Sina Simeon
GULOK, ito ang hawak ko ngayon. Walang kahit anumang masamang espiritung bumabalot sa akin sa mga oras na ito bagkus, nagtitipak ako ng yelo dahil may bisita kami, si Xian.
“Baka naman pati ako matipak mo.” Dumistansya sa akin ang kaibigan ko. “Hinay-hinay lang bakla.”
Ayan, siya ang dahilan kung bakit nandito si Xian ngayon. Nakatayo lang siya sa gilid ko at pinapanood ako. Nakapamewang pa na akala mong donya na nakatingin sa akin. Pinaghahanda namin ang bisita ng meryenda. Seryoso talaga si Xian na sumama ako sa kanila.
“Kapag hindi ka pa tumahimik, buto mo na talaga ang susunod kong titipakin.” Biniro ko siya na akmang tatagain siya.
“Ay, ate huwag po!” Hinarang niya ang kamay niya sa harapan bilang proteksyon.
“Pala-desisyon ka kasi!” saad ko. Binaling ko ang atensyon ko muli sa pagtitipak. Baka mainip na ang bisita sa salas. “Labasin mo muna si Xian nang may kausap doon,” utos ko rito. Natapos ako sa ginagawa ko at sinalin ko ang mga yelo sa pitsel na may lamang soft drinks.
“Tapos ka naman na! Sabay na tayo,” wika nito.
“Okay.” Kumuha ako ng tatlong baso at saka kinuha ang box na may lamang biscuit. Galing ito sa ayuda. Inayos ko ito sa platito.
“Kakainin kaya ito ni Xian?” tanong ko kay Kalay.
“Huh? Malamang pagkain iyan, gaga ka!” Dumukot siya ng isang biscuit. Hindi ko na siya sinagot. Lumabas na ako bitbit ang pitchel at platitong pinaglalagyan ng biscuits.
Nakita ko Xian na pinagmamasdan ang bahay namin. Hindi na bago sa kaniya ito. We used to play in here during our childhood years. Not actually in here but in the backyard, playing lots of childish games like; moro-moro, jolens and such. Bigla ko tuloy na-miss ang mga araw na iyon. Iyong mga araw na puro saya lang ang iniintindi ng mga bata. Ang dahilan ng kalungkutan before, kapag walang nakitang kalaro.
Nakangiti siya at mukhang komportable namang nakaupo sa traditiosyonal na silya. Iyong gawa sa kawayan at mayroong barnes na kulay orange, upang hindi ramdam ang tigas ng kahoy ay may nakapatong na doormat na malinis. Hindi namin iyon ginagamit bilang basahan, pansapin lang sa upuan.
“Mag-meryenda ka muna.” Binaba ko ang pagkain sa maliit na mesang gawa sa kahoy. Sa ibabaw ng lamesa, may telang nakatakip dito upang magkroon ng disenyo.
“Wow, soft drinks ba iyan?” Napatingin siya.
“Yes, bebe Xian! Ayan ang bitbit namin kanina,” sagot ni Kalay.
Tama si Kalay. Iyong soft drinks na binigay sa akin ni ate Maxine kanina. Tinabi ko ang isa para may mainom ang mga kapatid ko mamaya. Hindi naman sa madamot. Nagtitipid lang.
“Sakto, kanina pa ako nauuhaw!” Tumayo siya at agad na nagsalin ng inumin sa baso. Para siyang sangol na uhaw sa inumin dulot ng matinding pagod sa pag-iyak.
“Ang sarap ah!” Bigkas nito nang maka-inom.
“Kaya nga. Kakaiba ang lasa niya. Para siyang new product!” si Kalay naman at nagsalin pa ng panibago sa baso niya.
Wala pa ang pamilya ko, si Vhina ay nakila tita Edna, si Espirita naman ay hindi ko alam kung nasaang lupalop ng mundo, baka nasa laruan siya o maaaring kasama ni Vhina. Si nanay ay asual, nasa bukid.
“Sigurado ka talaga?” tanong ko kay Xian. Baka naman nabinat lang siya kaya kung ano ang pumasok sa isip niya at nais niya akong patulugin sa bahay nila.
