FOUR
Risha
Hinawi ko ang ilang hibla ng aking buhok patungo sa aking likod saka ako huminga ng malalim at pilit kinalas muli ang aking kadena. Dumudugo na ang parte ng balat kong tinatamaan ng pilak ngunit tila namanhid na ang aking katawan. Gaano na nga ba ako katagal dito? Halos hindi ko na mabilang ang mga araw.
Hindi na muling bumalik sa selda si Callus matapos ang araw na iyon. Madalas ay ang kanyang Beta na si Lynel na lamang ang nagdadala ng aking pagkain. Minsan naman ay ang mga ibang taga-silbing dating ipinambayad kay Callus dahil sa kanyang pagtulong sa ibang pack.
That's the sad reality in Nirvana. Our distric lies in the heart of the Nirvana forest and it's divided in the four packs--Zenios, Mayhem, Prudence, and Claivan.
The government is protecting the perimeter of Nirvana and kept the humans unaware of our existence. May ilang nakakalusot o napapadpad sa loob ng Nirvana...at karamihan ay hindi na muling nakalabas pang muli.
Either they became slaves, they became one of us, or they got killed.
There's a lot of ruthless lycans in Nirvana. Napaka-swerte mo na kung napadpad ka sa Zenios dahil kung hindi, hindi magdadalawang-isip ang ibang patayin ka.
Luhence is a great Alpha. He never considered our kind differently. Palagi niyang sinasabing kapantay lamang namin ang mga normal at hindi namin sila kailangang patayin...kahit pa ang hunters ay mga normal na taong nais kaming ubusin.
Unfortunately, not all the Alphas are like Luhence. May ibang ang kapalit ng pagtulong ay ilang bahagi ng lupain o hindi naman kaya ay ilang myembro ng pack na tinulungan.
Callus never considered the other packs. Basta napunta sa kanyang teritoryo ay pag-aari na niya. Kaya siguro ganoon na lamang siya pangilagan ni Luhence. Kung hihingi man ng tulong si Luhence, sisiguraduhin muna niyang una niyang lalapitan ang Alphas ng dalawa pang packs at uubusin muna niya ang mga posibleng solusyon bago siya lumapit kay Callus.
Because Callus is nothing but a shameless and greedy beast. I hate using that word to our kind but he deserves it.
Nang madinig ko ang mga yapak sa labas ay awtomatikong nabaling ang aking mga mata sa pinto. Food or bath time? I don't know. Iyon lamang ang dahilan upang puntahan nila ako.
Bumukas ang pinto at pumasok ang dalawang taga-silbing madalas pumapasok kapag oras ng aking pagligo ngunit nagtaka ako nang sa pagkakataong ito, wala silang dalang mga kagamitan at damit.
"Magandang umaga." Walang emosyong bati ng babaeng may maikli at pulang buhok.
I just nodded my head in response. Ang kanya namang kasama ay ipinakita sa akin ang collar na ginagamit nila kapag kakalasin ang aking kadena sa paa upang madala nila ako sa paliguan.
Lumapit sila sa akin at may pag-iingat na ikinabit ang collar sa aking leeg. Mariin kong pinagdikit ang aking mga labi nang madama ko ang pagkapaso ng aking balat dahil sa pilak.
Ang may katangkaran at may itim na itim na buhok ay lumuhod upang kalasin ang aking kadena sa paa. Kahit paano ay nakadama ako ng ginhawa. Pulang-pula na ang balat ko roon dahil sa pilak at sa pagpipilit kong makalas ito.
Nang maalis niya ito ay iginiya nila ako palabas ngunit kumunot ang aking noo nang hindi sa banyo ng kulungan nila ako dinala bagkus ay palabas ng lugar.
"Saan tayo pupunta?" Kunot-noo kong tanong.
Ang babaeng may pulang buhok ay bumaling sa akin. "Sa bahay ni Ahma. Doon ka raw maliligo at gagamutin."
Lalong nagsalubong ang aking mga kilay. "Sino si Ahma?"
"Ang pinakamatandang myembro ng Claivan. Ang lola ng Alpha." Tugon naman ng babaeng may itim na buhok. Ngayon ko lang napansin ang marka sa kanyang leeg kaya napahinto ako.
Nabaling bigla ang tingin nila sa akin dahil sa ginawa ko. Parehong binalot ng pagtataka ang kanilang mga mukha.
"May marka ka. Bakit hinahayaan ng mate mong maging taga-silbi ka lamang?" Tanong ko sa babaeng may itim na buhok.
Mapakla siyang ngumisi at umiling. "What could a cold body do to save me?"
Natigilan ako sa narinig. Sandali kaming binalot ng katahimikan hanggang sa tinalikuran ako ng babaeng may itim na buhok.
"Tara na. Hinihintay na tayo ni Ahma." Walang emosyon niyang sabi.
Hindi na lamang din kumibo ang babaeng kasama niyang tila ayaw na ring ungkatin ang nakaraan ng kasamahan niya.
I wonder...Did Callus kill her mate? Kung oo, pwes wala talaga siyang puso. Lalo lamang sumiklab ang inis ko sa kanya dahil sa naisip.
Iginiya nila ako palabas hanggang sa tuluyan kong nadama ang sikat ng araw. Napapikit pa ako nang makita ang liwanag sa labas. Para bang napakatagal ko nang hindi nasikatan ng araw at nanibago ang aking paningin dahil dito.
