Sina Simeon
TALONG!
HINDI ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko at naisipan kong pumayag sa gusto ni Xian. Ngayon nga, hindi na ako makaaatras pa dahil nandito na ang katawang lupa ko sa kanila. Laking tuwa ko nang agad kong mabalitaan na wala sa bahay si kapitan, na sa isang seminar. Sana, sa isang buwan pa niya maisipang umuwi.
Naka-upo kami sa metal chair coated with white paint. Ang aliwalas ng kabuuang lugar. Sobrang tahimik. Hindi rin gano’n kaliwanag sapagkat may ilaw na nanggagaling sa kabilang sulok, kung saan makikita roon ang mga rebulto ng iba’t-ibang Santo. Sa kaliwa namin, mapapansin ang makitid ngunit mahabang Pool. Dito siguro naganap ang nag-swimming party nila Xian kasama ang team niya nang makaraang Fiesta. Nakasisiyang pagmasdan ang mga tanawin sa bakuran nila.
Nakaharap siya ngayon sa Laptop, sa tabi nito, ang isang ipad at in-trend phone niya. Hindi na sila gumagamit ng mga hard copy learning materials, nasa digital age na tayo ngayon kaya puro PDF nalang.
Iyong mga pinapagawa niya sa akin, ini-scan niya raw at ginagawang soft copy. Hindi na ako magtataka dahil sikat ang university na pinapasukan niya rito sa Probinsya. Nagkataon lang na malapit ang sa akin kaysa sa kaniya. Tama lang sa kaniya ang malayong paaralan dahil may kotse naman siya.
“Wanna swim later?” tanong niya sa akin. Hmmm… it’s good idea, pero hindi ako sanay. Baka sipunin lang ako. Gabi pa naman.
“Tapusin mo muna ang pagre-review,” ang dahilan ko nalang pero nilalamig talaga ako. ‘Humanda ka sa akin. Something surprising waits for you.’ Napangiti nalang ako ng patago habang iniisip ang bagay na ito.
“Tinatamad nga ako,” ang sabi niya. “I thought, you’re here to help me but… look what you are doing, you are gazing the views. That wouldn’t help me pass the exams.”
Hindi naman ako na-inform na babasahin ko pa sa kaniya ang mga nakasulat sa files. My duty is to solely accompany him and assist him with some stuff, not all stuffs.
“As I observe, mukhang kaya mo naman na,” matipid na saad ko. Nakakapanibago na kami lang dalawa ang tao ngayon. Hindi pa ako sanay na siya lang ang kasama ko.
“Nope, you’re wrong,” wika nito. “Wala ngang pumapasok sa isip ko. I am about to die.” Kunwari pang nakahawak sa ulo niya. Hinihimas na para siyang nakaka-experience ng migraine at the moment.
“Nagre-review lang mamamatay na agad?” tanong ko.
“Eh ang dami kasi! I am not used to it.”
“Patingin nga!” Tumayo ako at humarap sa laptop niya. Nakita ko ang pure ordinary document na wala manlang ni isang highlights. Malilito talaga siya sa ginagawa niya. Ang hirap mag-review na wala manlang tanda ang mga important terms.
“Mag-highlight ka kasi para mabilis mong matandaan ang mga mahahalang details sa text,” saad ko. Medyo malabo na ang mata ko kaya lumapit ako sa screen ng laptop para mabasa kung ano ang nire-review niya.
Napatikhim siya. Naramdaman ko ang hininga niya sa batok ko. Dito ko napagtanto na ang lapit-lapit lang pala ng mukha niya sa batok ko. Naharangan ko na siya mula sa screen.
“Sorry, medyo malabo na kasi ang mata ko,” nahihiya kong wika. “Hindi ko na masyadong mabasa ang nasa text.”
“For real?” ang tanong niya. Tumango ako. “Siguro kababasa mo iyan, dapat pala nagpagawa ka ng reading glass.”
I felt a bit of care from him.
“No need. Kaya ko pa naman. May times lang talaga na maliit ang font at nagiging blurry na kapag matagal nang nababad sa pagbabasa,” ang dahilan ko.
Naisip ko lang, may girlfriend kaya si Xian? Mabait siya, guwapo, pero minsan ay may-sayad din ang ugali.
“Okay. Let’s start!”