“Sa tingin mo pupunta ako sa inyo at hihintayin si tita kung hindi ako sigurado?” sagot nito.
“Huwag ka nang mag-pabebe riyan, Sina! Kung away mo ay ako nalang ang sasama,” sabat naman ni Kalay. Gusto ko naman kaso, ang inalala ko ay si Kapitan, hindi kasi nila alam ang pinanggagalingan ko.
“Baka magalit daddy mo,” agam-agam ko.
“Nope. Unless sa kaniya ka tatabing matulog.” Tumawa siya ng mahinhin at ganoon din si Merin.
‘Kung alam mo lang ang muntik nang gawin sa akin ng daddy mo. Hindi mo ako bibiruin ng ganiyan’
“Oh, bakit hindi ka nakasagot? Gusto mong tumabi kay Kapitan no?” biro ni Merin. “Zhar!”
“May iniisip lang kasi ako,” ang sagot ko.
Naging seryoso ang mukha nilang dalawa at tumingin sa akin.
“What’s that? Sabihin mo kung ayaw mong pumunta sa amin dahil hindi ka rin naman makakatanggi,” saad ni Xian.
“Nope, mali ka!” sagot ko.
“Eh, ano?” tanong ni Kalay.
“Nag-iisip ako ng paraan kung paano ko mapuputol ang dila mo sa paraang hindi mo mamalayan,” wika ko kay Kalay.
“Kaloka ka!” Hinampas niya ako sa dibdib ko. Si Xian naman ay bahagyang natawa.
Maya-maya lang, may biglang pumasok sa pintuan. Napatingin sa akin si Kalay nang makita kung sino ito.
“Hindi mo manlang ba ako ipapakilala sa anak si Kapitan, Sina?” Napatingin si Xian rito.
“Tita, Azusulayta? Bakit po?” sagot ko sa kaniya. Ano naman ang ginagawa ni tita sa bahay? Nakita niya siguro ang sasakyan na nakaparada sa labas.
“Ipakilala mo ako sa bisita mo,” wika niya at ngumiti pa ng plastic na ngiti. Parang lasing si tita. Naka-inom siguro siya ng lambanog. Amoy ito sa katawan niya.
“Xian, si tita Azusulayta nga pala,” pakilala ko kay Xian. Kilala na ng mga tao sa barangay si Xian dahil nga siya ni Kapitan. Kagaya ni tita, sigurado na aandar na naman ang mga hinuha ng mga chimosa.
“Hello po.” Nagmano si Xian kay tita.
“Hindi na ako magtataka kung magandang lalaki rin ang anak ni kapitan,” ani ni tita at naupo siya tabi ni Xian.
“Ah-eh, hindi naman po,” nahihiyang saad ng binata. Inabutan ko si tita ng inumin bago niya pa ako utusan. Ramdam kong gagawin niya iyon. Hindi manlang siya makiramdam na may bisita.
Kinuha niya ito at uminom. “Anong ginagawa mo rito, Iho? May atraso ba sa iyo ang pamangkin ko?”
‘Mukha ba akong basalogero na nanunugis ng icepick sa kanto?’
“Wala naman po. Inaaya ko lang po si Sina na matulog sa amin. Magpapatulong ho sana ako sa mga gawain sa eskwela,” paliwanag ni Xian. Nakita ko si Kalay at halatang irita rin siya sa tita ko.
“Naku iho, mukhang nagkamali ka ng desisyon mo. Huwag mong patulugin si Sina sa inyo at malikot ang kamay niyan. Baka umandar pa ang kakatihan ng kamay, eh magkanaw pa sa inyo! Walang pantutubos riyan ang nanay niyang hanggang ngayon ay nasa bukid at nagpapakapagod sa paghahanap buhay!” pamamahiya sa akin ni tita.
Sa mismong bahay pa namin talaga. Normal na pala ang pagsasalita niya. Abnormal lang ang mga salitang lumalabas sa bibig niya.
