Kabanata XVIII: Imbitasyon

1899 Words
Jana Simeon             PAUWI ako galing sa tindahan nang makita ko si Mareng Wena sa hindi kalayuan. Napansin niya rin ako. Nakasuot pa siya ng uniform, mainam at nakalabas siya sa mansyon. Kinawayan ako nito kaya’t huminto ako sa puwesto ko at lumapit siya sa akin. Matagal na kaming hindi nakapag-usap ng kaibigan kong ito.             “Jana, pinapasok mo pala sa mansyon si Sina,” agad na bungad nito sa akin. Walang tao sa paligid, bukod sa aming dalawa at sa mga dumaraang tricycle.             “Oo Mare, mapilit e. Alam mo naman ang batang iyon, gustong-gusto na makatulog sa amin. Wala na akong nagawa kaya pumayag na ako,” hayag ko ng rason dito. Tumingin siya sa akin nang blanko ang eskpresyon at tila nag-iisip. “Saka alam kong nandoon ka naman sa mansyon, alam kong hindi mo pa babayaan ang anak ko.”             “Sabagay, Jana. Napansin ko nga kay Sina ang pagiging masipag niya.” Huminto siya saglit at mas lumapit pa sa akin. “Eh alam niya na ba ang totoong nangyari sa inyo ni Catripia at kay Ador?”             Alam ni Wena ang lahat dahil isa siya sa kaibigan ko noong mga dalaga pa kami. Tumanda na siyang dalaga dahil sa hindi niya madalas na lumabas ng mansyon.             Hindi ako nakasagot sa tanong niya. “Mukhang hindi ka pa handang sabihin kay Sina ang totoo. Huwag kang mag-alala, babantayan ko siya, lalo na kay Carmen. Kilala mo naman ang baliw na babaeng iyon,” hayag pa nito.             Si Carmen, ang kaibigan ni Catripia na parati naming hindi nakakasundo ni Wena dahil sa mapagmataas na ugali nito. Feeling niya ay anak din siya ni Don Bartolome,  ang ama ni Catripia. Hindi niya alam na isa lang din siyang katulong sa Mansyon. Porqoue napalapit na siya sa Donya, ang buong pag-aakala niya, Donya na rin siya. Nahihibang sa pag-iisip ang babaeng iyon. Darating din ang panahon na magigising siya sa katotohanan.                 “Siya nga rin ang nasa isip ko. Isa pa, hindi ba’t malaki ang galit ni Wena sa mga bakla? Baka kay Sina niya ibuntong ang galit niya,” pag-iisip ko. Nag-aalala tuloy ako sa anak ko. Paano kaya kung patigilin ko nalang siya? Pero hindi naman papayag iyon. Magkakatampuhan lang kami muli.               “Ako na ang bahalang magbantay kay Sina. Huwag kang mag-aalala, Jana. Kung dati, hindi kita natulungan noong inaalipusta ka ni Donya, ngayon ay handa na akong lumaban at ipagtanggol ang anak mo, si Sina.”             Gumaan ang loob ko sa sinabi niya. Bakas sa tono niya ang salitang ‘Paninindigan at Tapang’             “Oh siya, ako ay magmamadali na at baka makita pa ng Donya na wala ako sa mansyon. Maghasik na naman ng apoy iyon,” paalam nito sa akin at bahagyang ngumisi. Tumalikod siya at naglakad pabalik ng masyon.                 Kailan kaya ako magkakaroon ng lakas ng loob na sabihin kay Sina ang totoo? Mabuti nalang at nandoon si Wena sa mansyon. Alam kong tutuparin niya ang pangako niya sa akin na babantayan si Sina. Hiling ko lang na sana dumating na rin ang takdang araw na ang tadhana na ang bahalang magpaliwanag sa lahat.             ‘Alam ko na may hakbang na ginagawa si Catripia. May plano siya kung bakit nagbalik siya galing sa ibang bansa.’            Sina Simeon             “TULUNGAN na kita riyan sa bitbitin mo!”  Sumulpot na naman si Kalay kung saan man.  Kinuha niya ang isang boteng soft drink na hawak ko at siya ang nagbuhat nito. Nakita ko ang magandang ngiti nito sa mukha.                “Alam mo, minsan iniisip ko kung isa ka bang sang’re; bigla-bigla ka nalang sumusulpot sa tabi-tabi,” ang bati ko sa kaniya. Nagugulat nalang talaga ako. Baka sa susunod, hindi ko na mapigilan ang sarili ko, masapok ko na siya sa gulat.             “Malay mo naman din, isa akong alien na nagkatawang tao na may kaikit-akit na wangis katulad ng isang diyosa ng kagandahan!” malanding bigkas nito.                    “Che! Mukha kang piniritong pusit!” ang wika ko habang tumatawa.             “Wow ha! Adi ikaw na ang mukhang dinaig na bilasang bangus.”             Pinagpatuloy namin ang paglalakad hanggang sa mapadaan kami sa tambayan na may mahabang upuang kahoy.             “Kanina ko pa napapansin ang pagka-blooming ng face mo,” wika ko sa kaniya.             “Well, what happened to a plant kapag sagana sa natural na dilig?” nakangiting tanong niya at nag-pose pa ng dalagang Pilipina, iyong nagpapa-cute at nakalagay ang diliri sa taingang puno ng tutuli. Zhar.             “Alam mo Kalay,” tumingin ako sa kaniya “ang dami ko nang problema dinaragdagan mo pa, ikaw ang inspirasyon ko para mamatay, bakla ka!” sagot ko sa kaniya. Nangawit ako sa bitbit ko kaya binaba ko ito sa upuan.             “Eh ano na naman bang problema mo!? Sa tuwing masa-sight nalang kita, palagi kang may problemang bibit. Chika mo ulit para mabawasan ang frequency,” ang sagot nito.             Balak kong i-kuwento sa kaniya si Carmen. Ang malditang katulong. Nais kong malaman kung ano ang magiging reaksyon ni Kalay sa babaita.             “Nag-umpisa na kasi ako ng worksung sa mansyon. Actually kakatapos ko lang,” pagsisimula ko.             “Wait!” Pinatagil niya ako at may dinukot na naman siya sa bulsa niya. Ang mint candy at inabot niya ito sa akin. Tinanggap ko naman ito at sinubo bago ulit magsalita.             “May katulong doon na sobrang taray…” saad ko.             “Bakit anong ginawa niya sa iyo? Sinaktan ka ba niya? Sinabit ka ba niya sa kisame? Pinukpok ka ba niya ng dospordos? Pinakain ka ba niya ng apoy? Pinalunok ka ba niya ng bubog? Pinaamoy ka ba niya ng bulok na erna? Anong ginawa niya sa iyo? Sabihin mo, Sinaaa!” Eksaherada ni Kalay habang winawagayway ang katawan ko.             Kinurot ko ang pisngi niya upang matauhan siya.  Napakadami nitong sinabi.             “Sasakalin na kita riyan!” yamot kong turan at pinandilatan siya ng mata.             “Ituloy muna! Ang sakit ng kurot ha! Baka sabihin ni lola gawa na naman ito ng mga lalaki ko. Alam mo…”             “Sino ba ang magku-kwento, ako o ikaw?” pagsingit ko sa kaniya. Ilang kipay ng baboy kaya ang pinakain sa kaniya noong bata siya at sobrang daldal niya.             “Oh ikaw muna…”                       “Final desisyon?” paninigurado ko. Mamaya, magbago na naman ang isip niya.             “Grand finals at its highest decision!” Nakakaloka talaga siya.             “Wala naman, dinuro niya lang ako sa noo...” pagsisimula ko ng kuwento. “Pero keri lang iyon, ang masakit lang, sinabi niya pang ayaw daw niya sa bakla at mukha daw akong puwing sa paningin niya.” Para akong bata na nagsusumbong kay Kalay.             “Aba! Nakagigigil naman pala ang katulong na iyon. Akala ba niya, siya ang taga-pagmana ng ari-arian? Ang dakilang Heredera? Huwag ko lang makikita ang wangis ng babaeng iyon, dudungisan ko talaga ang pagka-tao niya. Okay lang na manakit siya ng pisikal pero iyong sasabihin niya na ayaw niya sa bakla, frend Sina, below the belt na iyon. Isa siyang inaamag na HOMOPHOBIC! Gagawin ko siyang litchon! Ang gigil ko abot hanggang sa Azgard! Miss, na-miss ko tuloy si daddy Thor.”             Hindi ko mapigilang mapahagalakpak ng tawa dahil sa mga sinabi nito.             “Siyang tunay.”             “Eh ano namang ginawa mo? Hindi ka lumaban?”             “Hindi, gaga. Starting pa lang ako. Saka may CCTV naman roon kaya makikita ni donya ang ginawa niya sa akin,” paliwanag ko.             “Mabuti naman, sana ay maturuan ng leskyon ang demonyitang iyan. Basta kapag sobra-sobra na ang ginagawa niya. Huwag kang magdadalawang isip na balian siya ng leeg nang matigil,” natatawang turan ni Kalay na may kasama pang todong panggigigil.             “Eh ano naman ang chika mo?” Baling ko sa kaniya. Namula agad ang pisngi niya, hindi pa man din nauumpisahan ang pagku-kwento.  May dinukot siya muli sa bulsa niya. Nakita kong papel ito na nakatiklop. Binuksan ni Kalay iyon at nakita ko na pulbos ang laman nito. Nagpahid muna siya ng pulbos sa mukha bago sumagot.             “May naka-chat ako kahapon… mukhang ang guwapo niya, mayaman at daks! Ang kaso ay hindi natuloy. Baka nawalan siya ng signal, sayang.”             “Ipagdarasal ko nalang na magbunga ang lahat ng paghihirap mo. Makahanap ka sana ng foreigner na hindi lang ibibigay your earthly cravings but the one who will also take care of your soul and will help you enrich your life and purpose.”  Nakangiting bigkas ko, naalala ko lang ang mga sinabi sa akin ni sir Widz.             “Hope you too rin,” sagot ni Kalay. May humintong sasakyan sa gawi namin ngunit hindi ko siya pinansin dahil nahulog ang barya ko sa bulsa at pinulot ko iyon.             “Eh, sa tingin mo sino siya? Nagsabi ba ng name?” sagot habang patayo.             “Xian?” bigkas ni Kalay.             “Si Xian?” gulat kong sagot at humarap sa kaniya.             “Oo, ayan si Xian.” Tumuro siya sa harapan namin. Nakita ko si Xian na nakatingin sa aming dalawa ni Kalay, siya ang driver at sakay ng sasakyang huminto sa tabi namin ni Kalay. Nakita namin siya dahil nakababa ang tinted na salamin ng sasakyan. Akala ko si Xian ang naka-usap niya sa online.             “We have to talk,” nakangising wika niya. Bumukas ang pinto ng car at bumaba ito. Nakasuot lang siya ng puting shirt, sweat shorts at naka-sapatos ng pam-basketball.             “Magaling ka na?” ang tanong ko sa kaniya. Parang kahapon lang, maysakit pa siya ah?             “Ay, ano iyan? Updated sa kondisyon ng isa’t isa? May kailangan ba akong malaman na hindi niyo sinasabi sa akin?” Kinikilig na turan si Kalay. Tumingin si Xian at ngumisi sa kaibigan ko. Para namang nalusaw ng buong-buo si Kalay.             “Yeah. Nakita mo naman, hindi ba!?” pamimilosopo nito sa akin.             “Ang guwapo mo bebe Xian!” saad ni Kalay. Marahan kong sinupalpal ang bibig niya upang tumigil siya, nakahihiya.             “Pumasok na agad? Baka mabinat ka niyan,” ang pag-aalala ko.             “Anong sabi ng concern?” si Kalay.             “You have concern about me?” tanong ni Xian.             “Oo, pero hindi masyado,” kubli ko. Syempre, baka bawian na agad siya ng buhay. Malawan pa ako ng part time. Hindi na magkakapera si Sina, biro lang.             “Aws.” Hinawakan pa nito ang dibdib niya na akala mo, totoong nasasaktan. Ang weird ni Xian ngayon, parehas sila ni Kalay.             “Anong sa atin? May ipapagawa ka ba?” Nakikinig lang si Kalay. Tumahimik na siya.             “Yeah. I am here to invite you to come over to our home, I have exams this week and I needed someone who can assist me in reviewing all our previous lessons. Let’s do it overnight,” sabi ni Xian.             “Overnight?” gulat ko. Tumango siya. “Oo, don’t you want?” “Baka hindi ako payagan ni nanay. Saka marami rin akong gagawin,” patanggi ko.  Ang totoong dahilan niyan, ayaw ko na mag-overnight sa kanila. Nandoon kaya si Kapitan. Masisira lang ang mood ko kapag nakita ko ang bastos na lalaking iyon. Hindi ko pa siya matulungan sa pagre-review. Imbis na makapasa siya, bumagsak pa dahil sa akin. Hala, nag-o-overthink na ata ako?             “Isama mo na ngayon si Sina, bebe Xian. Ako na ang bahalang magpaalam kay mamita Jana,” ang sabi ng paladesisyon kong kaibigan, si Kalay.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD