Chapter 5

1688 Words
FIVE Risha "Anak? Nino? Ni Callus? May anak na si Callus?" Gulat kong tanong. Ibubuka na sana ni Ace ang kanyang bibig upang sagutin ang aking tanong nang biglang mahinang tumawa si Ahma. "Ace, mabuti pa ay tulungan mo muna ang iba para sa paghahanda ng almusal ng lahat." Malumanay na sabi ni Ahma. Nabaling ang tingin namin ni Ace sa kanya. Si Ace ay mahinang tumango saka tuluyang nagpaalam. Pinanood ko siyang maglakad paalis bago ako humarap kay Ahma na ngayon ay nakatingin na sa akin. "Ano ang pangalan mo? Ang balita ko'y may marka ka ng Zenios." Aniya habang hinahaplos ang pusa sa kanyang kandungan. Lumunok ako at mahinang tumango. "Risha po. Risha Sangster mula sa Zenios..." Unti-unting nawala ang kurba ng kanyang labi at napansin ko ang paghinti ng paghaplos niya sa balahibo ng pusa. Humugot siya ng malalim na hininga at iniwas ang tingin sa akin. "I see. That explains everything, then..." Kumunot ang aking noo sa narinig. "Ano hong ibig niyong sabihin?" Ahma gazed back at me then forced a smile. "Wala, hija. Ang mabuti pa ay hintayin natin ang manggagamot ng Claivan upang matignan ang iyong mga sugat. Sumabay ka na rin sa almusal." Mahina akong natawa. "Mukhang hindi ho iyan magandang ideya." "Bakit? Dahil ba sa aking anak na si Callus?" May kunot sa noo niyang tanong. I bit my lips and buried my hands on my jeans' pockets before I shrugged my shoulders. "Isa lamang po iyan sa mga dahilan..." Ngumiti siya at muling hinaplos ang pusa. "Kung ganoon ano pa ang ibang rason?" I sighed. "Hindi naman ho ako kabilang sa pack ng Claivan. Alam kong darating ang araw na hahanapin ako ni Alpha Luhence at iuuwi niya ako sa Zenios." Inaasahan ko na ang pagtawa o pagkainsulto niya sa aking sinabi ngunit tanging ngiti lamang ang iginanti niya sa sa akin. Tinango niya ang kanyang ulo saka ako pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa. "I bet he will. Looks like you got a special connection with your Alpha. Malakas ang iyong pananalig sa kanya." Malumanay niyang sabi. "Hindi ho ba ganoon naman dapat? Kailangang palaging malakas ang paniniwala natin sa ating Alpha?" Tugon ko. Tinango niya ang kanyang ulo. "Ganoon na nga, ngunit hindi lamang iyon ang nababasa ko sa mga mata mo. Your eyes sparkled the moment you mentioned his name... Are you inlove with your Alpha?" Bahagyang namula ang aking magkabilang pisngi dahil sa narinig. Iniwas ko ang aking tingin at ibinaling ito sa may salaming bintana. Sa labas ay natanaw ko si Lynel at Callus na nag-uusap habang naglalakad. Tila isang seryosong bagay ang pinag-uusapan nila base na rin sa kunot sa kanilang mga noo. "Luhence is... Luhence is my mate." i muttered. My eyes remained staring at the two. "Kung ganoon ay maswerte ang inyong Alpha. Unang kita ko pa lamang sa iyo'y alam kong malakas ka." Komento niya. Sandaling nabaling ang mga mata ni Callus sa aking direksyon kaya mabilis kong iniwas ang aking tingin. I cleared my throat and tried to calm my now in chaos heart. The hell. Bakit ba ang lakas ng epekto sa akin ng lalakeng iyon? "S-Salamat po." Sagot ko kay Ahma. Binigyan niya ako ng isang matipid na ngiti. Hindi na siya muli pang nagkumento, sakto namang dumating na ang doktor na sinasabi nilang muling titingin sa aking sugat. Meilyn led me to a room on the second floor. Doon ako pinahiga ng babaeng doktor upang makita