“Lasing na po kayo aleng Zuzu. Hindi po gan’yan ang kaibigan ko. Xian huwag kang maniwala sa kaniya,” pagtatanggoal sa akin ni Kalay.
Tumingin sa akin si Xian. Nahalata niya na nasaktan ako sa sinabi ni tita pero nagkibit balikat nalang ako dahil sa lasing si tita. Sanay na sanay na ako sa kaniya. Nahihiya lang ako para sa mga kaibigan ko.
“Huwag kang makisali sa usapan bakla ka! Hindi ka parte ng pamilya. At syaka huwag ka ngang sama nang sama rito kay Sina! Kung ano-anong kabaklaan ang tinuturo mo sa pamangkin ko!” Malakas ang boses ni tita. Baka marinig pa kami ng mga kapitbahay, mas nakahihiya.
Tumayo ako at hinawakan si tita sa braso niya. “Tita, umuwi na po kayo, napasobra po ata ang lambanog na nainom niyo,” pagpapakalma ko kay tita. Nakakahiya tuloy kay Xian. Nasaksihan niya pang ganito si tita.
“Huwag mo akong pakialaman, Sina! Hayaan mong duruin ko sa bibig ang baklang bastos!” Winaksi ni tita ang mga kamay ko. Tumayo siya at biglang lumapit sa kinalalagyan ni Kalay. Hahablutin na sa sana niya sa buhok ang kaibigan ko ngunit napigilan siya ni Xian.
“Tita, umuwi na po kayo sa inyo!” Hindi ko na napigilan ang sarili ko at nasigawan ko na siya. Nagulat siya at napatingin sa akin.
“Aba, mas pinagtatanggol mo pa ang kaibigan mong bakla kaysa sa sarili mong kadugo!? Porque kasama mo ngayon ang anak ni kapitan ay pinag-tataasan mo na ako ng boses!” baling ni tita sa akin. Nakita ko ang kamay niyang pasampal sa mukha ko ngunit bigla siyang natigilan nang may sumigaw.
“Si ate ituloy mo! Sampalin mo ang anak ko at tayong dalawa ang magtutuos!” tinig ng boses na galing sa pintuan.
“Jana?”
TAMANG- tama nasa bungad na ng bahay si Jana nang marinig niya ang boses ng hipag niyang si Azusulayta. Nagmadali siya at nang makarating sa pinto ay nanlaki ang mata niya dahil akmang bibigyan nito ng sampal ang anak na si Sina.
“Si ate ituloy mo! Sampalin mo ang anak ko at tayong dalawa ang magtutuos!” matapang na sabi ni Jana sa kapatid ng nasirang asawa. Pagod siya sa trabaho at ganito pa ang aabutan niya kaya biglang nag-init ang dugo nito.
“Jana?” Bigkas ni Azusulayta at binaba ang kamay niya.
“Umuwi ka na ate sa inyo, baka magkasakitan lang tayong dalawa!” wika pa ni Jana. Napansin niya ang lalaking kasama ni Sina, kilala niyang si Xian ito.
“Huh! Pagbawalan mo ang anak mong makitulog sa ibang bahay! Mahiya kayo!” Salitang iniwanan ni Azusulayta bago tuluyang umalis. Tumingin si Jana sa anak upang tanungin kung ano ang sinabi ng kaniyang hipag.
“Ah—tita…” nagmano si Xian kay Jana kasunod naman si Kalay. “Aayain ko po sanang matulog si Sina sa amin upang tulungan ako sa pagre-review.” Paliwanag agad nang lalaki. Ngayon ay malinaw na kay Jana ang tinuran ng hipag.
Naupo sila at sinalinan ni Sina ng inumin ang ina para mahimasmasan.
“Iho, patawad na sa nasaksihan mo. Nakakahiya sa iyo, hindi mo dapat nasaksihan ang ganoong bagay,” saad ni Jana.
“Ayos lang po iyon sa akin, tita. Sanay na po ako sa mga lasing, hindi na po bago sa akin iyon,” paliwanag ng binata.
Maya-maya ay biglang dumating sina Espirita at Vhina kasama si Edna.