Ngumiti ako sa kaniya at inayos ko na ang sarili ko. Hiling ko na sana ay gumana ang utak ko ngayon, dalawang subjects lang re-review-hin niya tonight, exempted na siya sa ibang sub dahil sa pagiging athlete niya. Mainam nga, at ang babait ng mga prof niya. Kasi naman nag-uuwi rin sila ng karangalan sa university nila. Incentive na sa kanila ang exempted.
Lahat ng taktita ko sa pag-babalik-aral ay tinuro ko sa kaniya. Ang pagbabasa ng malakas upang mas tumatak sa isip ang mga words kapag binibigkas ito ng malakas. Kasama na rin ang pagsusulat ng mga terms sa isang paper para mas ma-organize ng maayos ang scope, mas mabilis mahahanap ang mga terms in-case na malimutan ang ibig sabihin nito.
Nalaman ko na multiple choice naman ang exam nila. May 25 percent probability na makakakuha ka nang tamang score. Ang tricky kaya ng multiple choice as type of assessment kasi maraming mga choices. When there’s a high level of homogeneity in the four choices, sobrang nakalilito.
Syempre, hindi mawawala ang understand and familiarize the concepts, not just memorize them. But here are the above all, ang pambansang peanut and chocolates.
Ang cute panoorin ni Xian kahit nahihirapan siya. Nakikita kong binibigay niya ang best niya dahil gustong-gusto niya na makapasa. Mas rewarding kapag pinaghihirapan ang isang bagay, hindi ba?
“Mali ka!” ang wika ko. May punishment kami kapag nagkamali ka ng bigkas sa mga important terms.
“f**k!” hindi siya makapaniwala. “Really!?” Pinakita ko sa kaniya ang papers, may binanggit siyang terms na hindi naman included sa unit na ito.
“Arg! Okay, punish me!” He’s being submissive nang mapagtanto niyang mali talaga siya. Ngumiti siya sa akin. Handa na siyang tanggapin ang una niyang parusa.
“Pumili ka ng kulay ha?!” ang utos ko sa kaniya. Tumango naman siya.
“Black, white or gray?” Gusto kong matawa pero kailangan kong pigilan.
Bawat kulay, tumutukoy sa gulay na pinaka-ayaw niya. Ito ay ang Talong, Okra at Ampalaya. Naisip ko na ito kanina kaya bago kami tumungo sa kanila ay nagbaon na ako para naman may-thrill. Hindi ko sinasabi sa kaniya na may ganito until nagsimula na kami. Wala ng espasyo para tumanggi siya dahil uuwi ako kung ayaw niya.
“Oh gosh!!! Kahit ano namang piliin ko, walang papabor sa akin. I am wearing a white, gimme that white!”
“Sure ka na riyan? White talaga!?” paninigurado ko. Baka masira agad ang mood niya rito sa punishment niya, nag-uumpisa pa lang kami.
“Yup!”
Kinuha ko ang white box. Dahan-dahan ko itong binuksan habang nakatingin sa mukha niya na tila kinakabahan. May trauma na ata siya sa mga gulay na ito. Hindi ko malaman sa kaniya. Ang healthy kaya ng gulay kung bakit hindi niya magustuhan. Sa pagkaing ito kami lumaki.
“Boiled Eggplant?” gulat niya. Nakangiti akong tumango. “No! I won’t eat that!”
“Hoy, ang arte mo naman! Ang sarap kayang kumain ng talong. Nilaga pa iyan at gusto mo ba samahan pa natin ng ginisang bagoong?” ang igit ko.
“You love eating eggplants?” parang nandidiri pa siya. Tumango ako. Hinawakan niya ang kamay ko. “Wanna see my eggplant too?”
Natulala nalang ako sa sinabi niya.
“Xian?” May nagsalita sa likuran ko. Sa direksyon kung saan mismo nakaharap si Xian. Kilala ko kung kaninong boses ito. Hinding-hindi ako maaaring magkamali. Otomatikong rumagasa ang mahinang pagkabog sa dibdib ko.
Inayos ni Xian ang sarili niya at nagsalita. “Dad, I thought you have a seminar!?”
“MAXINE, sana lang talaga ay walang makaalam ng mga ginagawa natin. Ang sarap-sarap mo talaga!” saad ni Ignacio sa babaeng kasama niya habang nagsusuot ito ng sapatos. Nakaupo siya sa kutson ng hotel. Hubad pa ang pang-itaas at tanging itim na pantalon lamang ang suot. Ang babae naman, nakahiga pa sa puting kama, takip-takip ng puting kumot ang katawan nito.
“Ang hina mo naman ata ngayon, Ignacio. Wala bang second rounds?” igit ng babae. Naghanda ang babaeng ito sa matinding salpukan ng laman kaya naman nag-iba siya ng style ng buhok, nagpabango ng mahalimuyak at nakakaikit na amoy. Naglinis din siya ng katawan. Pero sa mabilis na pagkakataon, pighati ang bumalot sa emosyon niya nang wala mawalan ng gana si Ignacio. Nakaiisang round pa lang sila.
“May kikitain pa ako ngayon,” malamig na sagot ni Ignacio. Wala talaga siyang nararamdaman kay Maxine. Binata pa lang ito, iba na ang kaniyang gusto. Ito ang babaeng kikitain niya ngayon.
Inangat ni Maxine ang katawan niya, at naupo sa tabi ni Ignacio na ngayon ay tapos na sa pagsintas ng sapatos. Hinawakan niya ito sa braso at nagbabakasali na muling hulihin ang kiliti ni Ignacio na mabilis napawi. “Ang sabi mo kanina, hindi tuloy ang Seminar niyo? Sino naman ang kikitain mo?” paglalambing ni Maxine.
Hinalikan ni Ignacio ang kamay ni Mxine upang hindi mahalata ng dalaga ang nagsasawa na niyang pakikitungo rito.
“Alam mo naman na marami akong nilalakad? Saka nalang natin ituloy ang pagpunla sa iyo sa mga susunod na araw kapag hindi na busy ng schedule. I cannot do it right now!” paliwanag ni Ignacio. Hinalikan niya sa pisngi si Maxine.
“Mukhang hindi naman na kita mapipilit,” hayag ng dalaga. Kinuha niya ang long sleeves na hinubad ni Ignacio at sinuot ito sa lalaking sinsinta niya. Matapos, tumayo si Ignacio. Hinalikan niya ang noo ni Maxine at nagpaalam na.
‘Sana ay tuparin mo ang pangakong pagpapakasal sa akin, Kapitan. Sa iyong- sa iyo lamang ang aking buong katawan, pati ang pagmamahal ko ay sa iyo lang iaaalay,’ bigkas ni Maxine sa sarili habang pinagmamasdan si Ignacio na lumisan sa kaniyang paningin.
Nang makita niyang nakaalis na ito, agad siyang nagmadali. Gusto niyang imbistigahan kung sino ang kikitain ng kaniyang tagong nobyo. Higit na mausisa siya. Mabilis siyang nagbihis at nag-ayos ng katawan matapos ay lumabas.
Nakita niya ang sasakyan ni Ignacio, may dala rin siyang sasakyan, sinundan niya kung saang direksyon patungo ang nobyo. Sunod lang siya ng sunod at hindi pinapalata ang sarili. Maya-maya pa, huminto sa isang eskinita ang sasakyan ni Ignacio, ito ang baryo bago dumating sa kanilang barangay.
Nagtago si Maxine upang hindi siya mapansin nito. Maya-maya lang, may dumating na isa pang sasakyan. Pamilyar sa kaniya ang sasakyang ito kung kaya’t naitriga siya kung sino ang sakay nito. Pinagmasdan niya ang buong pangyayari. Sa sasakyan, bumaba ang isang babaeng kilalang-kilala niya.
‘Donya Catripia?’ bigkas nito sa sarili.
Nag-usap sandali si Ignacio at ang babae hanggang sa may inabot na itim na bag ang babae kay Ignacio.
‘Ano kaya ang pinag-uusapan nila? Kung malapit man sila sa isa’t-isa, bakit sila mag-uusap sa gitna ng madilim na kalye na walang nakakikita?’ Nabuo ang mga tanong sa isip ni Maxine.
Nakita niyang sumakay muli ang dalawa sa kani-kanilang sasakyan at umalis na.
‘Siya lang pala ang kikitain mo, Ignacio. Ano ang namamagitan sa inyo?’