Kabanata XXIV: Vince

1744 Words
           “I was not amazed by how you treat Sina! Sa susunod ay lalaan mo pa. Iyong mananangis siya sa sakit at matatawag niya ang lahat ng mga binging santo,” wika ni Catripia sa kaibigan niyang si Carmen. Sila ay nasa silid ng Donya na sa ikalawang palapag ng mansyon.  Sa lugar na ito makikita ang mamahaling kagamitan, imported galing sa iba't-ibang  bansa. Higit sa lahat, ang mga lihim ni Catripia na tanging si Carmen lang ang nakakaalam.             “Gusto mo Catripia ay wakasan na rin natin ang buhay niya katulad ng ginawa ng inyong ama? HAHAH!” sagot ni Carmen matapos ay tumunga ng wine na kasalukuyan nilang iniinom ngayon.             Napaisip si Catripia sa sinabi nito. Tumingin siya sa malaking litrato na nasa harapan niya. ‘Isang pagkakamali ang ginawa sa iyo ng aking ama. Ikaw rin kasi ang may kagagawan ng tadahanang sinapit mo.”                       “Hindi pa ito ang tamang panahon upang malaman ni Sina ang nakaraan namin ng ama niya.”             “Kaya ba tinago mo ang litratong iyan mula sa ibaba dahil ayaw mong makita ng bata?” usisa ni Carmen.             “Bueno! Dahil siya lang naman ang dahilan kung bakit kami nagkahiwalay ng ama niya!”             ‘Hindi lang naman siya ang dahilan,” bulong ni Carmen sa isip niya.  “Hanggang ngayon, hindi pa rin nawawala sa iyo ang dugo na mapaghiganti. Huwag kang mag-alala, sa susunod na pagbalik niya rito ay magmimistulang bangungot ang mundo niya,”  sagot ni Carmen. Matapos nito ay tumunog ang cellphone ni Catripia. Nakita na ang lalaking tumatawag sa kaniya, ay ang lalaking kinahuhumalingan ang kaniyang ganda. “Nakahanap na ako ng bagong tauhan, mamaya ay papasira na natin ang gulayan,” saad ng lalaki sa telepono. Rumehistro ang masamang ngiti sa labi ng Donya. Dala ng sobrang saya.  “Iyong perang binigay ko sa iyo, ibili mo ulit ng ayuda nila.” “Sa susunod na pagkikita, halik naman ang ibigay mo sa akin.” Pinatay na muli ni Catripia ang linya ng tawag. “Mukhang asong sunod nang sunod sa mga pinag-uutos ko.” Nang makita niya ang oras sa telepono ay agad-agad siyang napabalikwas. “Aalis ka na naman?” tanong ni Carmen dito. “I have some business with my nephew at mall,”  sagot ni Catripia. Inayos niya ang sarili niya. Tinawag niya si Bulog dahil kanina pa ang usapan nila ng pamangkin niya. Mainipin pa naman iyon.  ‘Pamangkin ba talaga?’ ngising wika ni Carmen sa sarili. Bumaba siya at tinanaw na makaalis ang amo.   XIAN ALONZO             “CONGRATULATIONS Mr. Alonzo, I know Captain Ignacio will be proud of you. You only got two mistakes on my subject. You’re the highest in your class!” good news sa akin ni Ms. Davila. Inabot niya sa akin ang papel ko.             “F*ck!”  Napasigaw ako nang makita ang score ko. “ I was not expecting this!” Haist, my overnight hard work has paid off! “Thank you, ma’am!” Halos mayakap ko na si ma'am sa tuwa. But I won't do it.              “Wow, bro. I guest, Sina taught you incredibly!” manhang ani rin ni Fibo habang nakatingin sa papel ko.             “I have to go, Xian. Just keep your paper from you. And whoever your tutor is, tell that person that he did a wonderful job. A sport oriented man turned to be an academic lover! Keep it up, Xian.” Tumingin si Ms. Davila sa tropapips ko. “Kayo naman boys, huwag puro pa-guwapo lang, lagyan din ang substance ang existence, okay?! Cute-cute e!”             “Maybe, I'll take that advise on my next life ma’am!” pambibiro ni Fibo bago tuluyang makaalis si ma’am.             "You s**t!"              “And keep that Sina too, bro!” dagdag pa ni Justine habang nakatingin sa akin. I smirked at him.             “Yeah.”             “Lemme check the validity of the scor.!” Kinuha ni Vincent ang papel ko. Mukhang hindi pa siya makapaniwala na dalawa lang ang mali ko.             “Are you in love with a gay bro? Seems that you are highly inspired!” Siniko naman ako ni Fibo.             “Gago!” saad ko. “So, Vodka now?” si Vicent.             “No to vodka muna pre! Magre-review pa for upcoming exams." I refused. I needed to treat Sina for his help.             “Hmmm... we’d like to see that Sina too!” saad ni Justine. “Right bro?” Tumango naman ang tropahan sa kaniya.             “No, he’s just mine!” saad ko. Mabilis kong kinuha ang papel ko sa kanila at iniwan silang nakatayo sa room. I need to find, Sina and celebrate this success with him.             “Wait us, bro! We’ll follow you!” Narinig ko pang sigaw nang mga bulol but I didn’t turn my back to them. SINA SIMEON             “SAKAY!”             Napatingin kami ni Kalay sa biglang sumigaw sa amin. Kilala ko ang kotse na ito. Kay Xian ito for sure.             “Ang Sinag Ng Pag-ibig is here!” sigaw ni Kalay. Bumaba ang bintana sa likod ng sasakyan at napansin namin ang tatlo pang lalaki na nasa loob.             “Kailan pa bumaba ang mga Diyos sa maharlikhang kaharian? Bakit hindi ako narating ng maluwalhating balita?”  Natulala si Kalay sa mga kasama ni Xian. Nakita ko ang mga lalaki na nakatingin sa akin at napangisi naman sila kay Kalay.             Kinurot ko ang tagilirin ni Kalay at sinara ang bibig niya upang umayos siya. Nakakahiya siya sa mga kaibigan ni Xian. Halata pa naman na rich kid ang mga ito.              “You must be Sina?” ang tanong ng lalaking mukhang espansyol ang mga ninuno sa akin. Ang puti niya, at ang tangos ng ilong. May accent din ang pagsasalita niya.              “Yes,” ngiting sagot ko. Ang gu-guwapo talaga nila. Nakakahiya. Ayos lang ba ang suot ko?              “Sakay na! Mag-cause pa tayo ng traffic dito!” Malakas na hiyaw ni Xian. Bumukas ang pintuan ng kotse.              “Bakit ba kami sasa….”  Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang bigla akong hablutin ni Kalay. “Huwag ka nang magtanong. Mga fafa na nga ang nag-aya sa atin e, demanding ka pa. Walang ganooon, mami." “Dito si Sina sa front seat!” Narinig kong utos ni Benjamin at doon ako hinila ni Kalay. Samantalang siya naman ay naupo sa ginta ng tatlong lalaki. Biglang umandar ang sasakyan. Inayos ko muna ang sarili ko bago magsalita. “Saan ba tayo pupunta?” tanong ko kay Xian. Wala akong kaalam-alam kung ano ang ginagawa namin dito.  “Huwag ka nang maraming tanong!” sagot nito habang nakatingin sa daan. Bakit parang nawawalan ako ng karapatan na magtanong? “Kahit saan iyo kaming dalhin ni Sina ay buong loob akong sasama sa inyo nang walang kahit anong kondisyon!” saad ni Kalay. “You want to feel haven?” tanong ng mukhang Chinese rito. “Kalay, umayos ka nga! Nakahihiya sa kanila,” pagnenermon ko bago pa man may lumabas na hindi kaaya-ayang salita sa bibig ng kaibigan ko. “Sina, is cute!” Narinig ko namang wika ng lalaking moreno. Bumaling siya kay Kalay. “You is kata-cute!”             Napahagikigik kami ni Xian sa sinabi ng kaibigan niya.  May basher na agad si Kalay.             HUMINTO kami sa mall sa kabilang bayan. Tamang-tama dahil dito rin ang punta namin ni Kalay. Nalibre pa kami ng pamasahe.                  “We’re here!” wika ni Fibo. Siya ang mukhang Chinese. Nagpakilala na sila sa amin kanina habang nasa biyahe kami.              Bumaba kami kahit wala akong kaalam-alam kung bakit kami inaya ni Xian na pumarito. Tahimik lang siya sa pagda-drive at hindi nakikipag-usap. Paminsan, napapansin ko ang paglingon niya sa akin habang nakatingin ako sa daan.             “Salamat sa rides. Dito rin ang punta namin ni Kalay na-libre pa kami ng pamasahe,” wika ko sa kanila. Akmang aalis na ngunit pinigilan ako ni Xian gamit ang pagkapit sa aking kamay.             “Wait, lemme treat you.” Nakita ko ang bitbit niyang papel. Kanina pa iyon nakaipit sa box sa may kotse niya. Hindi ko naman pinansin kung ano ito.              “Treat? Bakit? May ano?” takang tanong ko.             “I passed!” Pinakita niya sa akin ang papel. Doon ko napagtanto na nag-exam nga pala siya. Nakita ko ang score at dalawa lang ang mali nito. May indication pa roon, saying, ‘Highest Score’.             “Hoy, congrats! Sabi ko naman sa iyo na kaya mo iyan eh!” Nahampas ko siya sa dibdib sa sobrang galak.             ‘Aba, pinagpaguran namin itong dalawa.’             “Next time, Sina, come over our home and let do reviewing all night, also,” saad naman ni Vincent. Siya ang mukhang Espanyol.             “Nope!” saad ni Xian at mabilis ako hinatak papasok ng mall. Naiwan ang mga kabarkada niya at si Kalay. Ang weird nito ngayon. Tama naman ang paghatak niya dahil may kainitan sa kinatatayuan namin.             Hindi pa naman niya tinatanong kung ano ang gusto kong gawin ay tumungo kami sa isang fine dining sa loob ng mall. Mabilis namang naka-sunod ang mga kaibigan ni Xian at si Kalay. Buti nalang at maayos-ayos kahit papaano ang outfit namin.             Si Xian ang umorders ng mga pagkain. Anim kami ngayon kaya ang dami niyang pagkain na sinabi sa waiter. Napangiti ako, masaya ako dahil kahit alam ko, at halatang mayayaman ang mga kaibigan ni Xian katulad niya ay hindi sila mapili sa mga tao na sasamahan. Sanay silang makisama at makibagay.                  ‘Kung ibang lalaki iyan, baka sinapak na si Kalay sa pagiging clingy nito’             Naging tahimik sandali ang paligid. Ang magkakabarda ay nakatutok sa kani-kanilang cellphone, si Kalay naman ay ginagala ang tingin sa paligid. Ramdam ko ang kasiyaha niya. Kagaya ko, madalang lang din siya makapunta sa mall. Sobrang dalang lang pala. Si Xian, tahimik lang din na naglalaro ng NBA sa phone niya. Napatitig ako sa kaniya at pinagmasdan ito. ‘Hindi naman ako humiling ng appreciation, pero marunong siyang kumilala ng tulong.’ Inalis ko na ang tingin ko sa kaniya dahil baka mapansin niya pa ito. Nang dako ang mga mata ko sa gilid namin, nakita ko si Donya Catripia na naka-upo sa waiting area, kasama niya si manong Bulog.             ‘Nandito rin pala sila. Siguro, gustong magpalamig at magliwaliw ni donya.’ Nanlalaki ang mata ko nang makita ko ang kaibigan kong lalaki sa school na lumapit kina donya at hinalikan ang amo ko sa pisngi. “Vince,” ang bigkas ko. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD