THREE
Risha
"Damn, Callus!" I hissed. Muli kong sinubukang kalasin ang kadena sa aking mga paa ngunit hindi ko talaga ito maalis. The silver restrained my wolf and my human strength will never be enough for me to break the chains.
Dala ng kawalang pag-asang maalis ito gamit lamang ang natitira kong lakas, pasalampak akong naupo sa malamig na sahig saka niyakap ang aking mga tuhod. Dinig ko pa rin ang malakas na buhos ng ulan sa labas ng kulungan. Mukhang ilang araw nang masama ang panahon.
Ilang yapak mula sa labas ang umalingawngaw. Ang aking mga mata ay nabaling sa pintong hindi ko man lamang maabot dahil sa kadenang nakakabit sa pader.
What time is it? Siguro ay oras na ng aking pagkain. I wonder if it's still Lynel who'll bring me my tray of food I often don't touch.
Nadinig ko ang pagkalansing ng mga susi kasunod ang pagpihit ng doorknob. The creaking sound of the steel door echoed as it opened, letting the tall man I don't want to see right now, to enter the room.
Callus, with his annoying meaningful smirk, took his steps towards me. Tumalungko siya sa aking harap at inilapag ang tray na may pagkain.
Bahagya siyang ngumuso nang bumaba ang tingin niya sa aking namumulang mga binti. Nang muli niyang iangat ang kanyang tingin sa aking mga mata'y bahagyang tumaas ang isa niyang kilay.
"So you're still trying to get away, huh?" Aniya sa malumanay na tinig.
I hate that! Mas kinikilabutan ako kapag ganito siya makipag-usap. Para bang may kung anong tumatakbo sa kanyang isip na hindi ko magugustuhan sa oras na malaman ko kung ano.
Iniwas ko ang aking tingin saka ko inigting ang aking panga. "One day, my real alpha will come looking for me. Sa oras na mangyari iyon, ipagdasal mo na ang pa--"
Naputol ang aking sinasabi nang mahina siyang humalakhak. Hinawakan niya ang aking baba saka niya muling ihinarap sa kanya ang aking mukha.
My heart began pounding faster than its normal beat again the moment my eyes saw the intensity of his gaze. Bahagya nang salubong ang kanyang mga kilay senyales na hindi niya ikinatuwa ang sinabi ko.
"Your real alpha?" Inis siyang napangisi. "I heard he's nowhere to be found? What a pussy..."
My jaw locked and my gaze at him sharpen. "Don't you dare call Luhence a p***y, pussy."
Lumawak lalo ang kanyang ngisi ngunit dumiin naman ang pagkakahawak niya sa aking panga. Mayamaya'y bahagya niyang nilapit ang kanyang mukha sa akin hanggang sa halos wala nang isang dangkal ang layo nito sa isa't-isa.
"Be careful who you're calling a p***y. I might show you who the real beast here..." He muttered softly, his warm and minty breath kissed my cheek, sending chills down my spine.
Iniwas kong muli ang aking mukha ngunit marahas niyang pinaharap ulit ito sa kanya. Sa pagkakataong ito, matalim na ang tinging ibinabato niya sa akin.
"You're not gonna get off of those chains until you finally learn to bow to me." May diin na nitong sabi.
Lumunok ako at inigting ang aking panga. "A leader doesn't force his people to bow to him. He let his actions attract his people's loyalty."
Muling umangat ang sulok ng kanyang labi. "Sorry, pup but those lame sayings don't apply in Claivan."
Napangisi ako. "Is that so, Callus? Bakit? Ganyan ka ba katakot na walang mananatili sa tabi mo kung hindi mo palaging paiiralin ang pagiging marahas mo?"
Callus eyes turned gold with what I said. Gumapang ang kanyang kamay sa aking ulo hanggang sa tuluyan niyang nahawakan ang aking buhok.
He fisted his hand on my hair while he's gazing at me with fury. "Watch your filthy mouth. You might not like my idea on how to shut those lips..." Banta nito.
Mapang-asar pa akong ngumisi. Looks like I hit the red button, huh?
Tinaasan ko siya ng kilay at nilabanan ko ang kanyang titig. "Look who's getting pissed? The so-called big bad wo--"
Naputol ang sinasabi ko nang bigla siyang tumayo at marahas akong hinatak pataas. Diniin niya ang aking likod sa malamig na pader saka niya sinabunot lalo ang isa niyang kamay sa aking buhok.
Biglang nagwala ang dibdib ko nang itagilid niya ang aking ulo upang lumantad ang aking leeg.
My hands are shaking as I tried to push his chest away from me but his warm breath that's touching the skin on my neck and shoulder is taking away my strength.
"You are such a stubborn pup..." He whispered devilishly.
Nanlaki ang aking mga mata nang madama ko ang kanyang mga pangil na humaplos sa aking balat dahilan upang magwala lalo ang aking dibdib.
"I hate stubborn pups..." He whispered, his grip on my hair went tighter.
Lalo ko siyang itinulak papalayo sa akin ngunit masyado siyang malakas. Pakiramdam ko'y pinaggigitnaan ako ng dalawang pader. Ang isa ay ang nasa likod ko at ang isa'y ang halimaw na nasa harapan ko.
"C-Callus s-stop..." I muttered in a shaking voice. Iba talaga ang takot na kaya niyang ipadama sa akin. Nobody had put my system in chaos before. Siya lamang ang nakayang gumawa nito.
"Hmm? Are you commanding your alpha, pup?" He whispered sensually while brushing the tip of his nose on my neck.
Nanginig ang aking mga tuhod dahil sa boltaheng natanggap ng aking katawan dala ng pagkiskis ng kanyang ilong sa aking balat. Pakiramdam ko'y uminit bigla ang paligid at ang mga balahibo ko sa batok ay nagsitindigan.
I hate it. I hate how he manage to scare the s**t out of me in his simple ways! Hindi ko iyon matanggap. I felt betrayed by my own body.
My hands gripped on the cloth of his white shirt. Pilit ko ulit siyang tinulak ngunit muli lamang akong nabigo. Sa tuwing iiiwas ko ang aking ulo ay lalo lamang humihigpit ang hawak niya sa aking balikat at buhok.
I felt Callus' canines again. Tila nagpanic ang aking wolf dahil sa ginagawa niyang iyon. Nararamdaman ko na ang pag-init ng gilif ng aking mga mata dala ng takot sa maaari niyang gawin.
"Callus... T-tama na...s-sumasakit ang dibdib ko..." Nanginginig ang boses kong sabi.
Callus' grip on my hair tighter. He angled my head more to expose my neck better. Lalo lang akong nagpanic. Tumambol pang lalo ang aking dibdib at lalo ko siyang naitulak pero hindi siya nagpapatibag. It's as if his feet were already glued on the floor.
"Hinahamon mo ko. Hindi mo yata talaga ako kilala. It's going to be easy for me to kill you and your p***y mate just by marking you and claiming you as mine..." Malumanay ngunit puno ng pagbabanta niyang bulong.
Muli kong nadama ang kanyang mga pangil sa aking balat. Sa mismong parteng nakalaan lamang para sa marka ni Luhence...
Lalo akong ginapangan ng takot. Doon na tuluyang nanubig ang aking mga mata hanggang sa unti-unti nang pumatak ang aking mga luha.
"T-Tama na! Tama na!" Palahaw ko nang madama kong muntik na niyang ibaon ang kanyang mga pangil sa aking balat.
Unti-unting lumuwag ang kanyang hawak sa akin hanggang sa tuluyan niya na akong nabitawan.
Parang nawalan ng lakas ang aking mga tuhod. Napasalampak ako sa sahig at naitakip ko sa aking luhaang mukha ang aking mga palad na nanginginig pa ngayon sa takot.
"Tama na... Tama na..." Garalgal ang tinig kong sabi.
I heard Callus let out a heavy sigh. Nadama ko ang muli niyang pagluhod at nang hawakan niya ang aking mga braso para alisin ang pagkakatakip ko sa aking mukha ay ganoon na lamang ang aking takot.
My eyes met his intense gaze. His jaw is clenching dangerously but the smirk on the corner of his lips made my heart pound faster.
"I told you. You wouldn't like it once you get me angry, pup." He muttered. Hinawakan niya ako mula sa aking baba saka niya inipit ang aking pisngi. "Don't you dare mess with my temper. Sa susunod, hindi ka na maliligtas ng mga luha mo...tandaan mo 'yan."
Marahas niyang binitiwan ang aking panga saka siya tumayo at tumalikod sa akin. Luhaan at takot ko siyang pinanood na magmartsa palabas ng selda hanggang sa marahas na niyanh maisara ang pintong bakal.
Nanginginig ang palad kong pinalis ang aking mga luha. Hindi ako makapaniwalang nagawa kong umiyak at magpakita ng takot sa harap niya.
Looks like this is going to be harder than I thought. Muntik ko nang makalimutan.
I am dealing with Callus Grivence...and mercy doesn't exist in his vocabulary.