Pinasadahan ko ng tingin ang mga kabahayan. Kung titignan ay animo'y nasa normal na bayan lamang kami dahil sa estilo ng mga bahay. Iyon nga lang ay nasa gitna kami ng kagubatan at hindi kami kailanman magiging normal.
May ilang myembro ng Claivan na napapahinto sa ginagawa nila nang makita ako. Ang ilan ay walang emosyon akong pinagmasdan ngunit ang karamihan ay tila may mga galit na ipinapakita.
May isang babae pang muntik na akong sinugod ngunit mabilis na pinigilan ng isang lalakeng may pilat sa ibabang labi ang kanyang labi. Nagsalubong ang aking mga kilay dahil sa inasta ng babae. Ganoon ba sila kainis kapag may bagong salta sa kanilang teritoryo?
Bumaba ang tingin ko sa magkabilang dulo ng collar na hawak ng mga taga-silbi. Kung tutuusin ay kaya kong kumawala sa kanila ngunit sa dami ng mga taga-Claivan na nanonood sa akin sa mga oras na ito, at sa pilak na nakakabit sa akin dahilan para maging pangkaraniwan lamang ang aking lakas, alam kong wala pang isandaang metro ang natatakbo ko, nasukol na rin kaagad nila ako.
Marahas na lamang akong napabuntong hininga. Tahimik akong humakbang hanggang sa marating namin ang isang lumang bahay.
The red-haired lady knocked three times before entering the house. Nakasunod lamang ako sa kanilang dalawa hanggang sa makarating sa isang silid kung saan may isang matandang babaeng may kalong-kalong na pusang itim.
May balabal ang kanyang ulo at kahit kulubot na ang kanyang balat, hindi maipagkakailang magandang babae ito noong kabataan niya.
Her eyes focused on mine as a sweet smile made its way to her lips. "At last...we've met." She said.
Kumunot lamang ang aking noo sa narinig. Ang matandang babae naman ay bumaling sa dalawang taga-silbi. "Ace, dalhin mo siya sa paliguan. Meilyn, call the pack doctor to check on her."
The two girls nodded their head. Ang babaeng tinawag niyang Ace ay giniya ako palabas ng silid upang dalhin ako sa sinasabing paliguan.
Gusto kong kausapin si Ace habang naglalakad kami ngunit tila wala u***g balak makipag-usap. Napakawalang emosyon ng kanyang mukha gaya ni Meilyn.
Pagpasok ng banyo ay tumalikod si Ace sa akin. Hinila ko ang aking damit pataas at itinapon ito sa sahig bago ako lumublob sa bath tub. Nang tuluyan kong mailubog ang aking katawan sa maligamgam na tubig ay muling humarap si Ace sa akin at dala ang suklay na nasa maliit na tukador sa loob ng banyo, sinuklay niya ang aking kulay abong buhok.
"A-Ako na..." Ani ko ngunit hindi siya nakinig. Nagpatuloy lamang siya sa pagsuklay sa aking basang buhok.
We remained silent all throughout. Tila ba wala rin siyang balak na itigil ang ginagawa niya sa aking buhok.
I cleared my throat and glanced at her. "Saang pack ka nagmula?" Mahina kong tanong.
"Astrid." She emotionlessly said while combing my hair.
Kumunot ang aking noo sa narinig. "Astrid? Saan iyon?"
Sandaling nabaling sa akin ang blangko niyang mga mata. "Milya-milya ang layo mula rito."
"Kung ganoon, anong ginagawa mo rito?" Nagtataka kong tanong.
Tinigil niya ang pagsusuklay sa aking buhok saka siya tumayo at tinalikuran ako bago niya inilapag ang suklay.
She looked at me over her shoulder emotionlessly. "'Yan din ang tanong ko sa sarili ko..."
Hindi na muling nagsalita si Ace matapos iyon. Tinapos ko na lamang ang aking pagligo at sinuot ang bagong pares ng damit na binigay niya.
A jeans and a shirt this time, huh?
Nang matapos akong makapagbihis ay giniya ako ni Ace palabas ng banyo upang dalhing muli sa kung nasaan si Ahma.
Habang naglalakad kami papunta roon ay narinig ko si Ahma na tila may kinakausap ngunit walang sumasagot.
Pagdating namin sa silid kung nasaan siya ay nakita ko ang isang batang babaeng tantya ko ay nasa limang taong gulang na nakakandong sa kanya. Ang bata ay yakap ang itim na pusa at tahimik na hinahaplos ang balahibo nito.
The little girl has fair skin, dark and wavy hair, and deep-set brown eyes. Nakasuot siya ng pulang bistidang tinernuhan ng puting sapatos.
Nang makita ako ni Ahma ay hinaplos niya ang buhok ng bata. "Doon ka na muna maglaro sa labas, ha? May kailangan lamang akong gawin."
The little girl looked at me with a curious eyes before she faced Ahma and nodded her head. Bumaba siya mula sa pagkakakandong sa matandang babae bago siya tumakbo palabas ng silid.
Sinundan ko lamang siya ng tingin habang tumatakbo siya palabas ng bahay. Nang tuluyan siyang nakalabas ay bumaling ako kay Ace.
"Sino 'yon?" Kunot-noo kong tanong.
"Si Lilian." She mumbled.
"Anak ni Alpha..."