niya ang aking sugat sa tiyan na hindi pa rin gumagaling kaagad dahil na rin sa chains ko. Napangiwi ako nang pahiran niyang muli ng ointment ang tinahing parte. Nakataas ang aking t-shirt hanggang sa baba ng aking dibdib at nakalabas ang aking tiyan nang marinig ko ang mga yapak palapit sa silid. Mayamaya'y pumasok ng silid si Ahma bitbit ang kanyang itim na pusa habang ang kanyang anak namang si Callus ay tumayo sa may pinto at nakahalukipkip na sumandal sa frame nito. Bahagya kong ibinaba ang t-shirt ko nang makita kong nabaling sa nakalantad kong tiyan ang kanyang mga mata. Muling gumuhit ang nakakainis niyang ngisi nang mapansin ang ginawa ko. Nang magtama ang aming mga mata ay mabilis ko siyang inirapan. The doctor pulled my shirt down beforw she packed her things. Tumayo siya at bumaling kay Ahma na ngayon ay nakatayo sa dulo ng kama. "Nahihirapan ang katawan niyang pagalingin ang sarili niya. Makakatulong kung aalisin muna natin ang chains para mabilis na maghilom ang kanyang sugat." Ani ng doktor. Ahma glanced at Callus, as if she's asking what to do next. Si Callus nama'y nakatitig sa akin habang marahang minamasahe ng kanyang dalawang daliri ang mamula-mula niyang ibabang labi. There was a moment of silence, until Callus finally released a sigh before standing straight. "No." Walang gana niyang sabi. Naningkit ang aking mga mata sa narinig. This heartless beast! Maalis lang talaga ang restrains ko, makikipagpatayan ako sa iyo! "Kung ganoon ay hahayaan mo lang ang katawan niyang ganyan, anak?" Tila nag-aalalang tanong ni Ahma. Callus licked his lower lip before he nodded his head. "Yes, Ma. Mahirap na. Mahirap pakawalan ang tuta kapag hindi pa marunong sumunod sa amo." Aniyang tila nang-iinis bago siya tumalikod at naglakad palabas. Kumulo ang dugo ko dahil sa narinig. Ang kapal talaga ng mukha! Hindi talaga ako magdadalawang isip ibuwis ang buhay ko maka-dwelo lang kitang hayup ka! Si Ahma ay napabuntong hininga na lamang. Iniling niya ang kanyang ulo saka siya bumaling sa akin. "Mabuti pa siguro ay magpakabait ka na lamang kay Callus. You are lucky that after what happened, you are still in one piece...ang akala ko nga ay tototohanin niya ang sinabi niya noon." Kumunot ang aking noo sa narinig. Bumangon ako at magsasalita sana nang pumasok si Meilyn at tinawag ang atensyon ni Ahma. "Handa na po ang pagkain, Ahma." Aniya. Tumango si Ahma kay Meilyn. "Ang mabuti pa ay kumain na tayo. Meilyn, alalayan mo si Risha." Magpoprotesta pa sana ako ngunit nauna nang lumabas si Ahma ng silid kasama ang doktor na tumingin sa akin. Si Meilyn naman ay lumapit sa akin at inalalayan ako patayo. "'Wag kang mag-alala kaya ko namang maglakad." Untag ko. Tumango siya bilang tugon saka niya hinawakan ang dulo ng collar at giniya ako palabas. Right. I almost forgot. Ito ang pag-alalay na tinutukoy ni Ahma. Ang hawakan ni Meilyn ang aking kadena. Naglakad kami palabas ng bahay ni Ahma at dumiretso sa isang malaking bahay na gawa sa kahoy ang mga pader. Napakaganda ng pagkakayari nito na hindi mahahalatang mga lokal na materyales lamang ang ginamit. Malapit na kami roon nang makita kong lumabas si Callus ng pinto saka ito lumiko at malalaki ang mga hakbang na tinahak ang daan patungo sa likod na bahagi ng malaking bahay. Ang nakapatong niyang asul na polo ay sumayaw kasabay ng hangin. Kumunot ang aking