Kabanata XXV: Signal

1679 Words
Sina Simeon             “WHO’s Vince?” tanong sa akin ni Xian. Nakakunot ang noo niya. Medyo malakas ang boses niya kaya nakuha niya rin ang atensyon ng mga kasama namin.             “Ah...” Nag-iisip ako ng idadahilan ko. Buti nalang, nakita ko ang suot ng babae sa harapan namin. “Ah- Vince, Kath and James iyon, bakit? Binasa ko lang iyong shirt ni ate.” Tinuro ko sa kaniya ang babae na nakaputi sa harapan namin. Tumingin siya roon.             “Grabe ka naman mag-selos, pre! Pati ba naman sticker sa shirt?” natatawang pang-aasar ni Justine. Siya iyong Moreno na parang native Filipino, guwapo at walang halong dugo ng banyaga. Hindi na nakasagot pa si Xian dahil dumating na ang mga pagkaing in-order niya.              ‘Ano kaya ang relasyon nina Donya Catripia and Vince?’             Umalis na si Vince at kumapit pa si donya sa kaniya. Inalis ko muna sa isip ko ito upang ma-enjoy ang moment ngayon. Baka minsan lang ito maganap. Susulitin ko na.             “Ang sasarap ng mga foods!” saad ni Kalay. Tama siya. Masasarap ang mga putaheng nakahain ngayon sa harapan namin. Ang iba rito ay ngayon  ko lang matitikman. Mukhang lutong pang mayaman.             “Mas masarap ako!” saad ni Fibo.             “Pa-try later ah!?” Pinanlakihan ko ng mata si Kalay upang itigil niya muna ang bibig niya, bilang pag-respeto sa harapan namin.                Talagang mabenta ang mall sa mga Pilipino, makikita  na kasi rito ang halos lahat ng kailangan mo, from your home needs, professional needs and some personal and leisure stuffs ay nandito na. Naalala ko lang iyong minor subject namin dati, marami raw ng mga mallers, nakadepende ang deskripsyon sa balak nilang gawin sa mall. Sa katunayan nga, may tatlong malls tayo na kasali sa sampung big malls in the world or in Asia ata- ang SM syempre. Ang iba, may simbahan pa, maganda nga naman na habang nage-enjoy, may chance pa rin ang mga tao to give service to the lord.             “Try this food,” Sinalinan ni Xian ang plato ko ng square pork coated with orange flour.             “T-Thanks.” Tinikman ko ito. Lasa lang siyang baboy na pinirito at maanghang. Maganda lang ang presentation ng mga pagkain. Isa sa mga binabayaran sa mga kainan sa labas, bukod sa lugar at quality service. Kaya katulad namin nila Kalay na gusto makatipid, kahit bet namin, hindi kami kakain sa mga ganitong kainan. Sayang ang pera, mahirap kitain.              “Ako rin, bigyan niyo!” sabi ni Kalay sa tatlong lalaki at nakuha naman niya ang atensyon ng mga ito.             “Huh? Do it on your own, you have your hands!” sabat ni Justine.  Nakabusangot namang pinagpatuloy ng kaibigan ko ang pagkain niya. “First attempt pa lang, reject kineme na agad.” “GRABE nabusog ang mga fairy ko sa loob ng tiyan! Thank you fafa baby Xian! Ang sasarap ng mga foods! Kung hindi dahil sa inyo, hindi pa matitikman ng mga sikmura namin ang mga ganitong foods,” salita ni Kalay matapos ang pagkain namin. “I have to go, bro. Thanks sa treat. Next time, road trip naman tayo sa Baguio, my part!” paalam ni Fibo. “Ay uuwi ka na cutie Fibo?” malungkot na tanong ni Kalay. Naka-pouty lips pa siya.  “Yup! I’ll meet my future wife. Wanna go and be our chaperon?” Nagtawanan ang tropa. Napabusangot nalang ang mukha ni Kalay at pinagkapit ang dalawang braso. “Me too bro! I have things to do. By the way, I love meeting u, Sina,” si Vincent. “Teka lang, saan kayo sasakay? Mag-commute?” tanong ko sa kanila “They have their own cars, dala ng mga drivers nila. Nakasunod sa atin kanina.”             Taray pala.  Ito nalang ang masasabi ko.              “Punta ka rin sa bahay ha? Ikaw langm huwag mo isasama iyan,” saad naman ni Justine. Ang tinutukoy na huwag isasama ay si Kalay.             “Magsi-alis na nga kayo! Nagdidilim ang paningin ko!” sabi ni Kalay habang nakatingin sa balat ni Justine.             “Ay bro, trip ka oh!” wika nina Vincent at Fibo.              “Grabe ka naman kulay ko,” depensa nito. Lumapit siya kay Kalay. Nang makalapit ay tinakpan nito ang ilong niya. “Do you know that this skin color has destroyed lots of women’s heart?” Kinindatan niya si Kalay.                  Umalis na ang mga kaibigan ni Xian pero si Kalay nananatili pa ring hibang. Tinamaan sa sinabi ni Justine.             “I think, I found the one.”              Hinila ko na siya dahil may mga dumaraan ding ibang tao sa puwesto namin, Nakaharang siya sa magandang daloy ng paglalakad.   SUMAPIT ang gabi at nagdesisyon kaming umuwi nang tatlo. Ang tiyaga ni Xian, kahit walang kibo ay sumama siya sa amin ni Kalay sa paglilibot namin. Mga mahahalagang bagay ang binili ko dahil ayaw kong ubusin ang pera sa mga wala namang katuturan. Don’t live beyond your means, ika nga.             Hinatid kami ni Xian sa kanto namin. Si Kalay, dumiretso nang umuwi sa kanila dahil baka hinahanap na siya ni lola. May masayang ngiti sa labi, naglakad ako papasok sa aming bakuran. Agad na sumalubong sa akin ang nagkakasiyahan at malalakas na halakhak.             ‘Ano kaya ang pinag-uusapan ng pamilya ko at mukhang nagkakasiyahan sila?’             “Hindi naman po ako nasabihan na mayroon pa lang pagtitipon na magananap ngayong gabi,” masayang pagkuha ko ng atensyon nila. Nagtagumpay naman ako at nagtingian sila sa akin.             “Oh, nandiyan na pala si Sina,” gulat ni Nanay. “Ano ba iyang mga dala mo?” Lumapit siya sa akin upang tulungan ako sa mga bitbit ko. Tumanggi na ako dahil hindi naman ito kabigatan upang manghingi pa ng tulong.             “Sumahod na po ako, nay.”             “Wow! May pasalubong pa ako riyan, Diko?” Niyakap ako ni Vhina sa binti ko. Sa yakap niyang iyon, agad na napawi ang pagod na naranasan ko sa trabaho.             “Mukhang galing ka ng mall Diko, ah! Amoy ko pa ang aircon sa damit mo!” Inamoy naman ni Espirita ang kasuotan ko.             “Hayaan niyo munang maibaba ng Diko niyo ang mga bitbit niya bago kayo magsilapitan. Mga batang ire, parang mga walang modo!” biglang lumapit si tita Azusulayta sa akin. “Sina, iyong pinangako mo, ah.” Lumayo ang mga kapatid ko sa akin nang makita si tita.  Parang nakalimutan na ni tita kung ano ang ginawa niya sa akin noong isang araw. Tapos ngayon, may lakas ng loob pa siyang kausapin ako ngayon?              Nagtingin sa kaniya ang mga tiyahan at amain ko. “Aba 'te, nauna ka pang humingi ng salapi sa tunay na ina!” salita ni tito Juan.             “Monster kasi si tita!” Pumapalakpak na wika ng kapatid kong si Vhina. Agad namang tinakpan ni Espirita ang bibig nito at dinala sa tabi ni Nanay. Hindi na pinansin ni tita ang kapatid ko.             “Wala kang pake, Juanito. Mainam nga kayo. May bibili na nang mga ani niyong gulay. Eh, sa akin, ano? Huh? Anong darating sa akin?”             Tila nagliwanag ang punong tainga ko sa sinabi ni tita. Ayon siguro ang dahilan kung bakit sila nagkakasiyahan ngayon.             “Talaga po, nay?” masiglang tanong ko.             “Oo, anak. Hindi talaga tayo pinapabayaan ng Diyos at ito, unti-unti na tayong nakababangon,” masayang saad ni nanay. Grabe talaga si Lord man-shock ng blessings. Sana tuloy-tuloy na.              “Mamaya, ah? I-abot mo sa akin. Mag-mine-mine ako ng mga damit sa f*******: live. Kailangan ko ng load, pang-sss 10 lang.” Umalis na siya.           Akala mo kung sino kung makahiling sa akin. Parang may patago e.              Sa GITNA, nang pamamahinga ng mga Simeon, magaganap ang muling bangungot sa kanilang buhay. Dala ng tatlong lalaking tago ang mga mukha ang isang sound-free automatic grass cutter. Mapapansin sa mga ito ang pagiging hayok sa ipigbabawal na gamot dahil sa gising na gising na diwa nila, mapupula na mga mata, pati na rin ang magang talukap sa tindi ng ginagawang pagpupuyat. Sinigurado muna nilang walang tao na makakakita sa gagawin  nila ngayong gabi. Nang makasigurado na walang makakasaksi sa kanila, walang habas na sinira ng mga ito ang gulayan nila Sina. Winarak din nila ang mga bunga  ng mga ito na sana ay iaangkat ng mga Simeon kinabukasan.             Dahil sa mga makabagong mapanirang kagamitan, mabilis na naisagawa nang matagumpay ng mga lalaki ang minsyon nila sa gabing ito. Kaunting patak lamang ng pawis, at masusukat na wala pang isang oras ang kanilang inalay. Ginawa nila ito alang-ala sa katiting na salapi.             “Tagumpay! May panghithit na naman tayo!”             “Siya nga pre! Magmadali na tayo at baka may makipansin sa atin. Malagot pa tayo kay Kapitan.”             Sa kabilang banda, wala kamalay-malay ang tatlong lalaki na may babae na papalapit sa kinalalagyan nila. May dala itong maliit na cellphone na touch screen at kasalukuyang naghahanap ng signal upang makapag-mine sa f*******: live.          Natigilan ito nang marinig niya ang mga nag-uusap na lalaki. Nanlaki ang paningin niya nang makita niyang sira-sira ang gulayan ng mga kapatid niya. Tila binuhusan siya ng kumukulong tubig sa nasasaksihan. Aminado siyang masama ang ugali niya sa mga kapatid niya ngunit hindi naman niya ibig na ganito ang sapitin ng mga pinagpaguran ng mga ito. Kahit papaano, kapatid pa rin niya ang mga ito at iyon ang katotohanang hinding-hindi mababaluklot ng kahit anong bagay at kahit sino.              “Mga walang hiya kayo. Anong ginawa niyo sa gulayan naminnn!?” Sakto at nakakita siya ng bato at binatukal iyon sa mga gulat na lalaki. Dahil sa natural na pagiging talakera nito, naghumiyaw siya ng sobrang lakas. Hiyaw na mabubulabog talaga ang mga tao sa paligid. Upang magkaroon ng puwereba  ay binuksan niya ang camera ng phone niya at nagsilumang mag-video.             “TULONGGGG!! MAY MGA MASASAMANG LOOB ANG SUMIRA SA GULAYAN NAMINNN! TULONG MGA KAPITBHAY! MAGSIGISING KAYONG LAHAT!”             “Putang-ina!” Sa taranta ng mga lalaki, bigla nahampas ng isang lalaki si Azusulayta. Sa lakas ng pagkakahampas nito ay nagdilim ang paningin ni Azusulayta hanggang sa tuluyan na siyang mawalan ng ulirat.   
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD