.
Naningkit ang kanyang mga mata sa narinig. Kitang-kita ko ang pagpula ng kanyang mukha senyales na nag-uumapaw na sa galit ang kanyang dibdib dahil sa mga binitiwan kong salita.
"Sa oras na mapatay kita, dila mo ang una kong aalisin mula sayo saka ko ipapadala pabalik ng Zenios ang katawan mo. Let's see if they'll enjoy that kind of treatment, too." She muttered with fury.
Inatake niya ako at sinabunutan pero mabilis ko siyang naitulak palayo. Tumayo siyang muli ay inayos ang kanyang sarili saka siya muling bumwelo.
Zoe ran towards me and tried to hit me but I managed to punch her first. Bumagsak siya sa sahig at muli sanang babangon nang magsitayuan na ang mga kasamahan niya. Pilit nila kaming pinaglayo pero mukhang wala talagang balak magpaawat si Zoe.
She managed to get off from the other's grip. Isang malakas na sipa sa aking tiyan ang aking natamo dahilan para tumalsik ako palabas.
Napangiwi ako nang madama ang pagbuka ng aking sugat. Nang makita ko ang pagtakbo ni Zoe palapit sa akin ay kaagad kong isinalag ang aking mga binti at braso ngunit mabilis na nahawakan ng iba ang kanyang baywang.
"Let me go! This b***h needs to learn her lesson!" Singhal ni Zoe sa mga kasama at pilit na kumakawala.
May ilang lumapit sa akin at nag-alok na tulungan akong tumayo ngunit hinawi ko ang kanilang mga kamay. Bumwelo ako at mabilis na tumakbo patungo sa kakahuyan, sapo-sapo ang dumudugo kong tiyan.
Damn it! Maybe if I'd make it out of Claivan's teritory, I'd stand a chance. Maliksi ang aking katawan at kahit na nakahabol na ang iba sa akin ay hindi ako humihinto. Hindi ko lamang nagugustuhan ang tila paninibago ng katawan ko sa ganitong takbo. Tila mas mabilis akong mapagod at kapusin ng hininga kumpara noon.
Mayamaya'y bigla na lamang may humawak sa aking baywang at dinamba ako pabagsak. Nagpumiglas ako sa kanyang hawak ngunit mabilis niya akong tinihaya at pinakubabawan.
My eyes met Callus' furious eyes. Nakaigting ang kanyang panga at matingkad na ginto ang kulay ng kanyang mga matang senyales na puno siya ng galit dahil sa ginawa ko.
My jaw clenched and I tried to hit him on the face but he catched my fist and held both of my wrists tightly.
"Stop this nonesense, Risha. You are not going anywhere." May diin niyang ani.
Naningkit ang aking mga mata sa narinig. "Let me go! You don't own me!" Singhal ko at buong lakas siyang tinuhod habang nakaupo siya sa ibabaw ko at pilit pinipigil ang pagkawala ko mula sa kanya.
I'm pretty sure that hurt him. Nakita ko ang bahagyang pagngiwi ng kanyang mukha dahil sa pagtuhod ko sa likod niya.
Bumangon ako at iniumpog sa kanya ang aking noo bago ko siya tinulak paalis sa akin. Bumagsak si Callus sa mga tuyong dahon at bago pa siya makatayo ay muli akong sumugod at inatake siya.
My arms wrapped around his neck beforw I pulled him from behind. Lumagapak ang kanyang katawan sa lupa ngunit nang akala kong ininda niya ang aking ginawa ay bigla niya akong hinatak at binato sa kabilang banda. Tumama ang aking likod sa isang puno at lalo kong nadama ang kirot ng bumukas kong sugat.
"For the last time, enough with this nonesense." Inis na niyang sabi habang humahakbang palapit sa akin.
Sapo-sapo ang aking dumudugong sugat, pinilit kong tumayo at muli siyang inatake. Napangisi ako nang ilang beses ko siyang natamaan.
Walang umaawat sa aming dalawang tila ni isa ay maaaring umawat. Nakapalibot sila sa amin at pinapanood kaming magpatayan ng kanilang Alpha.
I kicked Callus' tummy with all the strength I have. Nang bumagsak siya sa lupa ay mabilis akong tumakbo palapit sa kanya at sinakal siya habang nakalabas ang matatalas kong mga kuko.