noo nang makita ang bitbit niya. "Hindi ba siya sumasabay kumain sa inyo at may dala siyang pagkain?" "Hindi iyon para kay Alpha. Para iyon sa iba." Tugon ni Meilyn bago kami nagpatuloy sa paglalakad. Bumaling ako sa kanya ng may pagtataka pa rin. "Kung ganoon ay para kanino?" Nagkibit-balikat lamang siyang tila walang balak na sagutin ang aking tanong. Tinulak ni Meilyn ang pinto at nang tuluyan kaming makapasok ay bigla na lamang tumahimik ang buong paligid. Ang mga mata ng mga naroon ay biglang nabaling sa akin na tila hindi nila nagustuhan ang aking pagdating. I scanned their mad faces until I saw Ahma's smiling at me. She nodded her head like she's calling me. "Kabilang ka na ngayon sa pangkat ng Claivan. Huwag kang mahiya." Malumanay niyang sabi. May isang babaeng inis na natawa. Iyong babaeng muntik na akong sugurin kanina na ngayon ay nakaupo sa mismong tabi ni Lilian. I wonder, is she Lilian's Mom? Siya ba ang asawa ni Callus? Kung ganoon ay magkasing sama sila ng ugali. "I beg to disagree, Ahma but she's still in her chains. Ibig sabihin ay hindi pa niya tinatanggap si Alpha Callus bilang kanyang Alpha...at ang kapal na lang ng mukha niya kung gagawin man niya iyon." May diin nitong sabi habang matalim na nakatitig sa akin. "Tama na iyan, Zoe. Ako ang nag-imbita sa kanya upang sumalo sa atin." Suway ni Ahma. Bumuntong hininga na lamang ako saka ko hinilamos ang aking palad sa aking mukha bago ako inis na natawa. "Huwag ho kayong mag-alala, mga kagalang-galang na myembro ng Claivan. Wala akong balak na magtagal sa lugar na ito." Mapang-asar kong ani. Zoe pierced me with fury. Inis niyang tinulak ang kanyang silya saka aiya humakbang palapit sa akin. Nilabanan ko lamang ang masamang titig na ipinupukol niya sa akin habang nagmamartsa siya palapit hanggang sa tuluyan niya akong narating. She folded her arms and raised her brow at me. "So you think you're tough enough to get out of here, huh?" Tumalim ang aking tingin sa kanya. "I do. In fact, I'm starting to question the credibility of this pack. If you are strong enough as what I've heard, hindi kayo matatakot kalasin ang restrains ko. Hindi ko man alam kung bakit ganyan ang asta niyo, oh, wait. I figured it out. Nasa Claivan nga pala ako..." Sarkastiko akong tumawa. "Ang lugar na puro angas ang labanan..." Zoe's eyes turned golden yellow and her teeth gritted in fury. "Meilyn, keys..." Kumurba ang sulok ng aking labi sa narinig. Ganyan nga. Pairalin mo ang init ng ulo mo at alisin mo ang kadenang pumipigil sa lakas ko nang makita mo ang hinahanap mo. Nang hindi kumilos si Meilyn ay marahas na inagaw ni Zoe ang susi sa kanya. She unlocked my collar and threw it on the floor. "There, b***h. Show me what you--" Napahinto siya sa pagsasalita at biglang tumahimik ang lugar nang bigla ko siyang sinipa ng malakas dahilan para tumalsik siya sa kabilang dulo. Gulat at inis siyang tumayo. Napipikon niyang sinuklay ng kanyang mga daliri ang kanyang buhok saka niya pinalabas ang matatalas niyang kuko. "How dare you..." My lips curved devilishly. Pinatunog ko ang aking leeg saka ko pinunit ang laylayan ng aking damit para kumuha ng kapirasong tela. Tinali ko ng mataas ang aking buhok saka ako umayos ng tindig. My eyes turned golden yellow and the smirk on my lips widen. "Oh, I do dare...bitch."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD