Chapter 12 Turn on big time FIVE YEARS AGO I woke up with the smell of bacon and eggs. Nang imulat ko ang mga mata ko ay napansin kong iba ang kwartong tinutulugan ko (well, iba-iba naman talaga ang tinutulugan ko pero mas iba ito) and then it hit me. Everything was real. What happened last night was real. I’m at Greg’s unit and I’ll be staying here for the mean time. Nang ituro niya ang kwarto ko kagabi ay umakyat na siya sa kwarto niya at hindi na muli pang lumabas. Pagod nga talaga siguro siya. Inayos ko muna ang sarili ko bago ako lumabas ng kwarto dahil si Greg ang haharapin ko. Kailangan maganda ako palagi. Nadatnan ko siya sa kusina na mag-isang kumakain. Nang maramdaman niyang papalapit ako ay ibinaling niya ang ulo niya sa direksyon ko. “Good morning, Greg!”