Akala ko'y gagawa siya ng paraan para makaalis mula sa pagsakal ko ngunit ganoon na lamang ang gulat ko nang bigla niyang ibuka ang kanyang mga braso saka niya inilagay ang kanyang mga kamay sa ilalim ng kanyang ulo na tila komportable pa ito sa kanyang pwesto.
Kumunot ang aking noo nang makita ang pagguhit ng isang makahulugang ngisi sa kanyang mga labi.
What's wrong with him? Ito ang pinaka-ayaw ko sa kanya. Tila may kung ano na namang tumatakbo sa kanyang isip na sigurado kong hindi ko magugustuhan.
I clenched my jaw and tighten my grip on his neck. Kung kailangan ko siyang patayin makaalis lang ako rito, pwes, gagawin ko.
"Is that it? 'Yan na ba ang pinakamalakas mo?" Mapang-asar niyang tanong habang nakataas ang isang kilay. I hate how he said that in a gentle yet annoying tone!
Naningkit ang aking mga mata sa inis. Iniamba ko ang aking kamay sa ere, handa nang patamaan ang kanyang dibdib upang dukutin ang kanyang puso nang biglang ilang yapak ang aking narinig mula sa hindi kalayuan.
Mula sa mga taong nanonood ay lumusot ang pamilyar na batang babae. Puno ng pagtataka ang kanyang mga mata habang humahakbang palapit sa aming dalawa ng kanyang ama na tila hindi niya naiintindihan ang mga nangyayari.
Lilian stopped right in front of us and glanced at me and her Dad. Mayamaya'y hinawakan niya ang aking kamay saka niya ako mahinang hinatak paalis kay Callus.
Bigla na lamang lumambot ang aking ekspresyon. Tila nawala ang galit ko nang ngitian ako ni Lilian habang pilit niyayayang tumayo.
Bumalik sa dati ang kulay ng aking mga mata at para akong wala sa sariling nakatitig lamang sa inosenteng mga mata ni Lilian habang tumatayo ako.
Her eyes landed on my tummy. Kumunot ang kanyang noo at puno ng pagtataka siyang muling tumingin sa aking mga mata.
Walang salitang lumabas sa kanyang mga labi ngunit sapat na ang ekspresyong mababakas sa kanyang maamong mga mata upang maramdaman kong nag-alala siya nang makita ang dugo sa aking damit.
Naramdaman ko ang pagtayo ni Callus. Pinagpag niya ang kanyang sarili ngunit hindi siya nagsalita.
Mayamaya'y nagsimulang humakbang si Ahma palapit sa aming tatlo. Nang tuluyan siyang makalapit kay Callus ay hinawakan niya ang pendant ng kwintas na nakasuot sa leeg nito.
"Everyone saw it, son. You know what this means..." Ani Ahma.
"No! Ahma, she's not a part of Claivan!"Biglang singhal ni Zoe na ngayon ay mahigpit na hawak ng dalawang lalake.
Ahma gazed at her in a serious way. "Enough already, Zoe. I've seen enough. We know the rule."
Callus sighed. Bahagya siyang ngumuso saka kunot-noong bumaling sa akin. "I don't think it's okay to follow the rule for this one, Ma."
"You are an Alpha in Nirvana and Alphas must follow the rule." May diing ani ni Ahma sa anak.
Naihilamos ni Callus ang kanyang palad sa kanyang mukha saka muling marahas na napabuntong hininga. Tinango niya ng mahina ang kanyang ulo saka siya lumapit sa amin ni Lilian.
Yumuko siya sandali at kinarga ang kanyang anak bago siya seryosong tumingin sa akin.
"I just want to remind you, pup that you're the one who brought this to yourself. Face the consequence of your stubborness." He muttered. Tila bigla akong kinabahan sa narinig.
Ahma went to me and held my hand. Mayamaya'y iniangat niya ito sa ere bago siya ngumiti sa kanilang mga kasamahan.
"Men and women of Claivan, the strongest shewolf of the pack...the new Luna of Callus Grivence."
Tumingin siya sa akin ng may ngiti sa labi. "Risha Sangster..."
Oh, you've got to be kidding me!